Eleven: World War 4

73 2 1
                                    

Eleven: World War 4

7:30 na, pero wala parin 'yung Rigo na 'yon! Bakit ba ang hilig niyang magpahintay? Tsk. Naiinis na naman tuloy ako sa kanya.

Trenta minutos na kaming nakaupo dito ni Dom. Ni hindi parin kami kumakain dahil sa kakahintay sa Rigo na 'yon. Hay!

"Babe, kumain na muna tayo?" Sabi ko kay Dom na kasalukuyang nakatuon sa telepono niya.

"Sandali nalang babe. Parating na si Rigo!" Sagot nito.

Jusko! Parating na? Baka yung parating n'un, naliligo palang siya! Hayst. Kung alam ko lang talaga na paghihintayin niya kami ng ganito, sana sa bahay nalang kami nag-dinner. Atleast, kung paghintayin man niya kami, pwede muna akong matulog!

Napairap nalang ako at hindi na sinagot si Dom. Pinaglaruan ko nalang yung mga kubyertos sa mesa habang naghihintay sa kumag na 'yon. Busy rin naman si Dom sa pagtetext sa Mama niya.

"What's up, guys!"

Awtomatikong napairap ako nang marining ang boses ng kumag na 'yon!

Finally, dumating din siya. Hayst! Akala ko natabunan na siya ng mga sasakyan eh.

“Were good, pre. Thanks for coming.” Sabi ni Dom.

Napabuntong-hininga na lang ako. Hindi man lang magawang magalit nitong si Dom sa kanya. Sabagay, mag-bestfriend nga pala sila. Tsaka, sanay na din siguro siya pagiging later comer nitong si feelinggerong gangster. Ugh!

“Eh, bakit parang hindi good 'tong si Jessica?” Tiningnan ko siya na blangko ang mukha. Kasalukuyan na siyang nakaupo at nakangisi sa akin.

“At sa tingin mo ba, magiging good ako sa pagpapahintay mo sa'min ng 30 minutes? Hindi ba uso sa'yo ang time management?” Mataray kong sinabi at iniwasan siya ng tingin.

Tumawa ito ng malakas bago nagsalita, “Pasensya na po, Miss Mainipin. May ginawa lang po kasi ako.” Paliwanag niya.

Well, hindi parin sapat na rason 'yon para paghintayin niya kami. Sana man lang, nagtext siya kay Dom na matatagalan siya. Hayst!

Nag-makeface lang ako sa kanya.

"Sige na, tama na 'yan. Umorder na tayo." Pumagitna na sa aming dalawa si Dom.

Napabuntong-hininga nalang ako.

Nagsimula na rin kaming umorder ng makakakain. Nagkwentuhan muna yung dalawang mag-bestfriend habang naghihintay.

Hindi ako makasingit sa kanila dahil about sa basketball ang topic nila. Nako! Parang gusto ko ng magselos dahil parang mas namiss pa ni Dom itong Rigo kaysa sa'kin. Hay!

Sa wakas ay dumating na rin ang pagkain. Nagsimula na kaming kumain. Katahimikan naman ang nanaig.

“May patay ba?” Basag sa katahimikan nung kumag. Tiningnan lang namin siya ni Dom. “Tss. Ang tahimik niyo namang dalawa. Ngayon na nga lang kayo nagkita, hindi pa kayo nag-iimikan. Guys, energy!” Sabi pa nito at kinalampag ang mesa.

Napatingin tuloy sa amin ang iba tao dahil sa ginawa niyang ingay.

“Hindi naman kailangang magsalita habang kumakain eh. Hindi ba uso sayo ang manners?” Sabi ko at inirapan siya. Napangisi naman ito.

Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at hindi na siya pinansin.

“You know what, bakit kaya hindi tayo mag-bonding bukas? Since, may one week pa naman ako dito sa Pinas.” Sabi ni Dom habang kumakain kami.

Agad akong napatingin sa kanya na nagtataka.

Anong one week? Bakit aalis ulit si Dom? Akala ko ba okay na si Tito Ed?

Napaawang ang bibig ni Dom at nagtinginan sila ni Rigo. Parang may tinatago silang dalawa.

“A-ah, si Papa kasi, kailangang dalhin ulit sa Korea. Pinapabalik kasi siya ng doctor niya para sa ilang mga check-ups niya doon.” Agad na sabi nito. Pero hindi parin nawawala ang arko sa kilay ko.

“At kailangan na kasama ka pa?” Tanong ko na nagtataka parin.

Hinawakan ni Dom ang kamay ko, “Babe, alam mo naman na kailangan ako ni Dad eh.”

Napabuntong-hininga ako. “Alam ko. Hindi naman kita pinagdadamot sa kanila eh. Pero bakit kailangang sumama ka pa sa kanila? Madami namang pwedeng mag-alaga kay Tito Ed eh.” Pahayag ko sa tonong nagtatampo.

Nakakatampo talaga. Feeling ko, merong hindi sinasabi sa'kin 'tong si Dom eh.

“At gusto ko lang din na ipaalala sayo na girlfriend mo ako. Pwede mo 'kong sabihan kung may problema ka. Sana naman pagkatiwalaan mo 'ko!” Sabi ko at tumayo para magtungo sa ladies room.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaluha na ako.

Akala ko pa naman nagtitiwala siya sa'kin. Pero nung simulang dumating ang bestfriend niya, parang meron akong hindi alam na sila lang dalawa ang nakakaalam. Hayst.

Hindi naman siguro masamang magtampo, 'di ba? May karapatan din naman akong malaman kung anong mga pinagdaraanan niya. Masasandalan niya naman ako eh.

Ayokong pagselosan si Rigo dahil alam ko naman ang limitasyon ko bilang girlfriend ni Dom. Mag-bestfriend sila at matagal ng magkakilala.

Pero, hahayaan niya bang wala man lang ako kaalam-alam sa mga nangyayari sa buhay niyo?

Boyfriend ko nga siya, pero feeling ko, hindi niya kayang magtiwala sa'kin. Hayst!

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at lumabas na ng comfort room. Pagbalik ko sa table namin, wala na si Dom at tanging si Rigo nalang ang nandoon.

Napabuntong-hininga ako, “Nasaan na siya?” tanong ko.

“Tinawagan siya ng Mama niya at pinapauwi siya sa kanila. Mamaya na daw pala yung flight nila pabalik sa Korea.” Sagot nito.

Agad na nalaglag ang balikat ko sa sagot niya. Ni wala pa ngang bente kwatro oras na namamalagi dito sa Pilipinas, tapos aalis na naman siya? Kahit sana sumunod nalang siya bukas para makasama ko pa siya ng matagal. Ganon ba kakritikal ang kalagayan ni Tito Ed at kailangang laging kasama siya?

Yung pisi ng pag-iintindi ko kay Dom, malapit na talagang maputol. Nakakapagtampo, nakakapagselos, nakakainis!

“Hayaan mo nalang. Balang araw, maiintindihan mo rin siya.” Sabi pa nito.

Tumingin ako sa kanya, “Para sa'yo madali lang sabihin na intindihin ko siya. Pero bilang girlfriend niya, nangangailangan din naman ako ng oras niya.” Sabi ko at napalunok. “At ano naman ang dapat kong maintindihan balang araw? Eh, malapit na ngang maubos ang pag-iintindi ko sa kanya.” Dagdag ko pa.

“May mga inaasikaso lang din kasi si Dom–”

“Bakit ikaw alam mo ang lahat ng nangyayari sa kanya, samantalang ako, parang kailangan ko pang manghula kung anong nangyayari sa buhay niya? Tapos yung mgs tinginan niyo, para kayong may tinatago sakin. Ano ba? Niloloko niyo ba 'ko?!” Inis kong sinabi sa kanya.

“Jess, hindi ka niloloko ni Dom. Meron lang siyang inaasikaso bukod sa Papa niya.”

Huminga ako ng malalim. Yung pinipigilan kong luha kanina, ngayon ay sunod-sunod ng pumapatak.

Pinipilit kong intindihin ang lahat. Pero ang hirap kapag hindi mismo ang boyfriend mo ang nagsasabi nun. Maghihinala't maghihinala ka parin.

“Ewan ko,” sagot ko nalang at lumabas ng restaurant.

Hindi ko na alam kung saan ako napadpad. Patuloy lang sa paglalakad ang paa sa kung saan.

Halos manghina na ako dahil sa kakaiyak ko. Bakit ba ganito? Wala ba akong karapatang malaman kung anong nangyayari sa kanya? Hindi niya ba kayang magtiwala sa akin?

Napatigil ako sa paglalakad at bigla nalang na bumagsak. Hindi ko na alam kung ano na ang mga sumunod pang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon