VIII

10 0 0
                                    

Pagtigil ng segundo...

Ikaw lang.

Ikaw lang ang mahalaga.

Nababaliw na siguro ako.

Nung huminahon ka na at unti-unti mo nang inihiwalay yung noo mo sa noo ko, ay doon na ako nagsalita.

"Kuya," tawag ko habang pinipigilan ang impit kong hikbi.

"Nakakainis ka kuya," sumbat ko habang sinusuntok ang dibdib mo.

"Dapat ay galit ako. Dapat galit ako kasi wala kang ginawa. Dapat galit ako kasi alam mo naman pala pero bakit di mo ako nagawang iligtas. Dapat galit ako sa'yo kasi kuya kita pero nasaan ka para ipagtanggol ako? Nasaan ka para pigilan silang kunin ang pagkamusmos ko? Nasaan ka kuya? Wala. Nandito ka sa maginhawang buhay mo, habang nandun ako, gabi-gabing umiiyak kasi walang tumutulong, walang sumasagip. Iniwan mo ako kuya. Iniwan mo ako. Nakakainis ka."

Umiyak ulit ako kaya hinila mo nanaman ako para yakapin at haplusin yung buhok ko. Paulit-ulit ka pa sa mga kataga mong 'im sorry'

"Pero hindi ko magawa kuya," saka ako tumingala para makita kang nagtataka sa bigla kong paghinto.

"Hindi ko magawa kasi..."

At bumuhos ulit yung mga luha ko.

Paano ko ba sasabihin ha?

Paano ko ba sasabihin sa'yo kuya na mahal kita?

Paano ko ba sasabihin sa'yo gayong isang malaking kasalanan itong nararamdaman ko?

Paano ko ba sasabihin sa'yo nang hindi ako lumalabag sa mata ng Diyos, sa mata ng tao?

Paano ba kuya?

Kung minsan ay naiisipan ko na ang magbigti. Kasi sa lahat ba naman ng pwede kong mahalin, ba't sayo pa kuya? Bakit sa kapatid ko pa? Anong sumpa ba ang nalunok ko para makaranas ng ganitong kaparusahan?

Bakit ganito kuya?

Kasi nalilito ako. Alam kong mali, pero mahal kasi kita.

Mahal na mahal kita kuya.

"Clarita. Tumingin ka sa mga mata ko." Mas lalo kong iniwas yung mukha ko.

Takot na takot na baka malaman mo ang pagkakasala ko.

Pero masyadong kang mapagpilit kuya, masyado kang mapilit na pagmukhain akong tanga, at makasalanan sa mga mata mo.

Unti-unti mong itinuon ang mga mata ko sa mga mata mo.

"Sabihin mo Clara. Sabihin mo kung bakit. Sabihin mo ang ano. Sabihin mo kay kuya."

Malungkot mo akong tiningnan, na para bang pinipilit mo na talaga akong umamin sa kasalanang to.

Pero kuya, mali kasi talaga.

"Kuya, mahal kita," at saka ako lumuha nang lumuha nang nakapikit at pilit na humihiling na sana ay malagutan ako ng hininga matapos kong sabihin ang lahat ng ito.

Alam kong mali ang ginagawa ko, pero mahal kasi kita. Ilang taon kong pilit na kinimkim ang lahat ng ito ng may bahid ng kahihiyan, pagsisisi, at kalungkutan; kaya sa pagkakataong ito ay pipiliin ko ang magpakatotoo alang-alang sa ikaliligtas nitong puso ko.

Pumikit pa ako lalo saka bumuntong hininga at nagsimula,

"Kuya, mahal kita. Pero ang pagmamahal ko sa'yo ay lalabag sa lahat ng bagay. Ang pagmamahal ko sa'yo ay isang kinamumuhian na pakiramdam, isang pagkakakasala sa mata ng lahat. Naiintindihan mo ba ako kuya? Isa akong demonyo! Demonyong umiibig sa sarili niyang kapatid!" at saka ako humagulhol ng napakapait.

"Demonyo ako kuya...demonyo..."

Lumakas ang buhos ng ulan. Lumalayag nang hindi nagpapapigil ang mga kurtina. Galit na humahampas ang bintana habang pabukas sarado ito. At ako?

Umiiyak na sumisigaw. Umiiyak nang napakapait.

Natutong magmahal nang mali.

SegundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon