..12

59 2 0
                                    

Bumalik si Jean sa loob matapos ang maliit na 'self-talk'. Naguumpisa na ng bumalik sya at closing remarks na ata dahil nananalangin na sila at disco na. Pwede nang umuwi yung iba, yung iba naman magiistay para magdisco.

Hinahanap nya si Audrey at Casper para magpaalam ng makita nyang nag-aaway ang dalawa kahit na nagpapapicture parin ang ibang mga estudyante sa kanila.

"So, pwede yun? Ang akbayan mo sya?" Galit na tanong ni Audrey habang nakatingin ng masama kay Casper.

Napakamot nalang si Casper at handa ng magpaliwanag ng biglang tumakbo palabas si Audrey. Nagsigawan ang mga tao sa paligid pero sumigaw na si Jr na wag na silang sundan pa.

Si Jean, hindi na nanibago sa mga nakita nya. Ganun naman lagi si Audrey. Selosa masyado.

Tinawagan nya ang kuya nya pero hindi naman sumagot. Ilang beses nya rin sinendan ng message pero hindi man nagreply. Haay. Pano sya uuwi nyan.

Ayaw nyang humingi ng tulong kay Jr. Nakakahiya naman kasi tsaka baka ano pang gawin nun sa kanya. Joke. Hahaha. Lalake parin naman kasi sila.

Naupo sya sa dun sa bench ulit na mas malapit na sa pintuan. Haay.

Naisipan nyang maglakad lakad muna sa garden sa likod lang naman ng building habang nagiisip isip. Self-talk na naman kumbaga.

Dahan-dahan syang naglakad sa likod at tuwang tuwa ng ilawan sya ng buwan sa bawat hakbang. Puno ng bulaklak ang garden kaya agad-agad syang umupo at hindi na nag-aksaya ng oras na gumawa ng mga korona sa bulaklak. Hindi nga nya nasoot ang korona at kahit nasa kanya ang pera, naiinggit parin sya dahil si Audrey ang nakatayo dun. Sabagay, natakot rin sya kay Cheska sa hindu masabing dahilan. Haay.

Sinuot nya ang koronang bulaklak at nagpicture. Feeling prinsesa kumbaga.

Tsaka na sya humiga sa lapag at tumingin sa langit at mailaw na buwan.

Bakit kaya napadisaster ng lovelife ko?, tanong nya sa sarili nya habang pinagmamasdan ang paggalaw ng ulap sa taas. Tinaas nya ang kamay nya atsaka hinawakan na para bang may nakahawak ng iba.

Holding hands, hahaha. Nakakamiss. Pagiisip nya habang hinahawakan ng mahigpit ang kamay nya.

Ipinikit nya ng saglit ang mata at nagpahinga ngunit meron syang narinig na kumakaluskos sa paligid nya.

At nang idilat nya ang mata nya, meron lalakeng nakatingin sa kanya. Napasigaw sya sa gulat at isang halakhak ang bumungad sa tenga nya.

"Bakit ka sumisigaw?" Tanong ni Rian habang tinatawanan ang kanyang reaksyon. "Parang nakakita ka ng multo"

Hinawakan ni Jean ang dibdib nya sabay tingin ng masama sa kanya. "Ea masamang engkanto ka nga ea"

Rian snorted at her tsaka na tumabi sa kanya.

So comfortable. Ang sarap ng feeling na hindi sila nag-aaway. Akala nya talaga backfighter o baka naman murderer tong si Rian. Hahaha.

"Bakit ka nandito magisa?" Tanong ni Rian na nakatingin rin sa langit. "Pano na pag iba pala dumating hindi ako. Edi narape ka"

Tumawa lang si Jean. Hindi sa sinabi nya, pero dahil sa concern na lumabas sa bibig nya. "Why do you care?"

Rian was silent for a minute. "Girls are born to be protected. Kahit gano pa sila kasama o kapangit, they must be respected in all cause" tsaka na sya tumingin kay Jean at nagsmile. "Kaya kahit gano ka ka-timang, you don't deserve to be hurt"

Jean's heart beated at that, so loud it hurts. Hindi rin nya alam pero feel nya nagblush na naman sya sa gabing yun.

Magkapatid ba talaga sila ni Matt? Bat hindi ganyan ang pagiisip ni Matt? Hahaha.

"Huy. Ano na naman iniisip mo? Nag sesenti ka?" Panloloko ni Rian pero hindi sya sinapok ni Jean, instead, sinagot nya ito ng isa pang tanong. "Lahat ba ng lalake ganyan? Lahat ba kayo nag-cecare?"

Tumaas ang kilay ni Rian sabay sagot agad. "Oo naman! Kung hindi sila ganun, aba hindi sila lalake"

Natawa si Jean sa sagot nya. So hindi lalake si Matt? Hahaha. Lalake sya, gusto nya si Cheska ea. Kung ganun pala lahat ng lalake, san nabibilang si Matt. Nakakatawa naman talaga.

"Bakit? Yung ex mo ba no-good?" Mahinhin na tanong ni Rian at seryoso sya dahil malungkot na syang nakatingin kay Jean. Kelan ba sila naging close? Kelan ba sila naging open na nagagawa nilang magusap ng mga ganitong bagay? Sabagay, hindi narin kailangan alamin ni Jean kung paano at kelan. Masaya naman sya na may nakakausap pa syang matino tungkol sa mga bagay na hindi nya kayang sabihin ng paulit-ulit kay Casper at Audrey. Nakakasawa rin naman kasing sabihan lagi ng tanga.


"He was no better than any man could say." Jean answered sabay tingin sa magkahawak nya paring kamay. "I wonder nga, kung lahat ba ng lalake ganun ka-non-sense ea"

"Excuse me!" Rian argued offended. "Ibahin mo ako sakanila"

Jean blinked, still confused. "Pano ka naging iba?"

And before she knew it, hinablot na ni Rian ang kamay nya at hinawakan to. They stared at each other at nakakatibok ng puso ang tingin ni Rian. "Let me show you what kind of a lover I am"

Namula si Jean sa pinagsasabi nya at hahampasin na sana sya ng biglang magring ang phone nya.

"Ehem." She cleared her throat sabay hablot ng kamay ng mahinhin. "Wait lang"

Tumalikod sya sabay sagot sa call. Wrong timing naman oh. "Hello?"

[Sorry. Kanina ka pa pala nagcacall! Susunduin na kita! Stay put ka lang! Parating na si kuya!]

"Teka -"

Pero binaba na ng kuya nya ang call. Haay. Grabe naman sya sa pagmamadali.

She awkwardly face the other at nagpasalamat na madilim dahil namumula parin sya sa hiya. Grabe. Ano ano naman kasi lumalabas sa bibig ng engkantong gwapong to ea.

Rian raised an eyebrow. "Oh? Uwi ka na"

"Oo."

"Edi halika na." Sabi ni Rian sabay tayo. Inabot nya ang kamay ni Jean at tinayo rin sya. "Hatid na kita dun sa gate"

Tahimik silang nagpunta sa gate ng school at nakitang naka-park ang sasakyan ng kuya nya.

Lumaki ang mata ni Rian ng makita nya ang damit na binili ni Jean para daw sa 'boyfriend' nya na suot ng lalakeng sumundo sa kanya ngayon. Bago nya pa matanong kung ayun ba ang lalakeng napupusuan nya ay sumigaw na ang lalake-

"Jean baby! Patawad si kuya ah!! Sigaw nya ng dramatic sabay yakap kay Jean ng mahigpit. Niyakap naman sya pabalik ni Jean pero hindi na ata nakahinga dahil pinaghahampas nya na ang isa. "Hindi naman ako nakahinga kuya!"

Pinanood lang ni Rian ang magkapatid na mag-away at maglambingan. Nakakatawa. Hindi sila ganyang kaclose ni Matt. Nakakainggit naman.

"Oh. Paalam na kame" Sabi ni Jean sabay kaway ng masaya. Kumaway pabalik si Rian at hinintay na makaalis ang kotse nila bago na sya bumalik sa loob.

The Art of Letting Go ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon