Eight: Peace Offering
Kasama ko si Lyra ngayon dito sa Mall para bumili ng kung ano mang pwedeng magpasaya sa kalooban ng lalaking iyon. Kainis siya, ha! Siya pa talaga ang may ganang magtampo ngayon. Tss.
Oh, 'wag masyadong mag-isip ng kung ano dyan. Hindi ko ginagawa 'to dahil guilty ako. I'm doing this because I want him to feel that I'm not judging him. Well, medyo jinudge ko naman siya n'ung una. Pero, wala na 'yun. Tsaka, pasasalamat ko narin ito dahil sa mga ginawa niyang mabuti sa akin.
"Kung magluto ka kaya ng dinner para sa inyong dalawa? I'm sure sobrang maaappreciate niya 'yun, Jess." Suhestiyon ni Lyra. Napalingon ako sa kanya at napaisip.
Good idea nga naman iyon. Kaya nga lang, hindi ako marunong magluto. Kahit nga pagprito ng hotdog, hindi ko kaya eh. Nakakatakot kayang matalsikan ng mainit na mantika. Ugh!
"I don't know how to cook, Lyra. Baka pagtawanan niya lang ako. Knowing that guy." Nag-aalangan kong sabi.
Nginitian ako ni Lyra at tinap pa ang likod ko. "Hindi ka dapat mag-alala sa mga ganyang bagay, sis. Eh, ano pang ginagawa ng napakaraming katulong niyo? Nakakahiya naman kung hahayaan ka lang nilang nagsisisigaw sa loob ng kitchen niyo dahil sa pagpriprito ng hotdog." Natatawa nitong sinabi, kaya inirapan ko siya. Tumigil rin naman ito sa pagtawa.
"Mas maganda parin kasi kung ako mismo ang nakaisip ng idea. Para naman mas lalong gumaan ang loob ng kumag na 'yon. Nakakapagtaka nga dahil hindi niya parin ako kinocontact. Paniguradong masama parin ang loob n'un sa akin." Parehas kaming napabuntong-hininga ni Lyra sa kawalan. Kasabay din n'un ay biglang tumunog ang telepono sa bag ko.
Agad ko itong nilabas at tiningnan ang pangalang nakarehistro sa screen.
Babe Dominic ❤ calling...
Sinagot ko ang tawag.
"Hello, babe?" Bati ko sa kanya.
"Hi, babe ko. Kamusta ka na?"
Napabuntong-hininga ako. "Ito, stress sa bestfriend mo!" Makatotohanan kong sabi.
Totoo naman talaga, eh. Sino bang hindi ma-sstress sa ugali at energetic na nilalang na 'yun? Parang lahat na ata ng vitamin supplement sa mundo, ininom n'un eh. Tsk. Tsaka ito pa, hirap akong makuha ang ugali niya. Sobrang unpredictable ng lalaking iyon. Hay!
Narinig ko ang malalim na buntong-hininga ni Dom sa kabilang linya. "Babe, konting tiis nalang. Malapit na kaming umuwi dyan. Pasensya na talaga." Biglang humina ang boses ni Dom sa huling sinabi niya.
"Hindi parin ba magaling si Tito?" Kunot-noo kong tanong.
Matagal na hindi sumagot si Dom.
"Bab-"
"Sige na, babe. Aasikasuhin ko muna si Dad. Tatawagan nalang kita ulit if I have a free time. I love you and I miss you." Hindi na ako nakapagsalita pa dahil binaba na nito ang telepono.
Muli na namag kumunot ang noo ko. May problema ba 'yun?
"Oh, ba't kunot 'yang noo mo? Diba, dapat masaya ka dahil nakausap mo si Dom?" Pansin sa akin ni Lyra.
"Hindi ko nga alam eh. Parang may hindi sinasabi sa'kin si Dom." Tapos ay napabuntong-hininga ako.
Inakbayan naman ako ni Lyra sa balikat. "Baka nahihiya lang siya sa'yong magsabi. Syempre, magkalayo kayong dalawa. 'Wag ka ngang nega dyan, 'teh!"
"Pero mali parin 'yun, eh. Girlfriend niya naman ako. Pwede naman siyang magsabi ng problema niya eh."
"Alam mo, 'wag mo nang masyadong intidihin si Dom. Ang intindihin mo ay kung paano mong mapapaamo ulit si Papa Rigo!"
BINABASA MO ANG
A Gangster Story
RomanceIsa siyang Gangster na hindi marunong umibig. Pero dahil sa pangako niya sa kaibigan, natutunan niya kung paano ang magmahal.