Wattpad 24/7 presents:Title: "Pandesal lang?"
By: PogingAuthor19
Genre: Comedy
"You can say anything about me. I don't care because I am what I am and that's something you could never be."
~~~~~
Good morning!
Maaga akong nagising ngayon kasi gusto ko lang, kailangan pa bang ipaliwanag ko pa kung bakit?
Well, dahil adik ako sa facebook, nag-log in agad ako and i'm so shocked kasi ang daming nag-comment sa picture ko at ang sabi feeling maganda daw ako? So, what! totoo naman eh, na maganda ako. Inggit lang sila kasi umabot ng 1,569 ang likes ng profile picture ko i'm so famous!
Habang nakatambay ako sa home ng facebook account ko at busy sa kaka-floodlikes ng mga ka CF ko ay biglang nakareceive ako ng call mula sa bakla kong fweend. (Fweend means nakakasukang friend.)
"Oh bakla napatawag ka?" mataray na tanong ko sa kaniya.
"Nariyan ba si Jun-jun ko?" tanong niya.
"Kaloka! wala dito ang Jun-jun mo si Fefe lang." sagot ko.
"Ay ganun ba? Hula ko hindi ka pa nagsisipilyo."
"Bakit?"
"Amoy dito ang hininga mo eh!" sabay tawa.
Walanghiyang baklita ito nang-asar pa.
"Well, ibla-block kita mamaya sa facebook! Cheee!" at pinutol ko na ang tawagan namin at ni search ko 'yong name niya sa facebook at ayon blocked na siya hahaha!
Bwiset talaga 'yong becky na you na 'yon. Nakakapuryekesh!
Tinuloy ko na lang ang pag li-likes sa mga picture ng mga friends ko para makahakot din ako ng flood likes mula sa kanila nang may mabasa akong status mula sa isang pangit kong friend, hindi ko kasi ina-accept kapag maganda. Ayon na nga ang sabi niya sa status niya ay,
"Ang tunay na maganda hininga pa lang pamatay na."
Batrip much! Ayon ni un-friend ko siya kaya 4,498 na lang ang friends ko sa facebook, how sad naman.
Para mawala ang lungkot ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina at may nakita akong pandesal. Wow mukhang masarap! Kukuha ako ng dalawa.
Ayon na nga kumuha ako ng dalawang pandesal at nag-umpisa nang kumain. (Pangmayaman na kain) habang nakatutok sa cellphone kong cherry mobile flare S4.
Super saya ko kasi 999 na 'yong reads ng story ko na ang title ay "Taeng bumara sa inidoro" True story kasi 'yon at na inspired naman ako kaya ginawan ko ng kwento. 'Yong kapatid ko kasi hindi mahilig uminom ng tubig kaya ayon laging matigas ang tae niya tapos one week ata bago niya ilabas 'yong dumi sa katawan niya kaya sa tuwing tatae siya sa banyo ay hindi na lumulubog 'yong tae niya kasi sobrang tigas at malalaki pa. Kahit isang timbang tubig pa ang ibuhos mo, no effect padin, pero may technique ako kung paano mapapalubog ang matigas na tae. Una kumuha ng kahoy at durugin ang tae, make sure na may mask kayo syempre common sense na mabaho 'yon. At kapag durog na ang tae ay pwede nyo na siyang buhusan ng tubig at lulubog na ang tae.
Kadiri ang naiisip ko! kumakain pa naman ako..
Mayamaya pa ay dumating na ang kapatid ko na si Vodka at may dalang timba, tatae nanaman ang hayop ako nanaman ang mahihirapan.
Pagdaan niya ay narinig ko siyang nagsalita ng, "Ang kapal ng mukha." So ako ba 'yong pinaparinggan niya? Mas makapal ang mukha niya! At matigas pa! Kasing tigas ng tae niya!