Fate 1

38.6K 455 27
                                    

"Hoy Bakla! Ba't ba nakatunganga ka na naman jan? Tignan mo oh. Nanjan na naman sa labas si Rick. Susunduin ka na naman ata." Nakakairitang pukaw ni Rocky sa pagmumuni nya. Inikot nya muna ang mga mata nya bago pinandilatan ang kaibigang bakla.

"Ilang ulit ko bang sabihin sayo na wag mong banggitin sa harap ko ang pangalan ng lalaking iyan!" Napataas naman ng kilay si Rocky sa inasta ng kaibigan.

"Ang tarush! Eh kung dukutin ko kaya yang ngala ngala mo jan! Hoy Kendra Marie Sandoval! Ipapaalala ko lang sayo na malapit na kayong ikakasal nyang 'lalaking' sinasabi mo. At baka nakakalimutan mong engaged na kayo!"

"Hays! Namumuro kana Rocky ha! Wag mo na nga yang ipaalala kasi mas lalong nadadagdagan ang inis ko sa Rick na yan!" Pagmamaktol nya. She really hates him.

"Whatever Kenz. Dadami ang pimples ko sayong bakla ka! Aalis na ako hindi ka paba sakin sasabay?" Umiling naman sya.

"Hindi na. Kita mo naman nanjan ang hinayupak nayan!" Nagsisimula na naman syang mairita.

"Alam mo Kendra, pag ikaw nahulog kay Rick, kakainin mo talaga yang mga pinagsasabi mo tungkol sa kanya." She rolled her eyes and crossed her arms.

"Never Rocks, never." Hindi na nakipagtalo si Rocky kasi alam nyang matigas pa sa pangalan nya ang ulo ng kaibigan at baka mag-away na naman sila.

"Sige una na ako Kenz." Paalam ni Rocky sabay beso sa kaibigan. Pagdating nya sa parking lot ay tinawag sya ni Rick.

"Rocky!" Humarap sya rito ng may malaking ngiti. Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung si Maverick Timothy Vergara ang kakausap sayo. Eh bukod sa may magandang pangangatawan at napakagwapong mukha ay ang bait bait pa nito. Ewan nya ba kay Kendra kung bakit ayaw nya rito eh kakambal ata ng lalaking to ang salitang "Perpekto".

"Oh Rick ikaw pala. Si Kendra ba?" Inunahan na nya ito. Alam naman nyang wala ng ibang pupuntahan ito rito maliban sa fiance nya.

Nahihiyang ngumiti si Rick sa kanya.

"Ah. Oo. Nandyan ba sya sa loob?"

"Yeah. Hinihintay ka ata." Dumoble naman ang ngiti sa mga labi ni Rick. Pero parang nakonsensya naman si Rocky sa sinabi nya kasi alam nyang maliwanag pa sa sikat ng araw ang inis ni Kendra kay Rick.

"Sige. Susunduin ko muna sya." Paalam ni Rick.

"OK. Ingat kayo!" Then Rocky winks na syang ikinatawa ni Rick. Sa lahat ng kaibigan ni Kendra ay itong si Rocky ang mapagkakatiwalaan ni Rick. Alam nya kasing mabait ito at napapanatag sya pag ito ang kasama ni Kendra.

---

"Kendra." Napalingon si kendra sa nagsalita at kagaya ng inaasahan nya. Si Rick.

"Bat nandito ka na naman?!" Walang kabuhay buhay na tanong nya. Ganito palagi yong set up nila araw araw. Sinusundo sya ni Rick tapos tatarayan nya ito. Ewan nya ba sa lalaking yan ayaw paring sumuko eh halos lahat ata ng pang iinsulto ay naubos na nya sa kanya. Naiinis kasi sya rito.

"Sinusundo ka. Tara?" Nakangiting sagot ni Rick na di alintana ang pagtataray ng fiance nya. Sanay na kasi sya.

"Mag-oovertime ako kaya lumayas kana." Naiiritang sabi nya tapos ay humarap ulit sa computer nya.

"Hihintayin kita sa labas." Masigla paring tugon ni Rick na syang ikinaasar na naman nya. Tsk. Ang tigas talaga ng bungo nito!

"Wag mo na akong hintayin! Hating gabi na ako makakauwi. Magpapasundo nalang ako sa driver namin. Tsaka ayaw kitang makita!" Walang kapreno prenong sabi nya na nakatutok parin sa computer nya.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon