Suka #3

800 32 5
                                    

TAGALOG SCRIBBLES | Tips para maging successful sa Wattpad

Nakaka-frustrate at nakakadagdag ng tigyawat sa mukha ang sitwasyon kung saan lumipas na ang isang milenyo at hindi pa rin umaangat ang reads ng kwento mo sa Wattpad. Darating ka sa puntong sisisihin mo ang mismong site sa kapalpakan ng kanilang sistema. Desperado ka na, pinili mo pa ang maling kalaban.  

Kalaban mo dito ang sarili mo. Bakit gusto mong dumami ang reads ng kwento mo? Bakit gusto mo ng maraming votes? Gusto mo bang sumikat? Kung sikat ka na, ano na’ng kasunod?

Ang katotohanan, kaibigan, ay kahit na anong pamumursige mo, pagpo-promote, pang-i-invite ng mga readers, pag-a-update, pagbibigay ng link, kung hindi HAVEY ang kwento mo, inutil ang mga pinaggagawa mo.  

Bakit nga ba gusto mo maging successful sa Wattpad? Gusto mong mapansin? O aminin na nating famewhore ka? O hindi mo alam ang salitang “famewhore” ngunit ito na pala ang kalagayan mo ngayon? 

Ang susunod na mga tips na mababasa mo ay para sa mga taong nangangarap makilala ng karamihan, naghahangad na sumikat, mga famewhore, mga depressed sa status ng stories nila, mga simpleng taong hindi man gustong sumikat ay nangangarap pa ring makilala at mabasa ng mga tao ang kanilang mga kwentong bahagi na ng kanilang sarili.  

1. It’s a Diary, Baby. Tratuhin mong diary ang Wattpad, kung saan ang mga kwentong isusulat mo ay bahagi ng iyong pang-araw-araw na pamumuhay, bahagi ng mga karanasan mo, bahagi ng sarili mo. Walang mas hihigit pa sa kwentong may puso.  

2. Mag-ingay Ka. Sabihin na nating nasa krisis ang talento mo sa pagsusulat. Maaagapan mo ‘yan sa pamamagitan ng pakikipag-halubilo sa iba pang mga tao sa Wattpad. Magtanong ka. Humingi ka ng mga payo. Higit sa lahat, make good acquaintances.  

3. Mga Numero Lang ‘Yan. Isa sa mga nakakalason sa daan ng kasikatan ay ang numero. Wow, isang bilyong reads! Hanep, isang bilyong followers! OMG, isang bilyong votes! Laging pakakatandaan na mga numero lang ‘yan. Wag kang masilaw, at wag mong tignan. Mas matamis ang hanep na kalidad ng kwento kesa sa nakakalulang dami ng reads at votes. Quality over quantity, ayon pa sa isang random na tao. At kung hanep ang kalidad ng kwento mo, dadami rin ‘yan. So, more or less, it’s mutual.  

4. Friends, Not Followers. Kung tinuturing mong mga numero ang followers mo, nasa maling daan ka. Tratuhin mong kaibigan ang bawat isa sa mga followers mo, kung saan nakikipagkwentuhan ka sa kanila sa pamamagitan ng iyong mga kwento. Mga kaibigan silang masayang makikinig, magbabasa at laging nandyan kung may bago kang kwentong ibabahagi sa kanila.  

5. Buksan ang Kokote. “Marami pong grammatical errors”. Eh di, mag-review ka ng English lessons mo. “Masyado pong wordy”. Eh di, katayin ang mga salitang nakakabanas. “Parang di ko gets ang sentence na ‘to”. Eh di, mag-aral ka ulit ng subject-verb agreement. “You’re po, hindi Your”. Huminga ka nang malalim at isiping ang “You’re” ay “You are” at ang “Your” ay possessive. “Flat po ang story”. Try mong magbasa ng mga libro. “Cliché po”. Di mo gets, no? Ibig sabihin nito, ay masyadong common ang kwento mo. “Parang nakabasa na ako ng ganito”. Pirated DVDs are cheap. ‘Yun ang punto, cheap. “Parang…” Oh, ano pa? “Parang…” Eh di, ikaw na maraming alam.  

6. Infinite Mode. Magsulat ka nang magsulat. Malay mo, sa isandaang kwento na ma-publish mo sa Wattpad, may isang havey. No offense.  

7. Wag Maging Feeler. Kahit na anong tingala ang gawin mo sa sarili mo, nakatapak ka pa rin sa lupa. LUPA. LUPA. LUPA. Keep that in mind.  

8. Patalsik ng Inspirasyon. Hindi naman sa lahat ng oras ay inspirasyon mo si Daniel Padilla. Try mong ma-inspired sa malamig na simoy ng hangin, sa kagandahan ng langit, sa mga bulaklak, sa mga bato, sa mga isda, sa mga puno, sa mga bulate, sa mga ipis, sa sarili mo, sa EXO, o kay Justin Bieber.  

9. Pa-impress Ka Naman Masyado. Protocol ng pagsusulat: Write to express, not to impress. Kung gusto mo ng maraming papuri, tumakbo kang nakahubad sa EDSA at isabit sa likod ang cardboard na may nakasulat na “I Support World Peace”.  

10. Magpakatotoo. Wag gaguhin ang sarili. Kung ang ugali mo’y di gusto ng karamihan, hindi mo problema iyon, unless, nakaka-highblood ka na talaga. Maging totoo sa iyong sariling mga kwento.  

11. Get The Hell Outside of the Box. Alam mong creative ka. Alam mong malawak ang imahinasyon mo. Alam mong marami kang ideya. Alam mong marami kang alam. Eh di, isulat mo na ‘yan. Bumuo ka ng kwentong wala sa iba. ‘Yung tipong “Wow, bago ‘to ah”. Wag mong ilimit ang sarili sa apat na kahon ng mga batas ng pagsusulat. Maging malaya ka. Gawin mong makulay. Haluan mo ng emosyon.  

12. Multiple Choice Ito, Pre. Kung feel mo ng maharot na kwento, eh di gawin mong maharot. Kung romance, eh di romance, Kung humor, eh di gawin mong nakakabaliw sa tuwa. Kung horror, eh di gawin mong horror. Ang ibang choices ay makikita mo sa Wattpad. Maraming salamat.  

13. Sundin mo ang nakasulat sa itaas, in any order.  

14. Actually, wag kang maniwala sa gagong ‘to. Tanungin mo ang sariling “Bakit ba gusto kong maging successful?”. Kung gusto mo lang ihagis lahat ng kaligayahan, kilig, sama ng loob sa Wattpad, gawin mo. Dedmahin mo na ang kasikatan, may mas importante pa dyan, katulad ng… pagkain. Ngunit kung feel mo talagang gusto mong sumikat, SAMBAHIN MO ITO. I-PRINT MO, LAGYAN MO NG ALTAR, SINDIHAN MO NG KANDILA, I-MEMORIZE MO, HANDUGAN MO NG MGA SAKRIPISYO. KERI NA ANG DUGO NG HILAW NA HIPON. MARAMING SALAMAT.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon