Lakad-Takbo ang ginawa ni Kendra pagkapasok na pagkapasok nya mismo sa entrada ng hospital.
Nasa second floor ang room ni Rick. Yon ang sabi ng ate Brianna nya nong nagtext kanina si Kendra sa kanya. Kinakabahan at natatakot sya sa mga nangyayari. Hindi na nya alam ang kanyang gagawin. Ang akala nya ay yong pambababoy lang sa kanya ni Drake ang problema nya datapwat may panibago na namang isa. At hindi nya mapapatawad ang sarili nya pag may masamang nangyari sa asawa nya. Really Kendra? Eh comatose na nga yong asawa mo eh! Pangongonsensya ng utak nya...
"Jesus Kendra! Bat ganyan ang itsura mo?" Gulat na bungad sa kanya ni Brianna pagkarating nya mismo sa tapat ng room ni Rick.
"A-ang asawa ko... ate si Rick..." hagulgol nya. Agad naman syang niyakap ni Brianna.
"Ate.. si Rick.." hirap na hirap nyang sabi. Magsasalita na sana si Brianna nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang umiiyak na si Cassandra. Subalit napahinto ito nang makita sya nito. Ang kaninang matamlay na mukha nya ay napalitan ng nanlilisik na ekspresyon.
"You Slut!" At hindi ito nag atubiling dakmain sya ng malakas na sampal at isang nakakamatay na sabunot sa buhok.. Napakabilis ng pangyayari na hindi man lang sya nakapagreact..
"A-aray ate Cassy.." iyak nya subalit parang wala itong naririnig.
"Don't fuckin call me ate! Malandi kang babae ka! Kung hindi dahil sayo hindi malalagay sa piligro ang buhay ng kapatid ko!" Pinagsasampal parin sya nito. Wala na syang lakas para lumaban. Tanging iyak nalang ang naigaganti nya rito.
Laking pasasalamat nya nong pumagitna si Brianna at inawat ang kapatid.
"Stop it Cassandra! Sinasaktan mo sya!" Sita nya rito. Subalit isang mapaklang tawa ang iginanti nito kay Brianna.
"Nahihibang ka na ba Bree? Kung hindi dahil sa tanginang babaeng ito hindi magpapakalasing si Rick at magdrive ng hating gabi para lang hanapin sya! Kung hindi sya nagpalandi sa deputang ex nya ay hindi sana masasaktan ang kapatid natin. Hindi sana mabobonggo ang sasakyan nya!" Galit na sabi nito.
"Stop it Cassy! It was an accident! Wag mong sisihin si Kendra. Hindi natin alam ang totoong nangyari." May diing saad naman ni Brianna. Gusto nyang tumayo at magsalita subalit parang bumara ang lalamunan nya.
"Totoong nangyari?! Dammit Bree! Hindi pa ba sapat na nakipagsex sya sa ex nya habang ang kapatid ko ay halos mabaliw kakahanap sa kanya!" Sigaw nito.
"You know nothing..." Hindi nya alam saan nanggaling ang tapang nya para sagutin ito. Kaya naman susugurin na naman ulit sya ni Cassy pero napigilan ito ni Brianna.
"Oh shut up! We know everything slut!"
"I said stop it!" Di na napigilan ni Brianna ang sarili kaya nasampal nya ang kapatid. Parehong nagulat naman sina Kendra at Cassy na napatingin sa kanya. Di makapaniwalang napapailing ang huli.
"I can't believe you Bree!" Pagkatapos ay marahas itong umalis palayo sa kanila. Napabuntong hininga nalang si Brianna.
"Pagpasinsyahan mo na ang kapatid ko." Hinging paumanhin sakanya ni Brianna kaya agad syang umiling-iling.
"No ate. Ako dapat ang humingi ng tawad. But trust me, hindi ko rin alam ang mga nangyari." Muli ay umiyak na naman sya. Punong puno na ng emosyon ang puso nya. Naaawa man sya sa sarili nya ay mas naaawa sya sa asawa nya. God, ang asawa ko!
"Ate.. Si Rick.." Nanginginig na saad nya.
"Nandon sa loob. Sige na pumasok kana. Don't worry walang ibang tao sa loob. Bukas pa babalik sina mommy at marahil ay ganun din si Cassy. May pagkain sa ref kung nagugutom ka. Mayron ding mga damit don sa cabinet, dinala ko yon kanina baka may magkasya sayo." Napatango nalang sya sa sinabi ni Brianna.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
General Fiction(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...