Story#5: Huwag kang magtalukbong.

38 3 0
                                    


Wattpad 24/7 Presents

Title: Huwag kang magtalukbong

By: PogingAuthor19

Genre: Horror story

----------

Ano nga kaya ang misteryo ng kumot na iyon dahil sa tuwing ginagamit ko ito ay tila kinukuha ang kaluluwa ko?

Una sa lahat ano nga ba ang ibig sabihin ng "Talukbong?"

Baka kasi may iba pa diyan na hindi pa nakakaalam.(Tagalog na tagalog hindi pa alam? )

Talukbong o pagsilid sa sarili ng kumot, pagtakip sa mukha ng kumot, pwede rin damit.

Sa english: You're inside of the blanket.

Basta iyon na 'yon.

Ang totoo, ang kwento na ito ay isa lang sa mga nakakatakot na naranasan ko. Nangyari ito when i was second year high school.

Labing apat na taon palang ako noon.

Noong bata ay medyo maramdamin ako kaya iyon sa tuwing napapagalitan ako

ay pumupunta kaagad ako sa kwarto para magmukmok. Hindi lang iyon, hihiga pa ako tapos kukunin ang kumot

sabay magtatalukbong.

Minsan pa nga umiiyak ako, pero walang ingay na maririnig kapag umiyak ako.

Tutulo lang ang luha, tapos pag feeling ko okay na ako ay doon na ako lalabas ng kwarto.

Ganun lang ako magpalipas ng sama ng loob. Ayan tuloy may nalaman kayo sakin. Pero hindi ko naman kinahihiya na iyakin

ako dati. Marami lang siguro akong sama ng loob sa mga magulang ko dati. (Anyway ! Hindi drama to Haha! Horror 'to uy!)

Hindi lang naman kapag umiiyak ako nagtatalukbong ng kumot, Pati kapag

natutulog ako.

Ewan ko ba pero nakasanayan ko na iyon noon.

Dati kasi kapag nakatalukbong ako ay feeling ko mabilis akong makatulog. Hindi lang 'yon, ayaw ko kasi na nakakakita ng kung ano ano lalo na kapag gabi, kasi nga matatakutin ako dati. Isa rin 'yon sa rason kung bakit gustong-gusto kong magtalukbong. Baka kasi sa kalaliman ng gabi ay bigla na lang may magpakita sa akin. Nakakatakot kaya iyon.

On my own view, may dalawang dahilan kung bakit mahilig magkulubong ng kumot ang isang tao.

Una, kapag sya ay matatakutin. May mga tao kasing mas gusto pang magtalokbong ng kumot kaysa naman may makitang hindi kaaya-aya sa paningin. At minsan kapag nakakaramdam sila ng takot ay ginagawa nila ito.

Means duwag sila dahil ayaw nilang harapin ang takot nila, mas gusto pa nilang magtago kaysa harapin ang kinatatakutan nila.

Pangalawa, gaya ng ginagawa ko. Kapag may sama ng loob sa isang tao,

Nalulungkot o umiiyak, ginagawa nila ito para doon pag-isipan ang mga bagay-bagay. Minsan kasi kapag umiiyak ang isang tao ay nagkukulubong siya ng kumot dahil ayaw niyang ipakita o malaman ng iba na umiiyak sya. Minsan kasi maganda rin 'yung maging mapag-isa kung minsan.

Para makapag-isip ka ng mabuti at marealize mo ang mga pagkakamali mong nagawa. Masasabi ko na ang mga taong may ganitong personalidad ay matapag, dahil sila 'yung tipong kahit na nasasaktan na o umiiyak, ay hindi parin nila pinapakita sa iba na mahina sila sa pamamagitan ng ganoong gawain. So means it's Either you're brave or not, alin ka sa dalawang nabanggit?

Random (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon