Wattpad 24/7 Presents: One Shot
Title: 'Ang misteryosong naka pulang mama'
Author: Hannah Dizon
Genre: Orphanage
~~~~~~
Sasapit na naman ang pasko. Darating kaya s'ya? S'ya lang naman ang hinihintay ko twing pasko. Isa lang naman akong musmos na bata na
ibinasura sa bahay ampunan. Ang kwento sa akin ni Sister Emma natagpuan lang
ako sa tambakan ng basurahan. Ibig sabihin basura lang ako.
Dumaragdag na ang aking edad ngunit walang gustong
umampon sa akin.
"Kulot-salot! kulot-salot! kulot-salot!" Wala akong magawa kundi ang humagulgol sa isang sulok pag tinutudyo ako ng mga ibang bata sa bahay
ampunan dahil sa mala pancit-canton kong buhok.
"Lira kulot-salot!kulot-salot!" Wala akong kaibigan kahit isa, palagi lamang akong
mag-isa habang hagkan ko ang aking manikang halatang luma na.
"Bakit mo pinugot ang ulo ng manika ko!"
Mangiyak-ngiyak ako habang hawak ang manika kong pinutulan nila ng ulo.
Mahalaga sa akin ang manikang iyon dahil bigay sakin yon ng nakapulang
mama noong nakaraang pasko. Sasapit na ang pasko! Nais kong maranasan ang mangaruling sa iba't-ibang bahay, Makakita ng kumukutikutitap na x-mas light, mag sabit ng mga makukulay na parol at
makasama ang buong pamilya. Ngunit para sa isang tulad kong musmos na
bata na nakatira sa bahay ampunan.
Mahirap gawin ang mga bagay na iyon. Masarap ba ang lasa ng Hamon? Eh ang
keso de bola? Sana kahit salad lang matikman ko naman ngayong pasko,
kahit makahigop lang ako ng mainit na sabaw ng sopas pampa-init sa malamig
na simoy ng pasko.
Darating kaya s'ya ngayong pasko? S'ya lang ang dahilan kung bakit masaya ang
diwa ng pasko ko.
Misteryosong nakapulang mama, sino ka ba talaga? Sabi nila malaki ang tiyan mo
at mahaba ang balbas. Ikaw ang dahilan kung bakit mayroong mga kendi sa
sinabit kong medyas, kung bakit may regalo ako sa ilalim ng x-mas tree, kung bakit sumisigla ang simpleng batang tulad ko twing sumasapit ang pasko.
Sana tuparin mo naman ang hiling ko na magkaroon ng pamilya sa darating na
kapaskuhan.
"Sister kilala n'yo po ba ang
misteryosong naka-pulang mama?" Tanong ko kay Sister Emma ngumiti ito at
marahang hinaplos ang pancit-canton kong buhok.
"Si Santa Clause," nakangiting wika ni Sister sa akin.
"Si Santa po? yung nagbibigay ng regalo at kung bakit may pasko tayo?" Inosente kong tanong at sumilay muli ang ngiti sa
labi ni Sister.
"Kilala mo ba kung sino ang tunay na Santa Clause?" Wika ni Sister sa akin.
"May totoo pa pong Santa? Sino po?" Naguguluhan kong tanong.
"Ang tunay na santa Clause ay si God, s'ya ang nagreregalo ng pagmamahalan at kapayapaan at s'ya rin ang dahilan kung bakit makulay ang pasko natin" Lumawak ang ngiti ko sa aking labi. Si
God pala ang totoong Santa Clause!
"At wag mong iisipin na wala kang pamilya dahil lahat kami ay pamilya mo rito." Sabik kong niyakap si Sister ngayon
palang pala nabigay n'ya na ang gift ko...
Nararamdaman ko na ang tunay na diwa ng pasko, ang araw ng pagmamahalan,pagpapatawaran at kapayapaan. Kaya araw-araw ay pasko dahil araw-araw na sa puso nating ang
panginoong maykapal.
~the End~
![](https://img.wattpad.com/cover/54822730-288-k412179.jpg)