IV

14 0 0
                                    

Ikaapat na minuto...

"Aaahh!"

Napatakip ako bigla sa lakas ng kulob. Uulan na naman yata.

Palagi na lang.

"Jusko naman ineng!"

"Naku sorry po! Sorry po talaga manang!"

"Napakamagulatin mo namang bata ka! Kulob lang iyan iha."

"Sorry po talaga. Babayaran ko nalang po yung kanin niyo na natapon," pagkukumbinsi ko habang naghahanap ng bimpo sa net bag ko para pampunas kay manang.

"Hay naku huwag na iha. Nagtitiis ka na nga lang sa limang pisong pansit tapos ikaw pa ang magbabayad nitong ulam ko. Saka ba't ba ang dami mong bag ha? Ikaw ba ay naglayas ineng ha?"

"P-po?"

Napayuko na lang ako habang tinitingnan yung kakaunti kong kanin na hinaluan ng pansit dito sa pinakamalapit na karinderya na nakita ko sa bayan.

Ayoko siyang sagutin. Ayokong kaawaan ako, dahil hindi ako sanay.

Hindi ako sanay sa awa na binibigay ng tao. Madalas kasi wala naman silang pakealam, kaya ayoko. Hindi ako sanay.

"Ineng? Ba't ayaw mong sumagot ha? Naglayas ka nga ba?"

"Naku hindi po ako naglayas."

Okay lang. Sanay na rin naman akong magsinungaling. Saka kung wala akong matutuluyan ngayon, sa simbahan na lang siguro ako matutulog.

"Aba'y kung ganoon saan ka nakatira ha? At bakit sa karinderya ka kumakain? Ikaw ba ay dayo dito ha?"

Dayo. Oo tama. Dumayo lang ako sa bayan. Para maghanap, para makatakas.

"A-ah opo! Dayo lang po ako."

"Oh eh saan ka papunta ha?"

Di ko alam kung bakit ang daming tanong nitong ale. Kakaunti na rin naman tong kakanin ko, pwede na siguro akong umalis.

"Ah diyan lang po. Sige po manang, mauna na po ako. Pasensya na po ulit."

At saka ko kinuha ang mga bagahe ko. Maglalakad-lakad na lang siguro ako sa bayan. Saka ako magtatanong sa mga tao tungkol kay Kuya.

Papaalis na sana ako kaso may binatang biglang humarap kay ale.

Isang pamilyar na likod, pamilyar ang buhok, pamilyar ang tayo, at pamilyar ang anyo.

"Ma!"

Kuya...

Kuya ikaw ba yan?

"Halika na ma. Uulan na yata."

"Aray!"

Ang tanga ko talaga kuya.

Sa pagmamadali kong bumalik sa karinderya para habulin ka nadapa tuloy ako.

Boses mo yun diba?

Ikaw yun diba?

Kuya?

"Naku iha!"

"Miss!"

Tiningnan ko ang malalaking palad na nasa harapan ko ngayon.

Kuya?

"Miss?"

Hindi kuya.

"Kuya"

Ikaw yun eh. Sigurado ako. Ikaw yun.

"Miss?"

Napahagulhol ako. Napayuko. Napayakap sa sarili.

"Miss umuulan na!"

sapagkat hindi siya ikaw.

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon