III

17 0 0
                                    

Ikatlong minuto...

Nakasakay ako ngayon sa bus kuya.
Nakaupo ako sa pinakagilid habang unti-unting minamasdan ang pagdilim ng kalangitan.

Uulan na nanaman.

Hindi ako makatulog dahil sa iba't ibang galaw ng mga taong nakaupo sa harap ko, sa bus.

Gusto kong tumawa kuya.

Gusto kong tumawa...

Kay kuya na kulang na lang ay mabagok yung ulo sa kabilang upuan nang dahil sa antok.

Gusto kong tumawa...

Kay ale na panay ang selfie sa harap kahit ba na ay pinagtitinginan na siya ng mga tao sa likod.

Gusto kong tumawa...

Kay lolo na pinipilit ngumuya ng sandwich ngunit di niya magawa. Marahil ay sa naluwag na guro ang postiso.

Gusto kong tumawa...

Kay ate sa labas na paurong-sulong sa pagtawid sa kalsada.

Gusto kong tumawa kuya...

ngunit di ko magawa.

Gusto kong tumawa...

pero naiiyak ako.

Nang dahil sa'yo...

sa kanya...

sa kanila...

sa inyong lahat...

sa sarili ko...

Gusto kong maiyak pero ayaw pumatak ng mga luha ko.

Ang bigat kuya. Ang bigat sa damdamin na lumisan sa isang lugar na alam mong napagtayuan mo minsan ng mga alaala, masasayang alaala.

masasayang alaala?

Oo, masaya.

sapagkat nandun ka minsan.

sapagkat nakasama kita sa mga haligi ng binubuo na lamang ng mga pinagtatagpi-tagping yero.

sapagkat minsan sa mapang-abuso kong buhay sa bahay na iyan

ay nakasama kita, kuya.

sapagkat naranasan ko ang maipagtanggol, at mahalin sa bahay na iyan.

Kaya ako na ang hahanap sa'yo.

Hahanapin kita kuya...

hanggang sa maubos ako...

hanggang sa magkapira-piraso na yung damit ko...

hanggang sa mauhaw ako...

hanggang sa maubos ko ang lahat ng kabahayan sa bayan...

Hahanapin kita kuya.

Hahanapin kita.

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon