..16

18 0 0
                                    

Nang mawalan ng klase dahil bakasyon, pinayuhan ng umuwi si Jean kasama ang kuya nya. Hindi na nabanggit ni Audrey at Casper ang bagong tagpo na 'internal allergy' dahil alam naman nila na malaki ang chance na gagaling sya.

"Sure ba kayo na hindi na kayo dadaan samen?" Tanong ng kuya ni Jean habang hinahablot ang bag ni Jean. Si Jean, kagigising palang at parang patay malisya pa sa mundo dahil halos dumeretso na naman sya sa pader para pumunta sa banyo. Buti nalang at naabutan sya ni Casper at hindi nauntog.

"Hindi na kuya." Sagot naman ng mahinahon ni Audrey. "Hindi pa kasi nakakatulog nang maayos si Casper. Uwi muna kame"

Hindi na sya pinigilan pa at sumang-ayon nalang. Sabay sabay silang lumabas. 9 am na ng umaga at mabuting mag-umagahan muna sila bago umuwi. Sigurado naman gutom na gutom na si Jean.

Sumakay na si Audrey at Casper sa kotse nila at nagpaalam na.

"Magcall ka ah" Sigaw ni Jean mula sa loob ng kotse ng kuya nya. Kumaway lang si Audrey at tumawa habang tumatango.

"Oh. Halika. Mag-grocery tayo" Pag-aya ng kuya ni Jean para naman sumaya ang umaga nila. Napangiti ng malaki si Jean sabay talon sa upuan nya. "Thank you kuya!" Sobrang likot nya muntik na syang umuntog sa taas ng kotse. "Oh dahan dahan!" Pagbabawal ng kuya nya ng paloko sabay hawak sa ulo. "Baka nyan sa susunod ma-amnesia ka na"

Tumawa lang si Jean "Hehe. Sige kuya. Halika na!"

"Oo nga!" Balik ng kuya nya "To the grocery!"

Nagpunta sila sa grocery at dahil umaga, wala pang masyadong tao. Inikot nila ang grocery store habang kinakaladkad ang cart sa likod nila. "Kuya eto!" Sigaw ni Jean sabay hablot sa malaking Oishi. Tinaasan sya ng kilay atsaka kinuha at oishi para ibalik. "Bad yan. Junk foods. Bawal. Dapat healthy"

Jean just pouted. "Haay"

Nagpatuloy sila sa pag-ikot atsaka naglibot para bumili narin ng mga ibang kailangan.

"Eto." Hablot ni Jean sa 3 piraso ng mansanas na iba iba ang kulay. Nagsmile lang ang kuya nya at tumango sabay dampot ng 12 piraso para sa kanya.

"What are we doing here?" Tanong ni Rian habang humihikab. Ang aga aga ng ayain sya ni Cheska para mag-jogging at mag-grocery dahil nakakaboring daw sa bahay. Hindi na nila pinagusapan ang nangyare kahapon dahil sigurado mag-aaway na naman sila kaya hinayaan nalang ni Rian.

"Raven. Tignan mo!" Cheska squeeled sabay hablot sa Clover junk food. "Bilan mo ako ng isa. Kahit isa lang" pout nya.

Rian sighed, tsaka umiling "Hindi pwede. Junk foods oh"

Cheska continued to pout sabay hawak sa braso nya. "Please" Pagmamakaawa nya. "Alam mo naman na ayaw akong pinapakaen ni mama ng ganito"

Ayaw talaga ng mama nya dahil madali syang tumaba pag junk food ang kinakaen nya. Dapat laging healthy para balance ang diet nya, ang takaw pa naman nya.

"Hindi pwede Cheska" Pagbabawal ni Rian sabay hila sa kanya papuntang ibang hilera ng pagkaen.

Cheska sulked, malungkot na marameng bawal pero hinayaan nalang nya at patuloy na ginulo si Rian sa mga pagkaen na hindi pa nila natitikman dito sa Pinas.

Magkaholding hands silang naglalakad, tumitingin sa ibang uri ng mga pagkaen habang nagtatawanan sa childhood nila.

Ganito naman talaga sila.

Sila naman talaga ang magkasama simula ng bata. Magkasama sa hirap at ginhawa. Sa saya at lungkot.

Tas biglang dumating si Matt.

The Art of Letting Go ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon