..11

73 2 0
                                    


Dumating na ang araw ng party at walang klase ng umaga. Sobrang busy ng mga estudyante na hindi na nila magawang itext ang isa't isa para itanong kung san sila magkikita o pupunta ba sila.

"Jean, yung sapatos mo nandun sa living room." Sabi ng kuya nya habang umiinom ng juice at busy na nagbabasa ng kung ano-ano sa cellphone nya.

Halos madapa ata si Jean sa pagmamadali. Nakatulog kasi sta ng hapon. Ang usapan nila ni Jr, 6 ay magkikita na sila sa school para makareserve ng pwesto.

Agad agad kinuha ni Jean ang sapatos nya at akmang aakyat na nang lumapit ang kuya nya sabay punas sa pawis nya sa noo. "Wala ka bang balak magmake-up?"

Napa-iling lang si Jean dahil hindi pa sya nakakapagdamit. "Hindi ako marunong kuya"

Natawa lang ang kuya nya tsaka nagsmile, "Sige. Tawagan ko lang Ate Sofia mo. Pamake-up ka"

Hindi na nakapag-thank you si Jean dahil agad agad syang umakyat para magbihis. Si Sofia ang girlfriend ng kuya nya. Isa syang cosmetic model at may-ari ng salon, therefore, sya ay bihasa sa usapang make-up.

"Hello there baby!" Bati ni Sofia sa kanya at kiss sa cheek. "Halika't umupo ka ng maayusan na kita"

Agad agad umupo si Jean at nanalangin na sana agad matapos dahil baka malate sya. Sabagay, Pilipino time naman sila ea.

Nagsimula na sa pagmamagic si Sofia sa kanyang mukha at hindi matandaan ni Jean kung ano-anong pinagdadampot ni Sofia sa table na pinapahid naman sa mukha ni Jean. Haay.

Nakatulog ata si Jean dahil ilang saglit kang ay kinakalog na sya ng mahinhin. "Baby, baby?" Bulong ni Sofia habang ginagalaw sya para magising.

"Uh.." Dilat ni Jean at buti nalang ay hindu nya kinamot ang mata nya. "Anong oras na ate?"

Tinignan ni Sofia ang orasan na nakasabit sa pader and answered, "6:17 na"

Nanlaki ang mata ni Jean at halos matumba sa pagmamadali. Tinawanan lang sya ni Sofia at inabot ang purse nya tsaka na sya hinatid sa labas. Nang makita sya ng kuya nya, pumito sya at ngumiti pagkatapos. "Dalagang dalaga na ah. Picturan kita, send naten kay mama at papa"

"Iieh kuya naman ea!" Mahiya-hiyang balik ni Jean habang pinapaypayan ang sarili.

"Jean oh!" Sabi ni Sofia sabay abot ng pabango sa kanya. Kinuha naman nya agad at parang ipinaligo sa katawan. Rich kid hahaha.

"Oh. Halika na. Hatid na kita" Sabi ng kuya nya sabay bukas ng pinto. Pagkatapos nyang bigyan ng halik sa pisngi si Sofia, umalis na sila at nagtungo na sa school.

6:30 na ng makababa sya ng kotse. Sinabihan sya ng kuya nya na magtext nalang pag tapos na ang party para masundo sya.

Lagot. Patay na patay na ako nito. Sabi ng utak ni Jean habang dahan dahan na naglalakad patungong Gymnasium. Late na late na kasi sya. Ang usapan nila ni Jr ay 6 at 30 minutes na ang lumipas. Haay grabe.

Bukas na ang mga ilaw at marame syang nakasabay na papasok na. Yung iba may partner yung iba wala.

Pag pasok nya, nakita nya si Jr sa isang gilid na nakikipagusap kay Audrey at Casper. Wow. Ang ganda ng bestfriend nya. Pareho silang nakaformal, sagad sa leeg at puno ng lace. Mas lalong naging gwapo si Casper dahil naka-ayos ang buhok nya at si Audrey naman, naka-simple bun naman.

"Hey guys!" Sigaw ni Jean na hirap na hirap maglakad. "Sorry late ako!"

Nang makarating sya sa pwesto nila, pinagtinginan lang sya. Anong meron?

Nahiya sya sa kanilang mga tingin sabay tago sa likod ni Jr. "Ehem. Bastos po ang titigan ang isang babae"

"Woaw. Woaw" Tawa ni Casper at buti naman ay nagsalita na sila. "We're sorry. Nabigla kasi kame."

The Art of Letting Go ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon