Segundo. Ilang segundo.
Isa...
Dalawa...
Tatlo...
Apat...
Lima...
Limang segundo ng paglakad. Limang huling segundo ng buhay ko.
Lagpas.
Ang sakit. Ang sakit sakit.
Umiiyak ako habang unti-unti ko siyang nilalagpasan.
Umaasa ako.
Umaasa akong hihinto ka rin at lilingon, tapos tatakbo ka...para pigilan ako sa paglalakad.
Pero hindi eh.
Hindi ganun yung nangyari.
Dahil kasabay ng paglagpas natin sa isa't isa ay ang pagbitaw mo na rin.
Akala ko kasi...umasa ako...
Akala ko hanggang sa dulo mo akong ipaglalaban.
Oo, ako ang unang sumuko. Pero umasa akong tatakbo ka pa rin patungo sa kung saan ako para ako'y pigilan.
Ang sakit. Ang sakit sakit lang na pati ikaw ay naisipan na rin ang bumitaw.
Wala na ba talaga?
Kahit ilang segundo lang ulit kuya.
Kahit ilang segundo lang ulit...
bago magtapos.