..01

467 3 0
                                    

"Stop it Jean" Halos sumigaw na sa galit ang bestfriend nyang si Audrey. Si Audrey Limanel. Wala namang masyadong nakatingin sa kanila kaya wala narin syang pakelam.

"Lower your voice Audrey" Bulong ni Jean na napapaface-palm nalang sa ginagawa ng kaibigan nya. Bakit nga ba sila bestfriend ulit? Haay. Nasa gitna pa naman sila ng cafeteria pero parang walang pakelam si Audrey sa paligid nya. Sira nga naman.

Umupo lang si Audrey sabay tingin ng masama sa kanya. If looks could kill, patay na ako, pagiisip ni Jean na napahinga lang. Atleast nanahimik sya at hindi na sumisigaw.

It's lunch time. Kaya lahat ng studyante nagkalat sa paligid. Yung iba nasa library, yung iba naiwan sa room at yung iba naman sa cafeteria na para kumaen.

Kakatak na sana si Audrey para umpisahan nanaman ang mga 'dapat pagusapan ng masinsinan' na bagay ng biglang dumating ang boyfriend nya. Dala dala nya ang bag ni Audrey at mukang pagod na pagod. Kagagaling nya lang ata from his classes. Casper Hanz Janwell "Goodmorning Jean, good morning babe" Bati nya sabay halik sa pisngi ni Audrey.

"Don't call me babe" Singhal ni Audrey "Wala ako sa mood"

Tinaasan lang ng kilay ni Casper si Jean, tsaka umupo na sa tabi nya.

"Tapos na ba kayong kumaen?" Tanong ni Casper habang inaayos ang gamit tsaka rin hinanap yung wallet nya. "Kumaen ka na babe? What gusto mo?"

"Urrgh! Stop calling me babe. Wala nga ako sa mood!" Audrey almost yelled tsaka tinakpan yung mukha nya sa lamesa. Nagsmile lang si Casper tsaka tumawa kay Jean sabay alis para umorder ng lunch.

Si Jean, nanahimik nalang at binasa ang messages sa phone nya. Tama nga naman ang sinabi ni Audrey. Ang tanga tanga nya. It's been two months since magbreak sila ng boyfriend nya, si Matt. Wala nga naman kasing forever. Still, it hurts, kahit sinabi nya na makakaget-over rin sya.

*

"Let's break up" Matt said seriously. Katatapos lang ng date nila sa paboritong cafe ni Jean.

Halos mabulunan si Jean sa kapeng iniinom nya. Nanlaki ang mata nya sabay tanong kay Matt. "What? What did you said?"

Huminga lang ng malalim si Matt, sabay hawak sa kamay ni Jean pero agad naman hinila ni Jean ang kamay nya pabalik. Nararamdaman nya na ang hapdi ng mata nya, umiiyak na pala sya. After years of love and care, tapos ngayon ganito? Bakit, need space? time? distance?

"Jean, alam ko nabigla ka at nasaktan. But I just need to tell you this" Pag-amin ni Matt habang nakatingin sa kanya ng malungkot "I did love you. Minahal talaga kita. There's just something important that I need to focused on" he said with a very soft voice habang inaabangan ang reaksyon ni Jean.

Si Jean, halos tulala parin at pinaprocess ang mga pinagsasabi nya. "So.. ganun? Pag wala na, ititigil mo na?"

Matt sighed, rubbing his neck "It's complicated. Sa moment na malapit na tayong gumraduate, I wanted to focus on my studies for a better future" he confessed. Jean breathed deep, covering her eyes tsaka sumagot "Ganyan naman kayong mga lalake ea. Mahal nyo ngayon, hindi na bukas"

"It's not like that- " Matt argued pero inarapan lang sya ni Jean. "What?! Ano pa ba ang dahilan? Tell me Matt. Kailangan mo ng space, edi dun ka sa kalawakan. Oras, sige reregaluhan kita ng orasan. O ano pa, distance, edi lumayo ka-" Sigaw ni Jean habang umiiyak "Hindi mo kailangang makipagbreak para hanapin ang sarili mo"

Natahimik lang silang dalawa pagkatapos ng sinabi ni Jean. Tanging iyak lang nya ang pumupuno sa loob ng cafe.

"Jean, if you love me, set me free" Matt whispered, sabay punas sa mata nya "I will come back in this relationship, maybe one day. Pag bumalik ako, I'm yours"

Natulala lang si Jean sa kanya.

"Jean-"

"If I love you?" Tanong ni Jean sabay hawak sa mesa "It was never an 'if' Matt. I did love you. Sobrang mahal kita na natatakot ako kung anong mangyayare saken pag nawala ka!" Sigaw nya sakanya.

"I understand Jean, but you need to listen to me" Matt cried at him, umiiyak narin "This is for my future, and yours too. Para makapagfocus tayo sa buhay naten. For the better"

"So breaking up with me will make your life better?" Bulong ni Jean sa kanya sarcastically. Si Matt, natameme lang sa sinabi nya. "That's not what I mean, I still love you. But there is something that I love more"

Tumawa lang si Jean sa kanya. "It's not love. Years with you is not love Matt. It's just a relationshit"

Hinawakan ni Matt si Jean ng tumayo sya paalis "Jean- wait-"

"That's how you want it diba. Edi break na kung break!" Sigaw ni Jean sabay hampas sa kamay nya at takbo palabas. Nakatingin halos lahat ng staff sa kanila habang si Matt naman, pinagmamasdan ang pag-alis ng ex girlfriend nya.

*

Nagising si Jean sa pagiisip nya nang maramdaman nya may kamay na pinapalo sya sa balikat. Napalingon sya at nakitang nakatayo si Casper sa gilid nya, nagtatanong. "Huy. Kumaen ka na ba? Eto binilan kita"

Tumingin si Jean sa lamesa at nakitang meron na ngang pagkaen. "Thanks Casper" Sabi nya. Medyo hindi parin sya makapag-isip ng maayos kaya ikakaen nalang nya ito.

Si Audrey naman, kumakaen na. "Babe oh" Sabi ni Casper sabay abot ng juice sakanya. Tinignan lang sya ni Audrey ng masama at sinabing tigilan ang salitang 'babe'

Natatawa nalang si Jean sa kanila. Isang sweet na boyfriend si Casper. Sweet rin naman si Matt, matalino pa tsaka- haaay. Wala na nga ea. Wala ng sila. Nakakatawa man isipin, pero tuwing nakikita ni Jean si Audrey at Casper, naiingit nalang sya. Kahit merong 'emotional constipation' si Audrey, nagagawa paring makisabay ni Casper para sa kanya dahil mahal nya.

Pagmamahal nga naman.

Natapos nya na ang pagkaen nya at kinuha ulit ang phone nya kahit naririnig parin nya ang pag-aaway ni Audrey at Casper sa harap nya. Haay. Sobrang sweet naman nila. Away dito, away doon, pero magbabati rin naman.

Ini-scan nya ang mga past messages nya. Hindi na nya binura ang pinag-uusapan nila dati ni Matt. Alaala kumbaga. Siguro, pangsampal narin sa katotohanan na masakit dahil wala na sya.

From: Matt ♥ [06-09-14]
Grabe. Ang lamig pala dito sa New Zealand! Naninigas na ako sa lamig! Sana nandito ka para may kayakap ako hahaha.

From: Matt ♥ [07-10-14]
Kamusta beautiful. I miss you :)

From: Matt ♥ [12-25-14]
Merry Christmas. Hindi ako nakauwi baby :( Hindi tuloy tayo nakapagcelebrate. Bawi nalang ako sa new year :*

Nakakatuwang balikan. Pero nakakasakit rin ng sikmura pag binabalikan nya. Ang tanga ba naman kasing balikan ang mga bagay na matagal ng tapos.

Haay. Bakit ba kasi ang hirap magmove-on.

[A/N]

First chapter is out! Awww ♥

The Art of Letting Go ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon