..04

82 5 0
                                    


"So?" Sabi ni Matt once na nasa cafeteria na sila. Halos pinagtitinginan sila ng mga babae. Ang gwapo nga naman kasi ng kambal, plus, ang ganda pa ni Cheska.

"I love it here!" Cheska said enthusiasically "Dito na talaga tayo Raven! Hindi na tayo aalis dito" sabi nya kay Rian.

Nagsmile si Rian sa kanya tsaka na hinila sa malapit na empty table.

"Raven, come, umorder tayo" Sabi ni Matt sabay lapag ng bag sa mesa. Parang hindi sang-ayon si Rian, pero naisip nya rin na hindi kaya ng kuya ang 3 tray of lunch kaya sumunod na sya ng tahimik. Pumila sila habang pinaguusapan ang mga namiss nilang bagay as brothers.

"Kamusta si mama?" Tanong ni Matt sabay abot ng pera dun sa babae.

Rian shrugged, nonchalant sa answer nya "She's fine. Always been. Parang gustong gusto nya na tayong umalis sa bahay"

"Hindi ka pa nasanay kay mama" Tawa ni Matt. Sinuntok lang sya ni Rian ng mahina sa balikat at nagtawanan. Kinuha narin nila ang mga inorder nila at bumalik sa pwesto ng mabagal ang lakad, para narin hindi matapon ang binili nila at magusap pa ng saglit.

"Ewan ko ba kay mama, bakit ang sabik nyang ipakasal tayo" Bulong ni Matt ng medyo galit. "We're young, tsaka, hindi pa pwedeng ikasal si Cheska"

Lumaki lang ang mata ni Rian sa narinig nya, at akmang tatanungin na ang kuya ng makarating na sila sa pwesto nila.

"Ang tagal nyo" Angal ni Cheska "Grabe. Nagsasalita na ang tyan ko"

Umupo sa magkabilang gilid ang magkapatid. "Anong sabi nya? Kakausapin ko na ba?" Panloloko ni Matt na agad agad naman hinampas ni Cheska. "Iieh. Sira ka talaga! Bad! Bad!"

Pinagmasdan lang ni Rian ang dalawa.

Mukang masaya sila. At sya nanaman ang tinaguriang third well ng bayan, ng magkakaibigan.

Sa totoo lang naman, wala naman talagang balak lumipat ng school si Rian. Masaya naman sya sa Australia, kaya lang, nang sabihin ni Cheska na miss na miss nya na si Matt, naisipan nya na sumama narin, baka ano pa kasi ang mangyare.

Siguro nga, magkakaibigan lang sila, o baka, ayun lang ang iniisip nya, pero, hindi nya parin maiwasan mapaisip.

Kambal naman sila ni Matt, pero bakit mas marameng tao ang nagkakagusto sa kuya nya?

Kabilang na dun si Cheska.

Kahit sweet at mabait si Cheska sa kanya, turing kaibigan parin pag pinagusapan na si Matt. Ayaw nyang maniwala, kasi naman, si Matt ang rame ng ex tapos sya, NGSB. Eto naman si Cheska, hulog na hulog ata ang damdamin sa kuya nya. Haay.

"Raven" Tawag ni Cheska. Paglingon ni Rian sa kanila, napapikit sya sa gulat. Susubuan pala sya ni Cheska pero busy syang nagiisip. "Oh. Say ahh" Panloloko ni Cheska habang tinataas ang fries na binila nila.

Tumango lang si Rian atsaka na binuksan ang bibig nya para kainin.

"Anyways, baka naman maguluhan ang mga classmate naten dahil paiba-iba kayo ng tawag" Sabi ni Matt pagkatapos uminom "Raven nalang kasi tawag naming lahat ea". He insisted.

Rian snorted "Ayoko. I only want the special ones to call me that"

"Hmm" Sabi ni Cheska ng nagiisip. "Pero Raven, mahihirapan sila at malilito. Kame tawag namin sayo real name mo, tas sila yung palayaw mo lang. Baka masira ulo nila" Tawa ni Cheska.

But Rian is stubborn. "No. Ayoko. Let them stick to my nickname. I don't care" at nagpatuloy na sya sa pagkaen.

Nagtinginan lang sila Cheska at Matt.

The Art of Letting Go ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon