Four: Thank You

95 3 0
                                    

Four: Thank You

Nakatulala parin ako habang nandito kami ni Rigo sa presinto. Siya ang nakikipag-usap sa mga Pulis na humuli sa amin.

Hanggang ngayon ay kinabahan parin ako. God! Alam kong traffic palagi sa Edsa. Pero, ako at ang makulit kong dila ang may dahilan kung bakit nadoble ang traffic sa Edsa kanina. So, effin' F!

Ang dami ring mga motorista na nagrereklamo sa amin. First time kong masangkot sa ganito at hindi ko talaga alam ang gagawin. Waaaah! Ano ba 'tong napasukan ko?! Tsk.

"Alam niyo bang napakarami niyong naperwisyo dahil sa ginawa niyo?" Sabi n'ung isang motorista.

"Nang dahil sa inyo, nalate ako sa trabaho ko." sabat naman n'ung empleyado.

"You will pay for my car! That's too expensive!" Sigaw pa n'ung isa na halos mangiyak-ngiyak na.

Tinakpan ko ang tenga ko para hindi na marinig ang mga reklamo nila. Naiiyak narin ako dahil sa sobrang kaba at takot ko.

What if malaman 'to nila Dad? Ano nalang ang sasabihin nila? For sure, magagalit rin si Dom. Hindi lang sa akin, pati sa walanghiya niyang bestfriend. Argh!

"Mga bata, anong gagawin natin dito? Nakaperwisyo lang naman kayo ng mga tao dahil sa ginawa niyo." Tanong n'ung pulis na siyang nakikipag-usap sa'min.

Tumingin ako kay Rigo at ni walang man lang bakas ng pangamba o pagkatakot sa mukha nito. Nakatawa pa nga ang loko eh. Tss.

"I will pay for them!" Biglang sabi niya kaya napaawang ang bibig ko.

"What?" I asked in confusion.

Tumingin siya sa'kin at nag-smirk. "Anong what? Sabi ko, babayaran ko sila. That's what I say." Naka-smirk parin nitong sinabi.

"Are you sure? Hello! Napakaraming nagrereklamong tao dito. Kaya mo ba silang bayaran lahat?"

Tumikhim ito. "Of course, I can."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Nawala rin ang kanina pang kabang nararamdaman ko. Grabe, siya na mayaman.

"Ang yabang mo rin, 'no? Bahala ka sa gusto mong mangyari, basta 'wag lang akong makulong!"

Bigla naman itong sumeryoso n'ung sinabi ko iyon. Problema niya?

"Really? Eh, ikaw nga ang may dahilan kung bakit tayo nandito ngayon eh. Dapat ikaw ang magbayad sa kanila."

"Excuse me, sino bang nag-offer na bayaran sila? Tsaka ikaw naman 'yung naghinto ng kotse ah?"

"Hiniling mo na ihinto ko 'yung kotse kaya sinunod lang kita."

"Hindi naman ganon 'yuㅡ"

"Tama na nga!" Pagsasaway sa amin n'ung Pulis. Napatingin ako sa kanya at biglang yumuko ng makita ang galit niyang mukha. Nyay!

"Pag-usapan niyo na lang kung sino ba talaga sa inyo ang magbabayad. Tutal, pareho naman kayong may kasalanan. Ang babata niyo pa kasi, puro harot na mga ginagawa niyo." Sabi pa nito. Iimik pa sana ako, kaso natatakot ako sa kanya.

Grabe, harot agad? Hindi naman kami close ng lalaking 'to eh. Sana pala, di na ako sumama sa kanya. Nakakainis! Sinasabi ko na nga ba't hindi kami magkakasundo ng isang 'to. Tss.

"Bahala ka sa buhay mo kung gusto mo silang bayaran. Basta ako, mananahimik nalang. Total, ikaw naman ang may pakana niyan. Bahala ka na!" Iritado kong sabi sa kanya.

Halo-halo na 'yung nararamdaman ko. Inis, pagkabagot, takot, kaba at ewan! Argh! Nakakainis talaga siya.

"Sige, pero in one condition," Nakangiting sinabi nito.

A Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon