Seven: He Cares

75 2 0
                                    

Seven: He Cares

Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahong alamin 'yung rason niya. Nabwibwisit lang ako sa lalaking 'yon. Tss.

Maarte raw ako? Eh, samantalang siya naman 'tong kanina pa nag-iinarte. Argh! Maaga akong tatanda sa kanya eh.

Bumalik nalang ako sa kotse niya at doon namalagi. Inis kong kinuha ang phone at earpods sa bag ko at isinalpak ito sa tenga ko. Makikinig nalang ako ng music, kesa makinig sa pang-aasar ng isang iyon.

Habang sumasabay ako sa beat ng The Baddest Female ni CL, bigla namang bumukas ang pinto ng driver seat at sumakay si Rigo.

Humarap ito sa akin na hingal na hingal. Saan galing ang kumag na 'to at daig niya pa ang nag-basketball?

"Anyare?" Tanong ko.

"B-biglang may nag-away n'ung pag-alis mo. Nadamay pa nga ako eh. Mabuti at nakaalis ka na kaagad." Sagot niya, at doon ko lang napansin na may bruise siya sa kanang pisngi niya.

Pero wait. . . concern ba siya sa huli niyang sinabi? Pangalawa na 'to kung oo.

"May bruise sa pisngi mo," sabi ko at tinuro ito. Agad niya iyong hinanap.

"Tsk tsk. Nadale ako do'n ha!" Sabi niya habang hinihimas ang pasa sa mukha niya.

"Wait lang," sabi ko at inilabas ang medicine kit sa bag ko. Mabuti nalang at nag-girls scout ako noong elementary. Hehe.

Nilagyan ko ng alcohol 'yung cotton balls at bahagyang lumapit sa kanya. Akmang papahiran ko 'yung pasa niya, pero inilag nito ang kamay ko.

"Oh, anong gagawin mo?" Kunot-noong tanong niya.

Inirapan ko siya. "Obvious ba? Edi, gagamutin ko." Sabi ko at akmang ilalapit ang bulak sa kanya. Pero muli na naman niya itong inilayo.

Ano bang problema nito?!

"H-huwag mo nang gamutin. O-okay na!" Sabi nito na hindi lumilingon sa akin.

Napakunot tuloy ang noo ko sa sinabi niya.

Ano bang problema ng lalaking 'to? Parang alcohol lang, natatako- OMG! 'Wag niyang sabihing takot siya sa alcohol? Shocks! That's so tweetable. Hahaha.

"Bakit ba ayaw mong lagyan ko ng alcohol 'yang sugat mo?" Pabiro kong tanong at napapangiti nalang ako sa reaksyon ng mukha niya.

"Basta! Ayoko lang! Okay lang ako."

"Baka naman kasi takot ka lang?"

Sa sinabi kong iyon ay agad siyang napatingin sa akin na nanlalaki ang mga mata.

"Hindi ako takot, 'no!" Sigaw niya kaya natawa ako. Bigla naman siyang nag-pout.

"Easy ka lang naman, friend. Well, kung hindi ka takot, bakit ayaw mong magpalagay ng alcohol?"

"Kasi nga, okay lang ako!"

"Ano ka ba! Kailangan 'yang lagyan nito para di mainffect 'yang sugat mo." Kaya kahit ayaw niyang palagyan ay pinilit ko paring idampi sa kanya 'yung cotton ball na may alcohol.

Panay naman ang araw at ilag nito sa kamay ko habang ginagamot ko ang sugat niya.

"Ha-ha! Hindi pala takot, ha?" Asar ko sa kanya. Nakayuko lang siya habang naka-pout.

Parang bata lang eh. Pero ang cute niya kapag nagtatampo siya.

OMG! Did I say na cute siya?! Shocks! Erase natin 'yan sa mind ko. That's so bawal.

"Oh, baka mainlove ka na sa'kin niyan?" Sabi niya at di ko namalayang nakatingin na pala siya sa'kin habang nangingiti.

Inirapan ko lang siya bago kinuha 'yung band-aid at itinapal sa sugat niya.

A Gangster StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon