Daniella's Pov
"Riyah ! " tawag ko sa katulong
Habang pababa ng hagdanan.Im still sleepy . Hindi rin ako
masyadong nakatulog dahil
sa mga regalong binalot ko.
Feeling ko tuloy pasko na sa sobrang daming regalong pinagbabalot ko."Magandang umaga po Ms, daniella " bati nito.
"Mas maganda ko sa umaga"
Plain kong sabi ."Sabi nyo nga po." Ani nito
"Where's Mom? " tanong ko dito habang naglalakad.
"Nasa kusina napo sila, nagbe-breakfast napo. " sagot nito
"Hindi ako hinintay? Ganon naba sila kagutom at hindi na nila ko nagawang hintayin? " inis kong sabi.
Narinig ko namang tumawa si riyah na agad ding tumigil nang lingunin ko to.
"Eh ma'am kanina pa po akyat baba si sir jiroh para gisingin kayo kaso po eh parang wala kayong balak gumising kaya hindi na nag abala pang gisingin kayo ulit."
Tuloy tuloy na sabi nito.
"K" ang tanging nasabi ko tsaka nagdiretso papuntang kusina.
Naabutan ko silang nagtatawan pagdating ko dun.
"Wow ang saya saya nyo naman,
Anong meron ? " sabi ko habang papalapit sa mga ito ."Good morning hija, happy birthday" bati ni mom sakin .
"Thanks mom, morning din po" Sabi ko tsaka humalik sa pisngi nito .
"So anong meron ? " tanong ko ng makaupo sa upuan syempre.
"Nothing , why so nosy? Kelan kpa naging chismosa? " sagot ni jiroh.
"Abat, kelan kapa natutong sagutin ako ha? " baling ko dito tsaka dinuro sa kanya yung tinidor na hawak ko.
Agad naman itong yumuko
tsk, surrender agad ."Hija anong balak mo ngayon? "
Tanong sakin ni mom."Balak po saan? Balak bugbugin at paslangin si jiroh? " takang tanong ko.
Natawa nmn si mom sa sinabi ko habang si jiroh ay tinapunan lang ako tingin.
"No Hija, what I mean is balak mo, nyo. Para sa birthday nyo."
Bigla naman akong napaisip,
Ano nga bang balak ko?
Wala. Agad na response ng utak ko .Umiling nalang ako bilang sagot.
"I see. " sagot nito habang tumatango.
Bigla ko namang napansin na wala ang kapatid kong maingay.
Nasan kaya yon.Tatanungin ko palang sana kung nasan ang kakambal kong maingay ng dumating itong tumatakbo galing sa kung saan.
"Gosh Am I late naba? Bakit walang gumising sakin? "
Sabi nito habang kinukusot pa yung mata. Tsk may mas malala pa pala sakin.
"Morning ran! " bati sa kanya ni jiroh.
Abat loko tong tao nato ah, favoritism masyado.
"Pansin ko lang ah, bat kay raniella ang baet mo! Tpos skn ang sungit mo? " baling ko kay jiroh.
Natawa naman si mom tsaka si ran. Habang si jiroh nagkibit balikat lng .
"A simple question needs a simple answer. Mas maganda kase ko sayo ." Sabi nito ng makaupo sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
Twin Bitch (Editing...)
De TodoNobody knows our true Identity so might as well stop judging us -_- ! After all, our personality is base on your attitude so you guys blame yourself ♥