Suka #108

163 7 1
                                    

Unang araw ng klase at ang unang tanong ni prof: What are your dreams?

Ewan, nalungkot ako sa mga sagot ng mga kaklase ko. Masyadong vague.

"I want to graduate and land a decent job."

"I want to survive college and be ready for the real world."

"I want to help my family in the future."

"I want to be successful in life."

"I want to have good grades and graduate with flying colors." (Gahd, this one. No offense sa mga running summa dyan.)

Nung ako na ang sasagot, sinabi ko sa Bisaya (pero Tatagalugin ko rito):

"Gusto kong gumawa ng mga pelikula, isangdaan, isanglibo, hanggang kaya at hanggang may mga kwentong nagpapasaya, nagpapalungkot, nagpapaiyak, nagpapainis, nagpapatanong, nagpapahorny, nagpapa-inlove, nagpapaalala sa mga panahong masaya ka, malungkot, sa mga panahong umiyak ka, nainis, napatanong, nahorny, at na-inlove. Tangina, ilang taon na kayo rito sa college tapos ang pinakamalaki niyong pangarap ay ang makalabas dito nang buhay?"

Oo, nagmura ako sa klase. In Bisaya.

Ang point ko: Who the hell said you need to survive college? Who the fuck said that 'outside' is the real world?

I don't have to survive college. I have to live it, be inside it, devour everything it has to offer. Hindi ko nakikita ang college na isang halimaw na dapat susuungin mo for four to five years, bilisan kung nararapat, upang makalabas sa kabilang dako nang buhay. Tangina, amuhin mo ang halimaw. Kaibiganin mo. Mahalin mo. Hindi ka dapat sumuong. Sakyan mo ang halimaw and fly like a motherfucker. What, you will spend your four years thinking how to get out alive? Sa kakaisip mo nyan, mawawalan ka ng chance na matuto (na in the first place ang rason kung bakit ka andyan) at mawawalan ka ng chance na lumikha ng mga memories, moments, footprints, DNA, speck ng existence mo na nagsasabing "Minsan, may isang gagong nakatapak dito at naging masaya siya."

And whoever said na ang labas ang 'real world'? Dahil ba naroon ang mga totoong problema at challenges? Dahil sa trabaho mo unang maririnig sa boss mo na "Wala kang silbi! You're fired!" "You are a piece of shit!" "Nag-college ka ba talaga?"

Tangina nga naman talaga. Totoo ang mundo kung nasaan ka man ngayon. Magkapareha ng tagos ang mga problema mo ngayon sa mga problema mo sa opisina sa hinaharap sa 'real world'. Ito ang mundo mo. Dito. Ngayon. Feel it. Smell it. This is the real shit. Sa kakaisip mo na maghanda para sa 'real world', tatanda kang dala-dala ang mga alaala ng mga mura ng boss mo, o ng kakarampot mong sweldo, o ng mga utang mo, o ng mga nabigo mong pangarap.

Ito ang totoong mundo. Dito. Ngayon. Dito ka maging totoo. Ngayon ka maging totoo. Ngayon ka maging handa.

And get rid of the generality. Ano, gusto mo lang maging "successful"? As in, 'yan lang? Wala kang naiisip na mas specific pa d'yan? Like:

"Gusto kong maging isang pornstar sa mga pelikula ni Dennis at maging successful sa career in a decade or so, tapos settle down, maging isang potmaker sa Benguet, get married and have three children, isang lalaki, isang bakla, isang babae, na okay na rin kung magiging tomboy basta ba masaya siya sa choice niya, tapos tatandang masaya, makitang lumaki ang mga anak nang masaya, ang mga apo nang masaya, ang asawa, ang mga kaibigan, ang sarili, ang sarili, ang sarili, at pipikit nang masaya, at lalanghapin ang pinakahuling ihip ng hangin nang masaya, at mamamatay nang masaya."

Imagine all of what you've read. Napangiti ka? Then make up your mind. What are your dreams? Make them happen. Now.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon