Ikalawang minuto...
Ramdam ko...
ang yakap ng dilim habang unti-unti akong hinuhubaran ni Mang Kanor.Naalala mo siya kuya?
Yung matalik na kaibigan ni itay sa paglalasing?
Wala na ata akong maiiyak. Nasanay na rin siguro yung sistema ko, mula sa katawan ko, patungo sa kaluluwa ko.
At saka oo kuya. Naging isang materyal na bagay na ako ngayon. Isang bagay na pinagpapasa-pasahan para makamit ng mga lalake ang inaasam-asam nilang langit. Isang bagay na ipinapabukaka ang magkabilang binti para may pangsugal si inay at may pang-inom si itay.
Naging isang bagay ako na ginawa nilang pipi para hindi makahingi ng tulong kahit sinuman. Naging isang bagay ako na ikinulong sa mga pader ng bahay na to para gawing pera.
At habang nasasarapan si Mang Kanor sa ginagawa niya, heto ako. Tumutulo na naman yung luha pero hindi humihikbi.
Sapagkat alam kong makakatulong ako kay itay, kay inay.
Mabuti na rin yung iisipin ko na kahit bago man lang akong mamatay ay may nagawa pa rin akong magpapaligaya kay inay at itay.
Bilang pasasalamat ko na rin na hindi nila ako ipinalaglag, at nang dahil nga sa rasong iyon kaya kita nakilala.
Kuya kailan ka kaya babalik no? Kailan mo kaya maririnig ulit yung boses ko?
"Heto pare. Salamat sa pagpapahiram sa anak mo. May advance pa yan para sa susunod na gabi."
"Oo ba! Walang anuman pare! Kung gusto mo pa nga ibahay mo na rin yang batang yan, basta ba ay sakto ka lang kung magbayad."
Tinakpan ko na lang yung tenga ko. Sabay kuha ng kumot at tago sa loob ng aparador.
Nakakabingi. Nakakabingi yung katahimikan. Maingay naman yung mga nagsusugal sa ibaba, pero ba't ganun kuya? Ba't walang isa sa kanila ang nakakarinig nitong katahimikan na ginagawa ng aparador? Bakit wala ang sinuman sa kanila ang nakikinig? Ba't ganun kuya? Ba't ako lang? Ba't nga ba ako lang?
Unang patak...
Ikalawang patak...
Pangatlong patak...
Marunong na rin pala akong magbilang kuya. Hindi kagaya noon na ikaw pa yung nagbibilang para sa ating dalawa.
Kuya namimiss kita.
Namimiss ko ang pagtawa mo.
Namimiss ko ang bawat hagod mo sa likod ko sa tuwing umiiyak ako.
Namimiss ko ang bawat pagharang mo sa tuwing papaluin ako ni itay.
Namimiss ko ang bawat paghablot mo sa aking kamay sabay takbo para tumakas sa pang-aabuso ni Itay.
Pero kuya...
Ba't ka ganoon?
Nakahawak ka lang naman sa akin ah. Pero bakit ka bumitaw? Bakit mo ako iniwan ng walang pasabi? Ba't ka sumama sa kanila? Bakit kuya? Bakit?
Kuya naguguluhan ako.
Mahal kita kuya pero ba't mo ako iniwan?
Dahil ba sa kasalanan itong nararamdaman ko ha?
Pasensya ka na kuya.
Kasi kahit alam kong isa itong pagkakasala.
Kahit alam kong mali.
Kahit alam kong labag ito sa batas ng Diyos, at sa mata ng kapwa.
Kahit alam kong kahit kailan ay hindi magiging pwede.
Pero kuya pasensya,
Kasi mahal kita.