"Saan kayo magbabakasyon this December?" Casper asked once na nakaupo na sya on their usual cafeteria table. Si Audrey nakayuko lang dahil masakit daw ang kanyang ulo, at syempre, may bago nang addition sa grupo. Si Rian at Harold. "Wala kameng plano." Rian shrugged sabay higop ng inumin nya. Si Harold naman nakikipag kulitan lang Kay Jean.
"Hm. Hindi kasi makakauwi yung parents ko sa holiday, pati narin yung parents ni Audrey, so naisip namin na magouting sana tayo if gusto nyo." Aya ni Casper sabay hawak sa buhok ng girlfriend. Jean nodded, interested sa plano. "Actually, yung kuya ko busy sila ngayon ni ate Sofia so agree ako sa outing!"
"Ikaw Harold?" Casper turned his attention to the other. "Sama ka?"
Harold shrugged, smiling. "Basta nandyan si Jean sasama ako hehe." He received a punch on his shoulder by Jean tsaka tumawa. "Joke, sige sama ako. Ayaw nyo isama si Jr, baka gusto nya rin sumama?"
"Wala daw sya ea." Audrey whispered, sabay patong ng ulo sa balikat ni Casper. "Uuwi kasi si ate Mae kaya wala sya." Harold pouted, about to say something nang bigla ng magsalita si Rian. "Ako gusto ko sana sumama."
Casper nodded, "Well, that's settled." He said sabay grab ng phone para magsettle ng schedule sa pupuntahan nila. "Actually. Ang balak namin ni Audrey ay pumunta sa Thailand to see their tourist spots. You know, City of Angels, tapos doon na tayo mag-ikot pag naka-stay-in na tayo sa hotel."
"As expected Kay Casper.." Harold laugh "Sobrang ready ka."
Na tapos na ang lunch at sabay sabay na silang pumunta sa room habang si Casper dumeretso sa kanyang section. Si Audrey masakit parin ang ulo kaya nag-pa-excuse nalang sya at hinatid ni Harold kay Casper. Pagpasok ni Jean, nakita nya na nagchichismisan ang mga classmate nya.
"Uy, chismis na naman. Di kayo uunlad nyan." Pangjojoke ni Jean sabay tabi sa Manila. Tinawanan lang sya ng isa nyang classmate, si Erica pero yung tatlo tinignan lang sya ng masama. Napakunot ang noo ni Jean, eto ba ang sinasabi ni Cheska? "Ah, sige, alis nalang ako ah." Sabi ni Jean nang nahihiya pero pinigilan sya ni Erica. "Uyy, ano ka ba. Wag ka madrama. Badtrip lang talaga mga mukha nila kasi may di sila makalimutan diba girls?" She explained habang pinapaupo si Jean sa upuan.
"Kung may nagawa man akong mali, pagpasensyahan nyo na ah" Sabi ni Jean sabay yuko. May galit ba talaga sila ng palihim sakanya? Maayos naman silang magkakasama nung freshmen years. "Drama mo Jean." Joke ng isang barkada na si Sunny. "Di naman ikaw yung issue. Yung kaibigan mo."
"S-si Audrey—" nanlaki ang mata ni Jean "Please, kung may galit kayo sakanya, pagpasensyahan nyo na—"
"Baliw ka talaga!" Tawa ni Erica sabay kurot sa pisngi ni Jean at nagtawanan sila ng barkada nya. "Hindi si Audrey, tagal na nten magkakasama no, ganun ba kame kababang uri." Sagot ni Tony "Yung isa mong kaibigan. Yung transfer na babae."
Natahimik si Jean. "Ah, si Cheska ba? Bakit pala di nyo sya inaya sa grupo nyo kahapon? Kawawa naman sya wala sayang ka partner." She sighed pero tinignan lang sya ni Erica na para bang nagulat. "Wow! Kame pa ang Hindi nag-aya? Sya ang ayaw sumama samen. Hmpf!"
"Oo nga." Barat naman ni Sunny "Inaaya namin sya kahapon pero di nya kame pinapansin."
"Ewan namin kung nagkukunwari bang bingi or talagang wala lang modo, haay." Dagdag naman ni Tony sabay kamot sa ulo. Yung isa pa nilang kasama na si Devon, tumawa lang. "Narinig namin yung pinaguusapan nyo kahapon. Ang chena chena nya, pabebe pa. Pinagmumukha kameng masama. Sa tingin mo ba ganun kame Jean? Bakit naman namin sya itataboy? Ang arte nya."
Parang hindi makapaniwala si Jean sa mga naririnig nya. Iba ang mga kinewento ni Cheska sa kanya kahapon at di nya rin alam kung magagawang magsinungaling ni Cheska. Bakit nya ba kailangan magsinungaling kung ganun? Hindi rin naman nya masabi na mali sila Erica dahil apat sila at mas kilala nya angbmga classmate nya kesa Kay Cheska. Kesa Cheska at Rian.
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go ♥
RomantizmLahat ng bagay mahirap umpisahan. Mahirap mag-aral. Mahirap magpapayat. Mahirap magising sa umaga. Hindi lahat ng bagay, easy at simple. At minsan, sa sobrang hirap, kailangan mo ng tulong at gabay ng mga taong nagpapahalaga sa iyong kalagayan. Masa...