One: Officially Yours
"Jessicaaaaa!" Napalingon ako sa likod ko ng may tumawag sa aking pangalan.
Napairap nalang ako ng makilala kung kaninong boses iyon. "Tss. Kailangan talagang isigaw ang pangalan ko?" Iritado kong sabi kay Lyra nang makalapit siya sa akin.
Ngumiti lang ito at nag-'peace' sign.
"Ano bang meron?" Tanong ko.
Umaangkla sa braso ko si Lyra at sinabayan ako sa paglalakad.
"Yung nanliligaw sa'yo na si Dominic, nasa school garden ngayon. Hinihintay ka niya." Sagot ni Lyra.
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Bakit daw?" Kunot-noo kong tanong.
"Sabi niya kasi, ngayon mo daw siya sasagutin. Ang dami ngang gustong makibalita sa inyong dalawa eh."
Naitampal ko ang palad ko sa noo ko.
Tsk. Kaya naman pala kanina pa maraming tumitingin sa akin eh. Hay!
Kung sabagay, mahigit isang taon narin akong nililigawan ni Dom. At sa buong isang taon na 'yon, naramdaman ko talaga sa kanya ang sensiridad niya sa panliligaw sa akin.
Unlike n'ung ibang mga nanliligaw sa akin, lahat sila ay madaling sumusuko. Hindi kagaya nitong si Dom ay matiyagang naghintay hanggang makatuntong ako ng fourth year.
Sinabi ko kasi sa kanya noon na sasagutin ko siya kapag 16 na ako. Tinaon ko talaga na birthday ko para mas exciting.
"So ano, gogora ka ba dun?" Muling tanong ni Lyra. Tumango naman ako sa kanya at muli kaming naglakad patungo sa school garden.
Pagdating namin sa school garden ay tahimik na nakaupo si Dom sa bench habang nakayuko. 'Yung ibang estudyante ay nandirito nga para makibalita. 'Yung iba naman ay nagsimula nang magpalakpakan at hiyawan n'ung makita ako.
Nag-angat ng ulo si Dom nang maulinigan ang pangalan ko. Malapad itong ngumiti sa akin at lumapit sa kinatatayuan namin ni Lyra. Gumanti ako nang ngiti sa kanya.
"Thank you at dumating ka." Pauna niyang sinabi.
"Pasensya na kung nalate ako, ha."
"Ayos lang." Tipid niyang sagot.
Kanina pa ako kinakalabit nitong si Lyra at binubulungan pa akong sagutin ko na raw si Dom. Tss. Ito na nga eh.
"Jess, handa na ako sa magiging sagot mo," Sabi ni Dom at hinawakan ang dalawang kamay ko. "Okay lang naman sa akin kung hindi ka pa handa eh. Pero sana, 'wag kang magsawang umintindi sa akin kung bakit ko 'to ginagawa. I love you, and I want you to be mine."
Sa huling sinabi ni Dom ay naghiyawan muli ang mga tao. May iba naman na parang kinikilig. Sinasabi pa nila na sagutin ko na raw si Dom.
Sa totoo lang, sikat kasi kaming dalawa dito ni Dom sa Bridgestone High. Isa ang pamilya ko sa merong malaking share dito sa eskwelahan, habang ang pamilya naman nila Dom ang may-ari nito. Bale, family friend namin sina Dom.
Pero hindi kami kagaya ng ibang mayayaman na pinagkakasundo ang mga anak. Hindi kasi naniniwala ang both parents namin sa ganung tradisyon. Hindi naman kasi kailangan ang fix marriage para maging tight ang samahan ng pamilya niyo para lang sa negosyo. Kung talagang matiyaga ka at magaling magpatakbo ng kompanya, hindi mo na kailangang makipagkasundo. Simple as that.
"Jess, sagutin mo na kasiiii." Bulong pa sa akin ni Lyra.
Huminga muna ako ng malalim at taimtim na tumingin sa mga mata ni Dom.
Halata sa kanya na sabik na siya sa oo ko. Well, nakapagdesisyon naman na ako.
Sa loob ng isang taon, nakita ko naman na deserving talaga siyang lalaki. Mahirap makahanap ng kagaya ni Dom. Hindi ko sasayangin lahat ng pinaghirapan niya.
Oo, mahal ko na si Dom.
"Dom, I'm so blessed to have you. Not just a friend, but also a family to me. Alam ko naman na ginawa mo ang lahat to prove yourself to me. Kaya naman you deserve to be happy." Tumigil ako sa pagsasalita at tumingin sa paligid. Lahat sila ay naghihintay narin sa isasagot ko.
Muli akong nagbalik ng tingin kay Dom. "Yes, sinasagot na kita."
Lahat ng tao sa paligid ko ay nagsimula nang maghiyawan at palakpakan. Pero si Dom ay parang gulat parin sa mga nangyayari.
"T-tama ba 'ko ng pagkakarinig?" Nagtataka, pero nakangiting tanong ni Dom.
Ngumiti akong tumango sa kanya.
Sa nakikita kong reaksyon ni Dom ay parang hindi niya alam kung saan ilalagay ang ngiti niya.
Shocks! Ganito pala ang feeling kapag may napapasaya kang tao. Pati puso mo, sumasaya rin.
Noon pa man, mahal ko na si Dom eh. Hindi pa siya nanliligaw, gusto ko na siya. Nahihiya lang akong magsabi sa kanya dahil babae parin naman ako kahit papaano.
Mabuti nalang pala at gusto rin ako ni Dom, kaya hindi nasayang ang paghihintay ko.
"Thank you and I love you!" Sabi niya at mahigpit akong niyakap.
Yumakap din ako sa kanya. "I love you too."
"Now I declare, you're officially mine." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Ramdam ko ang pamumula nang pisngi ko kaya napayuko ako. Shocks! First time ko kayang mahalikan ng lalaki. Eeeeh!
"OMG! DomJes For the win!" Sigaw naman ni Lyra at nakisabay narin ang ibang estudyante sa kanya.
"Ang sarap sa feeling na nasabi ko na sa'yo 'yung gusto kong sabihin noon pa man." Sabi ko. Kumunot naman ang noo ni Dom.
Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko kaya sinabi sa kanya na gusto ko na siya noon pa man. Gusto ko kasing itest na muna siya. Baka kasi kagaya lang siya n'ung ibang lalaki na nanligaw sa akin noon. Mabuti nalang at hindi.
And takenote, first boyfriend ko si Dom. Siya naman kasi talaga ang gusto kong maging boyfriend.
"Matagal na kitang gusto. Una palang kitang makita, alam kong gusto na kita. Kaso, wala akong lakas ng loob na sabihin sa'yo 'yun. Tsaka babae parin ako."
Ngumiti naman ng makahulugan si Dom. "Mabuti nalang pala at niligawan kita," Tumigil siya sa pagsasalita at may kinuha sa bag niya.
Isa iyong maliit na red box. Lumuhod naman si Dom at umaktong magpropropose.
OMG! Hindi pa ako ready na magpakasal.
Napakagat ako sa labi. Shocks! Totoo ba talaga 'to?
Ngumiti sa akin si Dom. "Wag kang mag-alala, hihintayin ko ang tamang panahon para rito. Pero for now, I want you to wear this ring as a sign of my love and devotion for you. Sobrang sinecelebrate ko ang araw na ito, and this is my gift for yout birthday, my love."
Binuksan ni Dom ang maliit na box at nilabas mula rito ang singsing. Kinuha naman niya ang kaliwang kamay ko at isinuot ang singsing.
Maraming kinilig at naghiyawan sa ginawang akto ni Dom. Maski nga ako ay kinilig rin eh.
Heehee!
Tumayo si Dom mula sa pagkakaluhod at muli akong niyakap.
Shocks! Ito talaga ang meaning ng true love. Grabeeeee!
"I love you so much, my love."
--------------------
Nakakakilig ba? Hehe. Mas marami pa niyan sa next chapter, at ikagugulantang niyo rin ang mga susunod pang eksena. Bwahahaha!
Votes and Comments, guys! Alam niyo naman na kailangan iyon eh. Haha. XD
A Gangster Story
Written by: Talklikeaboss
All rights reserved. 2014 ©
BINABASA MO ANG
A Gangster Story
RomanceIsa siyang Gangster na hindi marunong umibig. Pero dahil sa pangako niya sa kaibigan, natutunan niya kung paano ang magmahal.