Wattpad 24/7 Presents
Title: Takipsilim
By: JhiyenishaGenre: Sad story
----------
Bata pa lang kami ng kakambal kong si Isha ay sakitin na siya. Madalas kaming nasa center noon para lang makigamit ng
inhaler. Sa tuwing inaatake siya ng hika, dama ko ang paghihirap niya. Bilang
nakakatanda sa kanya, hindi ko siya hinahayaan na lumabas gaya ng gusto ni
inay. Palagi kaming sa bahay naglalaro, kahit gusto kong sa labas maglaro.
Nag high school kami hindi pa rin nawala ang sakit niya,gaya noon bantay sarado ako. Tuwing P.E namin kakausapin ko ang guro niya at ipagpapaalam na ibang sports na lamang ang kanya. Ramdam kong hindi niya gusto ang ginagawa ko,ngunit hindi niya ako mapipigilan na pagbawalan siya.
''Kuya, hindi na ako bata para palagi mong bantayan.'' mariing sabi niya sa akin.
Nasa field kami ngayon, basketball ang sport ko ang sa kan'ya volleyball.
''Ang tigas kasi ng ulo mo, hindi ba sabi ni nanay bawal kang mapagod.'' sagot ko
sa kan'ya.
''Kuya, kahit ngayon lang pagbigyan mo na ako. Kapag ramdam kong pagod na
ako magpapahinga naman ako.'' sabi niya. Diretso siyang nakatingin sa akin, kitang-kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagusto.
''Sige payag ako maglaro ka pero dito lang ako babantayan kita.'' sabi ko sa
kaniya. Ngumiti lang siya sa akin at bumalik na para makapaglaro ulit.
Habang naglalaro siya, wala akong ginawa kundi pagmasdan ang mukha
niya. Kung pwede lang talaga na ako ang umako sa sakit mo ginawa ko na. Hindi
ko kayang mawala siya sa amin. Ang tatay namin iniwan na kami, kaya kahit anong mangyari aalagaan ko siya. Makipagtaguan man kay kamatayan gagawin ko. Sila na lang ni nanay ang
yaman ko, dahil sa kanila kaya may kulay ang buhay ko. Lumipas ang buwan,
naging varsity siya sa volleyball.
Natutuwa naman ako dahil naabot niya ang kanyang pangarap. Natatakot naman
ako sa pwedeng mangyari sa kanya.
Halos araw-araw may practice sila para sa nalalapit na Sportfest.
''Kuya, pinagluto ko kayo ni nanay.'' lambing sa akin ng kambal ko. Kakauwi ko lang galing sa bahay ng kaklase ko.
''Anong meron at nagluto ka, ang aga mong umuwi.'' sabi ko sa kanya, niyakap niya ako.
''Nalimutan mo na, kaarawan natin ngayon at nagpaalam ako kay coach na maaga akong uuwi para makapaghanda.'' sabi niya. Gumanti rin ako nang yakap, ilang sandali dumating si nanay.
''Aba ang kambal ko naglalambingan, pasali naman.'' sabi ni nanay, nilapag niya ang cake at nakiyakap sa amin.
''Happy Birthday sa atin kuya'' magiliw na sabi ni Isha matapos kumalas sa yakap.
Kwentuhan tungkol sa nalalapit na laban ni Isha. Simula noong maging varsity
siya binitawan ko ang basketball. Alam kong magagalit siya kapag nalaman niya iyon.
''Kuya, hindi kita nakikitang mag-practice'' sabi niya sa akin, kumakain kami.
''Hindi ako sumali sa sportfest hindi kita mapapanood kapag player din ako.'' sabi ko. Ayokong sabihin na umalis na ako sa team.
''Sayang naman, ang ibig sabihin mo magiging water boy kita.'' sabi niya, sabay
hagalpak nang tawa.
''Anong nakakatawa?'' tanong ko.
''Para akong kinder, nai-imagine ko may dala kang bimpo at tubig.'' sabi niya.
''Isha, matuwa ka at ganiyan ang kuya mo. Alam mong kahit sa langaw ayaw ka
niyan padapuan.'' sabi ni nanay.
''Nay, kaya nga po mahal na mahal ko si kuya.'' sabi niya, sabay ngiti sa akin.
Ang sarap marinig sa kapatid mo na mahal ka niya. Mabuti na lamang at hindi siya nasasakal sa ginagawa ko.
Sportfest, maaga umalis kaming umalis para sa assembly nila. Alam kong
masyadong maaga para pumasok na rin ako pero gusto kong masiguro na ayos
lang siya. Ilang oras pa ang lumipas laro na nila. Ang dami kong naririnig na sinisigaw ang kanyang pangalan.
Nakatutok lang ang atensyon ko sa kan'ya. Kay ganda niyang pagmasdan sa
tuwing naglalaro, kitang kita na mahal niya ang volleyball. Sana mawala na ang sakit niya para maging malaya na siya.
Bago pa matapos ang kanilang laro napatayo ako at tumakbo papunta sa kan'ya. Hinahapo siya, nagkagulo na rin lahat ng teammates niya maging ang kabilang team. Agad siyang nilagay sa
strecher papunta sa ambulansiya.
Sumunod lang ako sa kanila, hindi ko mapigilan ang pagluha, ngayon lang ulit
sa inatake.
''Sir, sasama po ako.'' sabi ko sa coach niya habang papasok ito sa loob ng
ambulansya.
''Isha kapit lang'' hawak ko ang kamay niya nang mahigpit. Hanggang sa
makadating kami sa ospital hindi ko siya mabitawan.
''Anak ayos na ba si Isha?'' humahangos na tanong ni nanay. Umiling ako, hindi ko
alam kung ilang minuto o oras na siyang nasa loob ng emergency room. Lumabas
muna ako at nagpunta sa hardin ng ospital. Naalala ko noong inatake rin siya, dito rin namin siya dinala.
''Kuya, ang sarap ng hangin damang-dama ko. Kung sakaling mawala ako sana maging hangin ako.'' nakangiting sabi niya.
''Isha ikaw ba yan.'' sambit ko ang lakas kasi ng hangin. Andito ako sa tapat ng
puntod niya bumibisita. Noong dinala namin siya sa ospital iyon na rin ang huli.
Akala ko sa pagbabawal sa kan'ya mailalayo ko siya sa kamatayan ngunit nagkamali ako. Hindi natin kaya pigilan ang kamatayan kahit anong pagtago.
-WAKAS-
(Edited by: @PogingAuthor19)