VI

11 0 0
                                    

Ikalimang minuto at ilang segundo...

"Kuya...

tulungan mo ako"

Lumuhod ako. Umiiyak. Humahagulhol.

Ilang minuto lang din ay humupa na ang ulan at tanging mga hikbi ko lang ang pumupuno sa ingay na dulot ng katahimikan sa silid na ito.

Nasa harap pa rin kita kuya, nakatayo, na tila ba ay hinihintay mo na lang na matapos ako sa pag-iyak.

Asan na yung yakap mo kuya?

Asan na ang mga kamay mo na humahaplos sa buhok ko habang ako ay umiiyak?

Asan na kuya?

Asan na?

Hindi ka pa rin nagsasalita kaya unti-unti ay nakakaramdam na ako ng paglamig sa silid, kasabay ng paglamig mo. Kasabay ng mga mata mong sa tingin ko ay tinitingnan lang akong nakaluhod, kinakaawaan.

Awa. Nakakatawa. Kasi diba dapat sanay na ako diyan kuya?

Awa. Ganyan kayo. Naawa pero walang ginagawa. Naawa pero ni hindi niyo man lang magawa ang tumulong. Awa. Hanggang dun lang. Awa.

Namimiss kita, oo. Pero masakit kuya. Masakit na wala kang ginagawa habang umiiyak ako, masakit na hanggang titig ka na lamang habang heto ako at humagulhol. Masakit na wala kang ginagawa, masakit lahat kuya.

Sapagkat hindi ito ang inaasahan ko.

Inaasahan ko ang yakap mo.

Inaasahan ko ang haplos mo.

Inaasahan ko ang pagmamahal mo.

Pero oo nga naman. Sa ilang taon na nagdaan, nakalimutan kong madami nga pala ang puwedeng magbago.

Nakalimot ka na siguro.

Dahan-dahan akong tumayo na nakayuko. Ayokong makita mo na naluluha pa rin ako. Ayokong makita mong nanghihina ako.

Ayokong tingnan mo ako ulit, habang heto ako at kaawa-awa ang lagay. Ayoko kuya. Nasasaktan ako sa mga titig mo.

Unti-unti akong humakbang palabas.

Pero nagulat ako. Nagulat ako sa kamay mong nakahawak ngayon sa pulso ko.

Yun lang. Yun lang ang ginawa mo kuya pero lumambot ulit yung puso ko. Yun lang! Pero para na akong unti-unting nadudurog, ulit.

"Te-teka Clara. Huwag ka munang umalis."

Hindi ako umimik. Hinihintay pa rin ang sagot mo sa saklolo ko.

Ilang minuto ka pang ulit na natahimik, nakahawak pa rin sa pulso ko. Ilang minuto... wala pa rin.

Isang minuto...

Dalawa...

Wala pa rin.

Unti-unti na sana akong kumakalas sa pagkakahawak mo, pero nabigla ako, sa paghigit mo.

Mabilis mo akong hinila, at saka niyakap nang mahigpit.

Nakahawak ang isa mong kamay sa ulo ko at ang isa naman sa likod ko.

Naiiyak ako kuya.

Ba't ka ganyan? Ang gulo mo kuya. Ang gulo mo.

Unti-unti ay naramdaman ko ang mga haplos mo sa buhok ko kasabay ng maliit mong mga hikbi.

Bumuhos ulit yung ulan. Unti-unti ko nang nakikita ang mga maliliit na patak na gumuguhit sa bintana niyo.

At kasabay nanaman ulit nito ang unti-unti kong pagkaramdam sa mga maliliit na patak na ngayon ay binabasa na ang balikat ko.

Saka ako nagtanong.

"Ba't ka umiiyak kuya?"

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon