Six: Tour Guide

75 3 0
                                    

Six: Tour Guide

Habang naglalakad kami ni Rigo papuntang Parking Lot, napansin kong kanina pa siya tahimik. Hanggang sa makasakay nalang kami sa sasakyan niya at patakbuhin na ito ay tahimik parin siya. Problema nito?

Seryoso siyang nakatingin sa daan at hindi man lang ako nililingon o kinakausap.

Hindi ko na talaga kayang hindi siya tanungin. Tsk. "May problema ba?"

Saglit lang siyang tumingin sa akin at muling nagbalik ng tingin sa daan.

"Wala," tipid nitong sagot. Napairap ako sa sinabi niya.

"Weah? Parang nakakapanibago

lang kasi eh." Pang-aasar ko.

Matagal siyang hindi sumagot at bumuntong-hininga muna ito. "Yung paghingi ko sa'yo ng sorry," Nag-pause siya at tumikhim, "pangalawang beses ko pa lang iyong nagagawa sa buong buhay ko."

Nakagat ko ang ibabang labi ko at tumingin sa daan. Naalala ko tuloy 'yung kwinento sa'kin ni Dom tungkol sa naging lovelife ni Rigo noon.

"Ganun ba? Bakit nga ba?" Di ko mapigilang itanong nang mapalingon sa kanya.

Nahalata ko ang pagngisi niya kahit na hindi siya nakatingin sa akin. "Wag na, baka maelib ka pa eh." Sabi niya at biglang tumawa.

Nabato ko tuloy sa kanya 'yung bote ng mineral water. Tawang-tawa parin siya. Ang OA niya talaga. Tss. "Cliff hanger," Sabi ko pa at inihinto na nito ang kotse niya sa parking lot ng Rizal Park.

Bumaba na kami ng kotse at mataman namang tiningnan ni Rigo ang buong paligid ng Rizal Park.

"Wooh! Namiss ko talaga ang Pilipinas." Sabi nito habang nakataas pa ang dalawang kamay.

Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa inakto niya. Kahit pala laki siya sa ibang bansa, may pagmamahal parin pala siya sa bayang pinagmulan niya. Wow lang!

Humarap siya sa akin kaya tinanggal ko kaagad ang ngiti sa labi ko. Mahirap na, baka lumaki ang ulo eh. Haha. "Saan ang una nating destinasyon, Jess?"

Natigilan ako sa huli niyang sinabi. First time niyang tinawag ang pangalan ko. Sa ilang araw naming pagsasama, ngayon ko lang narinig na tinawag niya 'yung pangalan ko.

"Saan mo ba gusto?" Balik-tanong ko.

"Tss. Ikaw nga ang tinatanong ko eh. Tamang bang ibalik sa'kin 'yung tanong?" Mapang-asar nitong sinabi.

Inismiran ko lang siya at tumingin sa ibang direksyon. Napansin ko sa may gilid 'yung nagtitinda ng fishball, kwek-kwek at palamig.

Lumingon ako sa kanya. "Gusto mo ba n'un?" Sabay turo sa may nagtitinda sa gilid.

"Oo ba!" Agad niyang sagot at hinila ako papunta roon.

"Grabe, ha. Excited lang?" Sabi ko pero hindi niya na pinansin iyon.

Agad siyang kumuha ng stick at nagtusok lang ito ng gusto niya. Pinagmasdan ko lang siya sa ginagawa niya habang tuwang-tuwa naman siya.

'Yung totoo? Gangster ba talaga 'tong lalaking 'to? Parang isip-bata lang eh.

"Oh, titingnan mo nalang ba 'yung kagwapuhan ko? Magtusok ka kaya." Sabi niya at hindi ko alam na nakatingin na pala siya sa'kin.

Napayuko nalang ako at kumuha ng stick at nagsimula nang magtusok ng kwek-kwek.

Tahimik lang akong kumain, habang 'yung isa naman ay takam na takam. Nakakatuwa talaga siya.

Parang magkapareho sila ng ugali ni Dom, kung hindi mo iisiping baliw 'tong si Rigo. Para kasing napakatahimik niya minsan. Kagaya nalang kanina. Ang unpredictable nga niya eh.

Pagkatapos niyang ubusin 'yung paninda ni Manang, bumili ito ng dalawang palamig at ibinagay niya sa'kin 'yung isa.

"Ang sarap pala n'ung kwek-kwek 'no? Parang gusto ko tuloy magpaluto pa nang ganun." Sabi niya pagkatapos uminom.

"Grabe ka naman! Halos wala ka na ngang itira d'on sa ibang bumibili, tapos gusto mo pang magpaluto? Iba ka rin eh." Pang-aasar ko.

Natawa lang siya. "Eh, ang sarap kaya. Wala naman kasing ganyan sa Canada." Sabi pa nito.

"Halika na, maglibot na tayo rito." Pag-iiba ko ng topic.

Hindi ko ineexpect na masarap din palang kasama ang tulad niya. 'Yung iba lang siguro ang hindi. 'Yung mga sobrang mahilig sa riot, mga adik na gangster at 'yung mga patapon ang buhay. Sabi nga ni Dom, hindi naman siya ganyan dati. Nagbago lang daw iyon dahil sa isang babae.

Naglakad na ako at alam kong nakasunod lang siya sa akin. Tumigil muna ako at tumingin sa kanya. Nakasuot ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng pants nito.

Tiningnan ko siya ng matagal at kunot-noo naman siyang nakatingin sa akin.

"Why?"

Tumikhim ako. "Bakit ayaw mong sabihin 'yung tungkol sa pagsosorry mo sa'kin kanina?" Muli ko na namang naitanong.

Pasensya na, alam kong makulit ako. Pero di ko mapigilan eh. Dahil nga siguro 'yun sa naging ex niya. Tsk.

Tumingin siya sa'kin na parang inaalam ang laman ng utak ko. "Ba't ba gusto mong malaman 'yon?" Biglang naging iretable niyang tanong.

Napairap naman ako. Parang siraulo talaga 'tong lalaking 'to. Minsan di ko talaga maintindihan ang utak niya. Minsan masaya, minsan malungkot, minsan baliw, minsan. . . Ewan!

"Ewan ko sa'yo Rigo Jesus Olante! Masama bang malaman? Ang choosy mo." Inis kong sinabi at tinalikuran siya.

Natigil ako sa paglalakad nang hawakan niya ang kanang braso ko. Napaharap ako sa kanya. Nakangiti na siya ngayon. Tss!

"Sige na nga, ikwekwento ko na." Sabi nito at naglakad kami patungo sa may obench.

Nakatingin lang siya sa malayo habang ako naman ay nakatingin sa mukha niya.

Hindi siya nakakasawang tingnan. Kahit na mayabang siya.

Teka. . . Compliment ba 'yung sinabi ko? Tsk. Pambihira naman, oh! Galit dapat ako sa lalaking 'to eh. Ang dami niya na kayang kasalanan sa'kin.

"Alam mo kasi, may mga bagay na sadyang mahirap iexplain. Gusto ko mang sabihin sa'yo, kaso di ko alam kung paanong magsisimula," Pagsisimula nito at lumingon sa akin.

"Edi, umpisahan mo!"

Natawa naman siya. "Ang gulo mo rin eh, 'no?"

"At ako pa ngayon ang magulo? Kung saksakin kaya kita dyan?" Iritado kong sabi.

Muli na naman itong natawa. Pero this time, halos gumulong na siya sa lupa. Tss! Baliw na talaga.

"Easy ka lang naman. Masyado kang hot eh."

Inirapan ko nga siya. "Tuwang-tuwa ka talaga kapag naiinis mo ko eh? Wala ka talagang kwentang kausap." Sarkastiko kong sabi at tinalikuran na siya.

"Oy, saglit lang!" Pahabol pa nito. Pero di ko na siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

Nakakainis! Matapos kong samahan siyang magpunta rito, tapos iinisin lang pala ako. Tss. Tapos binibitin pa ko sa kwento. Walangya talagang lalaki. Argh.

---------------------

Finally, an update! Hahaha. Nawala phone ko kaya nawala rin ng medyo matagal. Hehe. Naki-log in nalang sa iPhone 5s ni insan. ;)

Enjoy! Medyo sabaw eh. Hihi.

A Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon