Story#13: Asul na Rosas

13 0 0
                                    


Wattpad 24/7 Presents: One Shot

Title: Asul na Rosas

Author: Hannah Dizon

Genre: Tragedy

~~~~~~

Kasabay nang pag-bagsak ng talulot ng asul na rosas, ang pagtulo ng mainit na likido sa aking pisngi.

Kumupas na ang

dating tingkad na kulay nito at naging tuyo at wala ng buhay. Senyales na lahat

may katapusan, lahat may hangganan at lahat may maiiwang luhaan sa isang

sulok ng mapaglarong mundo. Sumulyap muli ang mga ala-alang naka-tatak na sa aking puso't isipan na pilit kong nililisan.

"Hey! Are you my stalker?!"

Nakapamewang kong sagot rito at tinaasan ko pa ito ng kilay. Lumapit ito sa akin at sumilay sa kan'ya ang

nakakalokong ngiti.

"Stalker? Sa gwapo

kong 'to, hindi ba pwedeng admirer?" Kumabog ang puso ko sa kaba nang mas lalo pa s'yang lumapit sa akin,

pakiramdam ko ay tila na semento na ako sa'king kinalalagyan. Naramdaman ko ang marahang paghaplos n'ya sa aking buhok at nanlalaki ang mata ko nang

makita ang biglaang pagsulpot sa palad

n'ya ang asul na rosas na kanina naman ay wala. Ano yun magic? Napakurap pa

ako nang ilang beses.

"Mangha ka? Ganito rin pagmamahal ko sa'yo, walang rason bigla bigla na lang sumulpot." Inirapan ko ito ng wagas at nilampasan.

Tsk! mga lalaki talaga sa mundo! Walang araw na hindi s'ya nakabuntot sa akin,

oras-oras n'yang binubwisit ang nananahimik kong diwa, minu-minuto n'ya ko, kung pag-masdan at higit sa

lahat segu-segundo s'ya kung mag papansin.

"Aly, Kailan mo ba ko sasagutin?" Pinandilatan ko ito ng mata.

"Sasagutin agad? Bakit kelan ka ba nanligaw?" Pangtataray ko rito, ngunit ikina-gulat ko

muli ang biglaang pag-haplos n'ya sa'king buhok. Sumulpot na naman ang isang asul na rosas.

Nasasanay na ata ako sa presensya n'ya, bakit tila nilulukob ng kaba ang dibdib

ko? Kanina ko pa s'ya hindi makita at ngayon ay uwian na nga pero nasanay ako na s'ya lagi ang naghahatid sa akin.

"Uy! Hinahanap mo ako no!" Lumukso sa tuwa ang puso ko nang marinig ang tinig

nito.

"Kapal mo! May iba akong

hinihintay!" Napa-iwas ako ng tingin nang diretso n'ya kong tinitigan. Nakita ko ang

pag-iba ng ekspresyon nito na mababakas ang lungkot.

"Pero… baka umalis na rin yun kaya uuwi na ako." Nagsimula na akong maglakad ngunit napahinto rin nang mapansing ni hindi

man lang s'ya gumalaw sa kinatatayuan nito.

"Oh ano, Kevin hindi ka ba sasabay sa'kin?" Ngumiti ito nang pagka-lakilaki, inirapan ko ito ngunit pagtalikod ko ay 'di ko namalayang napangiti na pala ako.

Nahulog na ata ang puso ko sa kan'ya, ngunit takot ako. Takot akong sumugal at

masaktan na tila isang asul na rosas na kahit anong ganda may tinik pa rin itong

magpapadugo sa nananahimik mong puso.

"Ayan, sayo na 'yan ah alagaan mo, diligan mo ng pagmamahal." Ala-sais

ng umaga ay nasa tapat s'ya ng tarangkahan ng bahay namin upang ibigay ang pasong may tanim na asul na

rosas, ngunit wala pang bulaklak. Taka ko itong tinignan, ganito talaga ka-aga? pwede namang mamamaya na lang dahil

magkikita naman kami sa iskwelahan.

"Maselan yan…kahit d'yan mo na lang ilaan ang pag-ibig na hindi mo maibigay sa akin." Hindi ko narinig ang huling

sinabi nito umalis na ito agad.

***

Maghapon ko itong hinanap sa iskwelahan ngunit ni anino nito'y di ko man lang nasilayan. Kung kailan naman handa na kong sumugal at masaktan.

Sad'yang ang buhay ay parang asul na rosas.

Darating din ang panahon na

malalagas,matutuyo at mamamatay, habang ika'y lumuluhang nakamasid sa

huling talulot nito.

"Kevin! Pakiusap naman oh! Huwag mo akong iwan!"

Rumagasa ang nag-uunahang luha sa aking mata. Nag-lihim ito, may

malubhang sakit pala ito na s'yang ikinamatay ng puso ko. Ngumiti ito at sa huling sandali hinaplos n'ya ang buhok ko. Inabot n'ya sa akin ang asul na rosas.

"Mahal...kita gaya ng asul na rosas na ito." Nahihirapan n'yang sambit at doon ay napahagulgol na ako.

Napabalik ako sa reyalidad nang marinig ang matinis na boses ng aking kapatid.

"Ate! May bulaklak na!" Sabik akong napatayo at bago umalis ay sinulyapan ko muna ang nalagas na bulaklak ng huling asul

na rosas na ibinigay n'ya sa akin. Gulat akong napatingin sa halamang namulaklak na.

Namukadkad na ang unang asul na rosas na ibinigay n'ya

sa'kin. Mahal din kita Kevin… tulad ng asul na Rosas kahit anong lanta ay may bagong sisibol at mamumukadkad na

bulaklak ng pag-asa.

-The end-

Random (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon