Nine: Quality Time
Taas ang kilay at nakapameywang akong humarap kay Rigo.
"Oh, anong ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong. Tss. Patawa-tawa pa 'tong kumag na 'to.
"May memory gap lang, 'teh? Diba, sabi mo gumawa ka ng cake para sa'ken? Edi, kukunin ko na siya. Akin na!"
Sarkastiko akong natawa. "Wow! Hashtag medyo makapal din ang mukha mo, 'no? Matapos mo kong sungitan kanina sa telepono, may gana ka pang hingiin sa akin iyon? Aba! Mahiya ka nga." Galit kong sinabi at maglalakad na sana ako, pero nagsalita pa siya.
"Ang daya mo naman, eh. Ikaw na nga 'tong may kasalanan sa'kin, tapos tinatarayan mo pa ko. Okay, sorry na kung nasungitan kita kanina. Seryoso kasi ako sa nilalaro ko eh."
Muli akong tumingin sa kanya na naniningkit ang mga mata.
"Wow ha! Mabuti pa 'yung laro sineseryoso mo. Sana, iapply mo rin 'yan sa buong pagkatao mo!" Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Ngumiti lang ito sa akin na parang nang-aasar pa. Argh! Bumuntong-hininga nalang ako. "Kung gusto mo, kunin mo nalang sa kusina. Tanong mo nalang kay Yaya kung saan niya nilagay. Pagkatapos, lumayas ka na sa pamamahay ko!" Dagdag ko at padabog na umakyat pabalik sa kwarto.
Waaaah! Nakakainis talaga siya. Napaka-kapal ng mukha! Nakakainis. Akala ko pa naman ay magiging okay 'tong ginawa ko, tapos 'yun pala ay lalo akong mababadtrip sa kanya. Tss!
Humiga nalang ako sa kama at pumikit. Baka sakaling mawala ang pagkabadtrip ko sa kanya. Uh! Hindi na pala 'yun mawawala, kung araw-araw kong makakasalamuha ang kayabangan niya. Tsk.
Wala pa atang isang minuto ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Napadilat ako ng mata at napabalikwas ng bangon.
Sino ba 'yan?!
Walang-pasabi ay biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mayabang na si Rigo. Ugh! Ano pang ginagawa nito rito?
Tuloy-tuloy siya sa pagpasok habang dala ang cake na gawa ko para sa kanya at naupo ito sa tabi ko. Isang malapad na ngiti ang ibinigay niya sa akin, habang ako ay inirapan siya mula ulo hanggang paa niya.
"Pinauwi na kita, diba?" Malamig kong sabi sa kanya.
"Gusto lang kitang hatian dito sa ginawa mong cake. Para naman may kasalo ako. Boring kasi kung ako lang ang kakain." Sagot nito.
Sarkastiko akong natawa sa kanya. "Ayos ka rin talaga, 'no? Hiyang-hiya naman ako sa'yo. 'Wag na, boy. Baka kulang pa sa'yo eh."
Tumawa naman ito ng malakas. "Alam mo, nakakatuwa ka talaga kapag naiinis. Namumula kasi 'yang ilong mo eh. Ang cute lang!" Tapos ay pinisil pa nito ang ilong ko.
"Sige na, 'wag ka ng magtampo. Wala na sa'kin 'yung nasabi mo last time. And, sorry rin kung nasungitan kita kanina. Tara, kainin na natin ito." Sabi niya.
Ibinaba nito sa kama ko ang hawak na cake at platito. Ipinaghiwa niya ko ng cake at ibinigay ito sa akin. Tinanggap ko naman iyon.
"Thanks,"
Waaaah! Bakit ba ang bilis ko siyang mapatawad? Di man lang ako nakapagsalita pa sa mga sinabi niya. Hay! Nakakainis talaga siya. Nakakainis 'yung kayabangan niya, pagtawa niya, pagsasalita niya, pati 'yung kagwapuhan niya.
Wait? Sinabi ko ba talagang gwapo siya? Noooooo. Hindi ko 'yun sinabi, diba? Please, sumagot kayo!
"Hoy! Ayos ka lang?" Tanong sa akin ni Rigo. Napanganga ako sa sinabi niya.
"O-oo naman!" Sagot ko.
Umirap naman siya akin. "Sure ka? Eh, bakit parang pawis na pawis ka? Baka naman natatae ka? Yuck, ha!"
BINABASA MO ANG
A Gangster Story
RomanceIsa siyang Gangster na hindi marunong umibig. Pero dahil sa pangako niya sa kaibigan, natutunan niya kung paano ang magmahal.