Wattpad 24/7 Presents: One Shot
Title: Lifeless
Author: Hannah Dizon
Genre: Action
~~~~~~~~
Napangisi ako nang marinig ang mariing pagdaing nito nang pilipitin ko ang braso
n'ya. Tinadyakan ko ang tuhod at malakas na ibinalya sa pader. Napamura pa ito, habang inilalapit ko ang mukha ko sa kanya.
"Wag mo kong kinakalaban." Mas lalo ko pang inilapit ang mukha ko rito, walang kwenta! Ka lalaking tao madali ko lang pala ma papabagsak? naghaharumenrado ang aking kalooban na tila uhaw ako sa pagpatay. Nais kong
pag-pira-pirasuhin ang katawan nito sa
galit ko.
"Kasalan n'yo!… kasalanan n'yo kung bakit s'ya nawala."Mariing hiyaw ko at lalong bumaon ang talim ng aking kuko sa kanyang braso. Wala akong maramdaman kundi ang nananalaytay na
galit sa aking puso tila binalot na ito ng dilim at galit.
***
Akmang aalisin ko na ang maskarang nakasuot sa kanya kung saan nakakubli
ang kanyang katauhan ngunit lumihis lamang ang mukha nito.
"Gusto mo ba talagang matuluyan kana!" Singhal ko rito. Inis na inalis ko ang
maskara pero…nanlumo ako pakiramdam ko napako ako sa kinatatayuan ko. Nanlamig ang palad ko at nag simulang
rumagasa ang mga luhang ilang taon ko ring tinago.
"Jeff…paano--" Hindi ako makapaniwala. Alam ko, at nakatitiyak ako na wala na
talaga si Jeff. Ngunit bakit nasa harapan ko s'ya ngayon? Kamukhang-kamukha nito si Jeff, ang hugis ng mukha,ang
tindik at--- Ilang taon na ang nakakalipas ngunit tila
parang sariwa pa ang mga ala-ala. Ilang taon na s'yang wala na pero araw-araw
akong na ngungulila sa kanya. Sa isang iglap nagbalik ang masasaya at
masasakit na sandali noong mga panahong nasa bisig n'ya ako at hinahagkan ko s'ya nang pagka-higpit
higpit. S'ya ang nagturo sa akin kung pano lumaban at ipagtanggol ang aking
sarili…
***
"Hanep pre oh! Chiks" Nilukob ako ng takot lalo na't tambay sa kanto ang biglang humarang sa akin. Mangiyak
ngiyak nako dahil hindi ko malaman ang aking gagawin.
***
Tuluyan nakong napa iyak nang hablutin nila ang braso ko at hinila ako kung saan.
"Ano…po--ng gagawing n'yo sakin?" Naluluhang saad ko ngunit ngumisi lamang sila na s'yang lalo ko pang
ikinatakot. Nanlaban ako pero di ko rin sila kinaya. Lalo akong napaiyak nang mabuksan nila ang unang bitones ng aking uniporme.
"Tulong! Tulong!" Malakas na sigaw ko, ngunit tinampal lang nila ang bibig ko.
"Tumahimik ka dyan!" Sigaw nila sakin. Mawawalan na sana ako ng pag-asa
ngunit…
***
"Anong Kaguluhan 'to?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng maangas na tinig at nakita ko ang bulto ng isang lalaki humihikab pa ito at tila bagot na bagot.
