Wattpad 24/7 PresentsTitle: FLASHLIGHT
By: Akira
Genre: Sad Story
---------
Walang tigil sa pag ragasa ang mainit na likido sa aking mata. Tila isang napaka dilim na lugar ang kinaroroonan ko ngayon, kahit pa alam kong tirik na tirik ang araw at ramdam ko pag paso nito sa aking balat. Bakit ba sadyang napaka saklap ng buhay! bakit ang bilis namang bawiin ng mga minamahal ko sa buhay?
"Bakit ba ang daya mo! Sana kinuha mo na rin ako, kung wala ka rin namang ititira sa akin!" Halos maputol na ang litid ng leeg ko sa kasisigaw habang mariing nakatingin sa taas ng ulap.
Wala na sila,wala na ang buong pamilya ko. Mag-isa na lang ako, yun ang napagtanto ko. Tila ang mundo ko ay naging isang madilim na dati'y isang payapa at makulay na paraiso, naiwang lugmok at luhaan sa isang madilim na mundo. Hindi ko alintana kung may mga nakatingin ba sa akin o napagkakamalan na akong baliw.
"Hindi dapat umiiyak ang magandang babaeng katulad mo." Nagulat na lang ako nang may biglaang tumabi sa akin.
"Wala kang paki alam," wika ko sa lalaking ngayon ay katabi ko na, nakita kong tila may kinuha s'ya sa kanyang bulsa,
"kung panyo 'yang ibibigay mo, wala rin 'yang magagawa walang magbabago nababalot pa rin ng dilim ang mundo ko." Malungkot na saad ko at hinayaang tumulo ang takas na luha.
"Sinabi ko ba kasing panyo ibibigay ko." doon ay tila napahiya ako sa kanyang tinuran, ngunit agad din napa-kunot ang noo sa isang bagay na kinuha n'ya.
"Flashlight? Anong gagawin ko naman d'yan?" taka kong tanong at naka-titig sa maliit na flashlight.
"Mag-sisilbing tanglaw sa madilim mong mundo." Nakangiti nitong wika, na s'yang ikina-taas ko ng kilay.
"Walang magagawa ang maliit na flashlight na 'yan hindi naman maibabalik ang dating kulay at liwanag ng mundo ko!" Tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko, wala akong paki-alam kung makita pa n'yang napaka miserable ko.
"Edi ako na lang, i can be your flashlight, pwede mo akong mag-silbing tanglaw sa kahit anong madilim na daan na iyong tatahakin." Doon ay napa-tingin bigla ako sa kanya tila umurong ang mga luhang kanina lamang ay walang tigil sa pag-agos. Sadyang mapaglaro ang ikot ng mundo, ang di mo inaasahang tao s'ya pa ang mag-papasulyap sayo sa linawag ng mundo.
"Mahal nga kita Sena!" Kasabay ng malakas na pag-hiyaw n'ya ang pag hampas ng malakas na alon sa dagat
"Kita mo! pati dagat sumang-ayon." Nakangiting saad nito, ngunit hindi ko ito pinaniniwalaan.
"Tigilan mo nga ako Kiel! Ilang linggo pa lang tayong magkakilala, mahal agad?" Pabirong saad ko rito ngunit nakitaan ko ang lungkot sa kanyang mata o na mamalikmata lang ako?
"Matagal na kitang kilala...hindi mo lang alam."Pabulong nitong sagot na hindi ko naman masyadong narinig.
Madaling nahulog ang loob ko sa kanya s'ya ang nagturo sa akin na walang kasalanan ang Diyos sa mga nangyayari, s'ya nagbalik ng mga ngiti sa aking labi, s'ya ang nagpahid ng mga luhang s'ya lamang ang naging saksi nung mga araw na hindi ko pa kaya at higit sa lahat s'ya ang naging tanglaw at liwanag ko. Ngunit tulad ng isang flashlight, may hangganan din ang liwanag nito. Hindi maglalaon ang enerhiya nito'y mauubos at maiiwang luhaan na naman sa isang sulok ng madilim na mundo. Pag-gising ko na lang hindi ko namalayan na lumuluha ako, binalot ng kaba ang puso ko. Nilibot ng tingin ko ang buong paligid subalit wala na s'ya sa aking tabi, na kanina lang ay mahigpit ko itong hinahagkan. Bigla na lang s'yang naglaho na animo'y bula, naiwan akong nag-iisa sa lilim ng puno. Nasaan kana ba Kiel? Bakit pati puso ko sinama mo pa sa pag lisan mo. Isang buwan na ang lumipas hinanap ko s'ya, hanggang sa matagpuan ko ang kanilang tirahan.
Tumalon sa sobrang tuwa ang puso ko, masisilayan ko na ba s'yang muli?
"Ate Sena?!" nagulat ako nang ang batang babae ang sumalubong sa akin at niyakap ako at humahagulgol ito, wala akong maintindihan sa nangyayari.
"Sena ikaw ba yan?" gulat na tanong naman ng isang ginang, sobrang kahawig ito ni Kiel at napag-tanto kong ito ang pamilya ni Kiel.
"Alam mo bang palagi kang nai-kwekwento sa amin ni Kiel." Natutuwa nitong pahayag na s'yang ikina-ngiti ko rin.
"Asan nga po pala si Kiel?" Sabik na sabik kong wika at tila hindi na makapag-hintay. Ngunit napawi ang tamis ng ngiti ko nang masdan ang malungkot na mukha nila.
"Wala.. wala na si Kiel," pakiramdam ko ay tinutusok ang puso ko ng mga higanteng karayom.
"noong isang taon pa." nahigit ko ang paghinga ko at hindi maka-paniwala sa narinig.
"Po? imposible naman--" hindi ko na na tapos ang sasabihin ko dahil humagugol na ako. Naguguluhan ako, paanong namatay s'ya noong isang taon pa kung naka-sama ko pa ito, isang buwan ang lumipas.
"Alam mo ba, sobrang minahal ka ng anak ko. Namatay s'ya dahil iniligtas n'ya ang buhay mo noong nangyari ang trahedya sa buhay ng pamilya mo, sinuong n'ya ang nag-aalab na apoy mailigtas ka lang pero...hindi n'ya na rin nakayanan, nawala din s'ya." Gulat na gulat ako sa natunghayan, ibig sabihin-- ang nakakasama kong Kiel ay wala ng buhay kundi isang multo na lang. Umagos muli ang luha ko, lalo na nang ipakita sa akin ng ina ni Kiel ang silid nito.
"Magkaibigan ang kuya mo at si Kiel, Sena. Kaya palagi ka n'yang nakikita."
Patuloy lang sa pag-agos ang mga luha ko. Punong-puno ng larawan ko ang buong silid ni Kiel, halos lahat ng okasyon sa buhay ko ay naroroon s'ya. Sayang nga lang at hindi ko 'man lang s'ya nakilala ng mas maaga. Napadako ang tingin ko sa isang napaka-pamilyar na bagay, ang flashlight bagamat walang
tigil sa pag luha ay napangiti ako. Alam kong kahit wala na s'ya, tinatanglawan pa rin n'ya ang aking daraanan, s'ya pa rin ang mag-sisilbing liwanag ng mundo ko, alam kong palagi lang s'yang nad'yan.
''Hindi ka naman talaga iniwan nila, nand'yan lang sila sa puso mo. Magsisilbing gabay sa tatahaking landas mo." Napangiti muli ako nang maalala ang palagi n'yang sinasambit sa akin.
Kahit wala na s'ya alam kong nakaukit na s'ya sa puso ko na kailan hinding-hindi mabubura at kukupas lumipas man ang panahon.
S'ya pa rin ang minamahal kong mag-sisilbing aking tanglaw, ang aking FLASHLIGHT...
--END--
#WattpadLUNATICGIRL