Ten: Don't Worry
Sembreak na namin ngayon. Weeee! Ang kaso, hindi parin umuuwi si Dom. Hay. Okay lang naman kung mahuli na siya sa mga lessons eh. School naman nila ito, kaya pwede siyang magtake nalang ng exam.
Pero, Gawwwwd! I soooo missed that guy. Hay. Ilang araw na bang wala si Dom? Last na tawag niya sa akin ay noong tinuruan ako ni Rigo na magbake ng cake. Tatlong araw na ang nakalipas, pero wala parin siya. Sabi niya, one week lang sila eh. Tsk.
"Jess, hindi ka ba sasama sa bahay nila Beatrice? Birthday niya ngayon eh." Sabi ni Lyra sa gitna ng pag-iisip ko.
Lumingon ako sa kanya at bumuntong-hininga. "Parang tinatamad ako eh." Walang gana kong sinabi.
Inirapan naman ako ni Lyra. "Ayokong sabihing KJ ka, pero ang KJ mo, Jess! Duhh. Sembreak naman natin eh. Walang masama kung magparty-party tayo dahil nasurvive natin ang hellweek. Kuha mo?"
"Eh, wala talaga ko sa mood na sumama sa inyo ngayon!" Pagpupumilit ko.
"Bakit ba?" Tanong na naman ni Lyra.
Muli akong bumuntong-hininga. "Nakakainis kasi si Dom! Sabi niya, one week lang sila sa Korea, pero naextend pa ata sila. Hindi niya ba alam na sobrang miss ko na siya? Hay. Tapos di pa siya tumatawag ngayon. Nakakainis, diba?" Sabi ko na medyo nangingilid na ang luha.
Ganito pala talaga ang feeling kapag namimiss mo 'yung taong importante sa'yo. Naalala ko tuloy noong bata pa ako kapag natatagalan ng uwi sina Mommy dahil sa work nila. Lagi nalang akong umiiyak at si Yaya Tere lang ang nag-aalaga sa'kin. Pero, nalagpasan ko naman na iyon. Pero ngayon, nanunumbalik na naman 'yung ganung pakiramdam eh. Ang hirap talaga!
"Jess, don't be so nega! Malay mo, may iba pa silang importanteng ginawa roon."
"Hindi mo naman maiaalis sa'kin ang mag-alala eh. 'Yung huli kasing pag-uusap namin, parang may dinaramdam siya. Kaya nag-aalala ako." Malungkot kong pagkakasabi.
Parang ang tagal na kasi ng isang linggo sa'kin eh. O, hindi lang talaga ko sanay na hindi siya nakikita? Siguro, 'yun nga.
"Malay mo naman, isusrprised ka niya ulit." Sa sinabing iyon ni Lyra, bigla nalang may kumatok sa pinto.
Nagkatinginan kaming dalawa at nginitian niya ako.
Ito na ba 'yun?
Si Lyra na ang nagbukas ng pinto. At hindi nga ako nagkamali, si Dom iyon.
Nakangiti siyang lumapit sa akin habang may hawak itong mga rosas. Humalik siya sa labi ko at mataman akong tiningnan na parang sabik na sabik ito sa pagkikita namin.
"Sorry babe kung pinaghintay kita. Sorry rin kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa'yo. Biglaan kasi 'to eh." Paliwanag niya at umupo ito sa kinauupuan kanina ni Lyra.
"Ehem!" Napalingon kami ni Dom kay Lyra. "Maiwan ko muna kayo, ha? Moment niyo 'to eh." Natatawang sabi nito at lumabas ng room. Napangiti nalang kami ni Dom.
Muli akong tumingin sa kanya. "Okay lang naman sa'kin 'yun eh. Oo, nagtampo ako n'ung una, pero pamilya mo 'yun kaya di na ko nag-isip pa ng iba."
Ngumiti si Dom. 'Yung ngiting nakita ko sa kanya noong sinagot ko siya. "Thank you," sagot niya at niyakap ako ng mahigpit. "By the way, kamusta nga pala ang bestfriend ko dito? Inaaway ka parin ba niya?" Tanong nito pagkakalas sa pagkakayakap sa akin.
"Hindi naman na! Medyo okay na kami. Nakakatuwa nga dahil ang dami kong nadiscover sa kanya. Akala ko, mayabang lang siya. May good side din pala ang kumag na 'yon!" Sabi ko na natatawa. Ganun rin si Dom.
"Mabuti naman kung gan'on." Sabi pa niya.
Matagal akong tumitig kay Dom habang siya ay nakatingin din sa akin habang hawak ang kamay ko.
Napansin kong parang bumaba ng kaunti 'yung talukap ng mata niya. Tapos ay medyo nangapal ang eyebags nito. Kahit 'yung katawan niya ay parang pumayat rin.
"Dom, ano pang ginawa niyo sa Korea bukod sa pinagamot niyo ang Daddy mo?" Pag-iiba ko ng topic.
Ayoko siyang biglain at ayoko ring mabigla sa pwede niyang isagot sa akin.
Alam kong hindi okay itong si Dom, ayoko lang aminin sa sarili ko. Ugh! Parang maluluha tuloy ako.
Ngumiti siya. Ngumiti rin ako, pero mapaklang pagkakangiti.
"May problema ka ba, babe?" Ako ang unang nagtanong.
Hindi naman siya ganito dati eh. Ang daming nagbago sa awra niya. Nakakapanibago.
"I'm okay," tipid na sagot nito at muling ngumiti.
Matagal ko siyang tinitigan. Namiss ko ang mukha niya. Kahit na ilang linggo lang siyang nawala, feeling ko, mahigit isang taon na 'yon.
"Sure ka ba?"
Hinawakan nito ang kamay ko at hinalikan niya. "Yes, I'm okay. Don't worry yourself, Jess." At sa sinabi niyang 'yon, medyo napanatag ang loob ko.
Medyo lang dahil ayoko ng kulitin pa siya.
"By the way, nag-set ako ng dinner para sa'tin nila Rigo," sunod na sinabi nito.
Napabuntong-hininga ako.
Makikita ko na naman 'yung asungot na 'yon. Sana lang, hindi kami parang aso't pusa sa harap ni Dom. 'Yung bibig pa naman n'un, walang preno.
"Okay lang ba sa'yo?" Sunod niyang tanong.
Nagkibit-balikat ako, "Okay lang naman. Pero alam mo, ang unpredictable kasi ng bestfriend mo eh. Minsan, biglang tatahimik. Minsan naman, tatawa nalang ng malakas. Ewan ko! Ang gulo niya." sagot ko.
Totoo naman kasi. Kagaya nalang n'ung nagbake kami ng cake. Ang saya-saya niya habang tinuturuan ako. Tapos nang matapos kami, bigla siyang natahimik. Ewan ko ba. Siguro dahil naalala niya yung nagturo sa kanyang mag-bake.
Natawa ng mahina si Dom, "Babe, habaan mo nalang ang pasensya mo sa kanya. Medyo, matagal-tagal mo pa siyang makakasama eh." literal na nalaglag ang balikat ko sa sinabi niya.
Grabe! Daig ko pa ang nag-babysitter kung tutuusin. Actually, mas malala pa siya sa bata. And for God's sake! I'm only 16 years old, pero feeling ko, ang laking stress na ang nakaatang sa likod ko. Hay!
Tumingin ako sa mga mata ni Dom. Yung tingin na parang nagmamakaawa. "Sure ka ba dyan, babe? Hindi ba pwedeng bumalik nalang siya ng Canada? Kasi sa totoo lang, malapit na 'kong tubuan ng puting buhok sa ulo." Sabi ko at napahalakhak ng malakas si Dom. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Sorry babe, kung sa'yo ko pinapasama si Rigo. Alam mo namang kailangang lagi akong nasa tabi ni Dad eh." Sabi nito. I tap his shoulder.
"I understand. He's your father. At kung kailangan ka niya, sino ba naman ako para ipagdamot ka? At okay lang kung lagi kong makakasama 'yung bestfriend mong parang laging sinapian. Basta pagsabihan mo naman siya na 'wag masyadong hyper! Nakaka-stress eh." Sabi ko naman at inayos ang buhok ko. Natawa naman si Dom.
"Don't worry, I'll tell him about that. But for now, uuwi muna ako sa bahay to check my Dad. At mamayang 6, susunduin na kita dito sa inyo." sabi pa nito at hinalikan ako sa noo ko.
"Alright, babe." Sabi ko at sinamahan ko na siya sa paglabas ng bahay.
Nakaalis na ng bahay si Dom, pero hindi parin mawala sa isip ko yung pakiramdam kong parang may problema siya.
Syempre, kahit sino naman sigurong girlfriend, mararamdaman yung ganung feeling eh. Alam niyo na, kutob babae. Ayoko na nga lang na magtanong siya dahil baka makulitan na siya sa'kin.
Hahayaan ko nalang na siya mismo ang magsabi sa'kin kung ano mang pinagdaraan niya.
Basta panghahawakan ko yung sinabi niyang 'wag akong mag-alala.
-----------------
BINABASA MO ANG
A Gangster Story
RomanceIsa siyang Gangster na hindi marunong umibig. Pero dahil sa pangako niya sa kaibigan, natutunan niya kung paano ang magmahal.