"Okay guys, pick your partner." The teacher announced sabay tingin Kay Jean ng concern "As for Jean, your friend Audrey is called for an emergency, hinatid na sya ni Casper sa location. So I suggest you look for a partner. Girl partner."Tumango lang si Jean at iniikot ang kanyang paningin sa classroom. Lahat halos may partner na. Si Rian kinukulit ni Harold na magpapicture at si Matt may kausap na iba. Girl to girl lang. Haay.
"Jean.." Nanggaling sa likod sabay hawak sa balikat ng talaga. Oh, Cheska. "Ches.."
"Partner tayo?" She asked sabay tabi Kay Jean nang may pout. "Ayaw ako partner ng mga classmate nten ea."
"Talaga?" Jean said in shock, sabay tingin sa mga classmate nya na tinitignan sya ng masama. Mababait ang mga classmate nya, halos magkakasama na sila for 3 years at ni minsan ay wala silang napag-awayan (minsan asaran syempre.) "Di ata nila ako type but I've been here for almost 2 months." She sighed sabay patong ng ulo sa balikat ni Jean. "Don't you like me too Jean?"
"Ano ka ba? I like you! We're friends!" Jean exclaimed tsaka yakap sa kanya.
And so the class started. It was an activity. Lalabas daw sila to take a fresh air and get their pictures taken by partner. It was a simple task, wala lang siguro magawa yung teacher kasi after 10 minutes pinatawag na sya at nawala na sya sa classroom. Atleast may vacant diba.
"Let's take a picture here Jean!" Cheska shouted sabay akbay sakanya, smushing their faces together in a jolly pose. Nagkakatuwaan sila ng lumapit so Rian kasama si Harold. "Jeaaaaan!" Sigaw ni Harold sabay yakap sa kanyang kaibigan ng mahigpit. "H-hindi ako makahinga Harold—" sigaw ni Jean sabay suntok sa kanyang balikat para bumitaw. Hindi parin sya nag-papalag at patuloy na sinuffocate si Jean.
"Harold. Bitaw." Rian ordered.
Agad naman bumitaw si Harold at tinignan si Rian ng parang tutang pinalayas sa kanyang bahay. "Sa wakas at tinawag mo na ako sa pangalan ko Rian." He beams sabay yakap Kay Rian. "Bitawan mo ako ulupong! Ano ba!" Rian shouted.
Tumawa lang si Jean pero nanahimik sya bigla ng napansin nya na Cheska's staring at her. "Ayos ka lang ba Ches?"
"U-uh— yes of course!" She said "A-ang close nyo ni Harold haha."
"Oo naman Madam Richards. Ako ang kasama ni Jean ever since freshmen" Pagyayabang ni Harold sabay kurot sa pisngi ni Jean. Niyakap nya ulit si Jean para kulitin nang hablutin sya ni Rian palayo at hinawakan sya sa ulo. "Busit naman, bakit di nyo ako bitawan— RIAN NASASAKAL AKO!"
Pinapanood lang sila ni Cheska sa isang gilid habang sinusubukan ni Harold na palokong halikan si Jean at si Rian tinatry silang paghiwalayan gamit ang kanyang katawan sa gitna nila. "Ano ba Harold, tigilan mo nga si— sabi nang tigilan mo sya!"
Tumatawa lang si Harold nang sa wakas ay mahawakan na nya si Jean sa mukha at mahalikan ang kanyang pisngi. Nanlaki ang mata ni Jean at Rian pagkatapos ay bigla nang nagtatakbo ng parang baliw si Harold na sinundan naman halos ni Rian sa galit. "Lintik ka!" Sigaw ni Rian ng galit pero si Harold tumatawa lang.
"Grabe talaga si Harold." Bulong ni Jean sa sarili nya habang tumatawa.
Hindi nya namalayan na tinawag na pala ni Cheska si Matt dahil na awkward sya sa tatlo. "Oh, Hi Jean" bati ni Matt habang yakap ni Cheska ang kanyang braso. "H-hello Matt" Awkward na bati ni Jean sabay tingin sa kabila.
Napansin ni Cheska ang awkwardness nila at hindi sila naguusap kahit na magkasama na sila.
"Hindi ata kayo medyo close ni Matt, Jean" Pangjojoke ni Cheska pero instead na matuwa ang dalawa ay tila ba lalo lang naging awkward. Napakamot lang ng ulo si Matt. "Close naman kame no Jean. Medyo may nagbago nga lang.. Diba Jean?" Sabi nya.
BINABASA MO ANG
The Art of Letting Go ♥
RomanceLahat ng bagay mahirap umpisahan. Mahirap mag-aral. Mahirap magpapayat. Mahirap magising sa umaga. Hindi lahat ng bagay, easy at simple. At minsan, sa sobrang hirap, kailangan mo ng tulong at gabay ng mga taong nagpapahalaga sa iyong kalagayan. Masa...