Suka #117

86 4 2
                                    

There is a hip kind of void and it is called post-graduation.

Nasa highest level na yata ang existential crisis ko. This shit can't get any higher. Ayoko nang bumangon at lumabas ng bahay at maghanap ng trabaho. Tangina, alam kong napakagago ng ginagawa ko ngayon pero di ko talaga kaya. Yung mga classmates ko sa college, tangina nagwawaldas na ng pera kasi may work na ang mga hampaslupa. Di naman ako insecure kasi I'm genuinely happy to see those mafacas happy. We shed blood in college. They earned it.

Ako, parang I'm biding my time. Laid out na plans ko kaso di pa talaga ako makakilos. Gravity is heavier below my feet than the rest of you. Di ko alam if I need some push or I need somebody to beat the hell out of me para masimulan ko na ang buhay ko. Wala pa talaga akong gana na simulan ang buhay ko. Ayoko pang lumabas ng bahay at makipag-usap sa mga tao at sumagot ng mga tanong sa job interviews that are somehow representative of what you can really do based on how you answer them. Tell me something about yourself. Kapag nagkamali ka, you're done. What can you contribute to the company? If you say it wrong, you're done. Why should we hire you? Tangina, lumuhod ka nalang sa harap ng HR na nag-i-interview sa 'yo.

Ayoko rin talagang maging bum. The problem is not what I should do. I know what I will do. Everything is laid out. Natatakot lang talaga ako. Di ako natatakot sa mga demonyong binibigkas ang Our Father nang baligtad. Mas takot ako sa mga pangarap ko. Napakalaki ng pangarap ko. Napakabigat. Maybe this is the reason I can't get off my bed. My dreams are too heavy.

Yung inspiration ko lang talaga ay si Xavier Dolan. This man won in Cannes International Film Festival when he was just 22 years old. I am fucking 22 years old. And I am still in my bed rambling about a lot of shit. Kapag tinatanong mo itong mga filmmaker about any advice, sasabihin nila: Just do it. Gumawa ka lang nang gumawa. Simulan mo na.

Tangina, masimulan na nga.

ISKRIBOL (Mga Suka ng Isang Bored na Otistik)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon