Five: Say Sorry
Nag-sorry sa akin si Dom n'ung di niya sinabi sa akin na one week pala siyang mawawala. Pinapasama kasi siya ng Mommy niya sa Korea para ipagamot ang Daddy niya roon. Kahit na gusto kong magtampo sa kanya, ako nalang ang umunawa dahil importante naman talaga iyon. Family first, ika nga.
"Babe, sorry talaga. Biglaan kasi eh." Sabi nito mula sa kabilang linya. Isang mahabang paghinga lang ang isinagot ko sa kanya. "Pag-uwi ko, babawi talaga ako. Nandyan naman si Rigo para samahan ka eh."
"Okay lang naman sa'kin kung mawawala ka ng one week eh. Family matter 'yan, babe. Okay lang talaga. Tsaka, di ko na kailangang magpasama dyan kay Rigo. Kaya ko naman eh." Sabi ko. Umirap pa ako ng mabanggit ko ang pangalan n'ung kumag. Tss.
"Babe, 'wag ka nang magalit kay Rigo. Ganun lang talaga iyon. Tsaka, pumayag ka narin naman na samahan siyang magtour sa Manila, diba? Sige na." Pamimilit pa nito.
Napabuntong-hininga ako.
"Oo na! Basta kapag may nangyari na namang hindi maganda, lalayuan mo na 'yang bestfriend mo." Pagpapaala ko.
Matagal siyang nanahimik bago muling nagsalita. "Okay, sige."
Nako. Hindi ko na talaga kakayanin kapag naulit ulit 'yung nangyari sa aming dalawa sa Edsa. Mabuti na nga lang at hindi nagalit noon si Dom n'ung sabihin ko eh. Kaso, di ko pa nga lang nasasabi kina Mom at Dad. Pero kahit 'wag na! Ngayon lang naman ako nagsinungaling eh. Hehe.
"Sige na, maya nalang ulit tayo mag-usap. May next subject pa ko eh." Dahilan ko at inend na ang call.
Bumuntong-hininga ako at naupo sa bench na parang nanghihina.
Naiinis ako! Bakit ba kasi kailangan ko pang makasama ang lalaking iyon sa loob ng one week? Kung hindi lang dahil may utang na loob ako sa kanya, hindi ako papayag eh. Ayoko kayang maging chaperon niya. Ugh!
"Jess," Napalingon ako sa gilid ko at papalapit sa kinauupuan ko si Lyra. Naupo siya sa tabi ko at kitang-kita ko ang lawak ng pagkakangiti niya.
"Bakit?" Kunot-noo kong tanong.
"May naghahanap kasi sa'yo," Sagot niya, tapos umakto ito na parang kinikilig. "Rigo raw 'yung pangalan niya. Iiiiiiiih!"
Napairap nalang ako at huminga ng malalim. Oh, my God. Makakasama ko na naman 'yung lalaking 'yon. Tss.
"Nasaan raw siya?"
"Nandoon sa room natin. Kinakausap nga siya ng mga kaklase natin eh. Sino ba 'yun?"
Ang walanghiya, nagawa pang makipag-friend sa mga classmates namin. Tss. Feeling close din eh.
"Bestfriend siya ni Dominic na taga-canada. Umuwi lang dito para magbakasyon."
"Talaga? Ang gwapo niya, Jess. Kahit na ang weird n'ung look niya, sobrang crush ko na agad siya." Sabi niya pa. Natawa lang ako sa reaksyon niya.
"Nako. Sana lang maging crush mo pa siya kapag nakilala mo na 'yung pagkatao ng lalaking 'yon." Pagbabanta ko.
Natigilan naman si Lyra at seryosong napatingin sa akin. "Weah? Ano bang meron sa lalaking 'yun?"
"He's a gangster. Mahilig siya sa trouble, nilalagay niya sa bingit ng kamatayan ang buhay niya, he don't believe in love, mayabang siya, maangas at feeling gwapo. In short, Gangster!" Paliwanag ko.
Napa-'ooh' lang si Lyra sa sinabi ko kaya napairap ako.
"Tara na nga, puntahan na natin 'yun. Mamaya kung ano pang gawin niya sa mga classmate natin." Aya ko sa kanya.
Pagkarating namin sa room, nauulinigan ko na agad sa labas ang boses ng mga kaklase ko na nagtatawanan. Anong meron?
Hindi muna namin binuksan ang nakasarang pinto at nakinig sa kanila sa loob.
"Tss. 'Wag na kayong mag-aral, guys! Kapag namatay kayo, di niyo rin 'yan magagamit sa langitㅡ kung sa langit man kayo mapupunta." Sabi nito, at nagtawanan ulit ang mga kaklase ko.
Tss. Tama bang mang-impluwensya pa siya ng ibang tao? Grabe lang.
Kaya bago pa siya magsalita ulit, binuksan ko na ang pintuan at pumasok kami ni Lyra. Nadako ang tingin niya sa amin at n'ung iba naming kaklase.
"Oh, ba't ang tagal mo?" Nakangiti nitong tanong.
Inismiran ko siya. "None of your business! Anong kailangan mo?" Inis kong tanong.
Natawa naman siya. "Grabe, ang sungit mo ngayon, ha? May PMS ka ba?" Sa sinabi niyang iyon, nagtawanan tuloy ang iba kong mga kaklase.
Shocks! Ang kapal naman ng mukha niya para sabihin na may PMS ako. Grabe talaga 'tong lalaking 'to. Walang preno ang bibig. Tsk.
Pinanlakihan ko siya ng mata at hinila palabas ng room.
Agad kong binitiwan ang braso niya. "Siraulo ka ba? Ba't mo naman sinabi iyon?" Nanggalaiti kong sinabi.
Feeling ko, namumula 'yung buong pisngi ko dahil sa hiya at inis sa kanya. Argh! Kahit naman na bestfriend siya ni Dom, wala siyang karapatang sabihin iyon sa harap ng maraming tao. Babae ako, 'no. Tapos, sa bibig pa ng lalaki nanggaling iyon. Waaaah!
Tumawa naman siya ng nakakaloko. Eeww! "Bakit? Ganun naman talaga, di ba? Kapag nagsusungit ang babae, ibig sabihin meron sila. Tama, diba?"
Parang 'yung init ng dugo ko, nakarating na sa ulo ko. Letse 'tong lalaking 'to! Bakit ba ganyan siya kawalang-modo? Nakakainis. Sa dami namang taong maging bestfriend, ito pa ang napili ni Dom. Ano bang meron sa kumag na 'to? Argh!
"Ewan ko sa'yo!" Sagot ko at tinalikuran siya.
Grabe talaga! Feeling ko napahiya ako room eh. Duhh! Pagkababae ko kaya ang pinag-uusapan. Hmp! Palibhasa kasi, gangster siya kaya parang wala lang sa kanya 'yung mga ganung salitaan.
"Oh, 'wag ka nang magalit dyan," Pang-aamo niya. Pero nanatili parin akong nakatalikod sa kanya. Tse! "Ang arte mo talaga, 'no."
Humarap ako sa kanya. "Tama bang sabihin mo 'yung ganun sa harap ng mga kaklase ko?" Nahihiya kong sinabi. "Babae parin ako, 'noㅡ at girlfriend ako ng bestfriend mo."
Humalakhak lang ito sa mga sinabi ko kaya napataas ang kilay ko.
"Seriously? Sineryoso mo 'yung sinabi ko? It was only a joke. Gets naman 'yun ng mga kaklase mo, so wala ka dapat ikahiya." Sabi pa nito.
Inismiran ko siya. "Maski na. Wala ka paring karapatang sabihin iyon." Pagmamadiin ko.
Ngumiti naman siya sabay umupo sa may bench. "Okay, alam ko naman ang gusto mong marinig sa'kin eh," sabi nito at tumigil saglit at parang nag-iisip kunwari. "Sorry. Okay na?"
Inirapan ko lang siya at nag-abrisyete ako ng kamay. "Hmp! Parang labas naman sa ilong 'yang sorry mo."
Natawa siya ng mahina. "Ang arte mo talaga. Anong gusto mong sorry? 'Yung tipong luluhod pa ko sa harap mo sabay sasabihing, 'sorry na please'? Ganun ba?"
Napangiti ako sa sinabi niya. Ha-ha! "Oo, ganun na nga."
Malalim siyang bumuntong-hininga at tumawa ng sarkastiko. Ha-ha! Tama lang 'yan sa'yo.
Umakto itong nakaluhod at nakadikit pa ang dalawang kamay. "Sorry na po, please?" Sabi niya. Tiningnan ko siya ng matagal habang nakairap.
Pinagmasdan ko rin ang buong paligid at nakabuo na pala kami ng mga audience.
Muli akong tumingin sa kanya. Nanatili parin ito sa pwesto niya. "Sorry na kasi. Promise, di ko na uulitin 'yun. Pwede mo na ba kong samahan?"
Tumingin ako sa kanya ng matagal bago nagdesisyon. "Okay," sagot ko at naglakad papuntang room para kunin ang bag ko.
Ang unpredictable talaga ng lalaking iyon. Tss! Mabaliw ata ako kapag nakasama ko siya ng matagal.
----------------------
BINABASA MO ANG
A Gangster Story
RomanceIsa siyang Gangster na hindi marunong umibig. Pero dahil sa pangako niya sa kaibigan, natutunan niya kung paano ang magmahal.