Two: That Gangster

133 3 0
                                    

Two: That Gangster

Mabilis na lumipas ang mga buwan sa amin ni Dom. Di ko akalain na naka-five months na pala kami. Ang sarap lang sa feeling n'un.

Hindi naman kami perfect couple. Nag-aaway din kami minsan, pero madali namin iyong inaayos para hindi na humantong sa mas malala pang away.

Natutunan din namin kung paano ang magkaroon ng time sa isa't-isa. Lalo na ako, dahil first relationship ko siya.

Para kasing bawat oras sa amin ay mahalaga. Bawat conversation namin sa isa't-isa ay punong-puno ng sweetness (lalo na siya).

Nakilala ko na rin ang Parents niya, although, kilala ko naman na sila. Syempre, pinakilala niya ako as his Girlfriend. At ganun din naman ako sa kanya. Both our parents are happy for us. Nakikinita na daw kasi nila na magkakatuluyan kaming dalawa.

OA mang sabihin ito, pero parang nakikita ko na ang future ko kay Dom. Ano pa nga bang hahanapin ko sa kanya?

Kasalukuyan kaming bumabaybay sa kung saan ni Dom lulan ng kotse niya. Tinatanong ko nga siya kanina pa kung saan kami pupunta, pero ang tanging sagot niya lang sa akin ay surprise. Tss. Kanina parin ako kinakabahan. Hindi na nga kami nakapasok sa last subject namin eh. Hay.

"We're here!" Sabi niya na nagpagulat sa akin kaya napahawak ako sa dibdib ko. Natawa naman siya.

Pinagmasdan ko sa bintana nang kotse ang hinituan naming building nito.

Nalula ako sa laki at taas nito. Parang in any moment ay malalaglag siya.

"Anong ginagawa natin dito?" Takang tanong ko at tumingin sa kanya.

Ngumiti siya sa akin at kinurot pa ang pisngi ko. "Just wait and you'll be surprised." Pagkatapos ay lumabas na siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto.

Seriously? Surprise na naman ba? Tss.

Excited akong bumaba ng kotse dahil gusto ko nang malaman 'yung surprise na kanina pa niya sinasabi.

Pumasok kami sa loob ng buildingㅡ isa pala iyong condominium ayon sa nakalagay na pangalan sa harap.

Sophisticated, engrande at mabango ang buong lobby ng building na 'to. Halatang mayayaman talaga ang mga nakatira rito.

Bumukas ang elevator at sabay kaming sumakay. Pinindot niya ang 40th floor.

Gosh! Nakapataas naman ng building na 'to. Magkano kaya ang isang condominium dito? Parang ang sarap tumira eh. Hehe.

Nang marating namin ang 40th floor, umakyat naman kami sa hagdan papuntang rooftop. Pero piniringan niya muna ako.

Grabe, kinakabahan na talaga ako! Ano ba kasing meron?

Naramdaman ko nalang na nasa rooftop kami, nang dampian ako ng hangin mula sa labas. Tinanggal niya na rin ang piring sa mata ko. Kinusot ko muna ang mata ko bago tuluyang dumilat.

Natigilan ako sa tumambad sa harap ko. Parang gusto kong magtatalon sa sobrang saya, pero nahihiya ako kay Dom. Hehe.

"Surprised?" Nakangiti niyang tanong sa akin.

Nakangiti rin akong tumango sa kanya.

It was a romantic setting. 'Yun ang team ng date namin ngayon.

Sa gitna ay may naka-set na table at may dalawang upuan. Ang buong paligid naman ay punong-puno ng talulot ng rose. Meron ding dalawang musikero na may hawak na violin.

Perfect para sa gabing ito.

Iniabot sa akin ni Dom 'yung hawak niyang boquet of red roses. Malugod ko itong tinanggap.

A Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon