This is it, ito yong mismong araw na muli nyang makakausap si Drake. Tumawag kanina si Charlotte kay Rick na gusto nitong makipag-usap sa kanilang dalawa. Kinakabahan sya ng konti. Hindi nya alam kung ano ang irereact pag nandito na ito sa kanyang harapan. Iiyak ba sya? Magagalit? Maiinis? Mapapatawad nya ba ito sa lahat ng ginawa nito sa kanya dati? Ang pagsira nito sa buhay nya?Naramdaman nyang may pumisil sa kanang kamay nya. Nginitian nya nalang si Rick. Nakapag-usap na silang dalawa na dapat pagnakita na nito si Drake ng personal ay kontrolin nito ang kanyang emosyon baka kung mapano nya yong tao.
"Everything will be fine." Sambit nito.
"I know." Nakangiti nyang sabi. Nandito sila ngayon sa isang high class na restaurant sa Makati. At on the way na raw sina Charlotte at Drake.
"Gutom ka na ba?" Maya maya ay tanong nito sa kanya. Umiling lang sya rito.
"Si Baby hindi ba gutom?" Napangiti naman sya sa tanong nito sabay himas sa may kaumbukan nyang tiyan. She is 5 months pregnant now. Ang bilis talaga ng panahon. Excited na syang manganak dahil after non ay isasaayos narin nila ang kanilang kasal. And by the way, lalaki ang ipinagbubuntis nya.
"Hindi pa naman. Pero mukhang gusto nyang uminom ng black forest shake." Nakita nyang sumimangot si Rick.
"Ayan ka na naman sa shake na yan. Baka paglabas ni Baby ay magmumukha na yang black forest shake." Nakalabi nitong sabi kaya mabilis nyang kinagat ang ilong nito.
"Aw. That hurts." Ngiwi nito sabay himas sa napakatangos nitong ilong.
"You will buy me shake or papakpakin ko yang ilong mo?" Nakangisi nyang sambit.
Mukhang natakot naman si Rick sa sinabi nito dahil agad itong tumayo at nagtungo sa may counter. Napapangiti nalang sya. This past few weeks kasi ay ang ilong nito ang kanyang pinanggigigilan. Hindi makokompleto ang araw nya paghindi nya nakakagat ang ilong nito. Minsan nga ay nagdugo ito dahil napalakas ang kagat nya. Ang akala nya ay papagalitan sya ni Rick pero hindi pala.
"Kendra.." That voice! Kinakabahang napaangat sya ng mukha. At hindi nga sya nagkakamali. Si Drake!
"Hi Kendra. I'm glad to see you again." This time ay si Charlotte naman ang nagsalita sabay beso sa kanya.
Para namang may bumara sa lalamunan nya dahil hindi sya makapagsalita. Nakatitig lang sya kay Drake. Hindi nya alam kung ano ang nararamdaman nya sa puntong ito pero alam nyang walang bahid ng galit ang puso nya ngayon.
"Maiwan ko muna kayong dalawa. Teka, nasan si Rick?" Tanong ni Charlotte.
"N-Nasa may counter." Nauutal nyang sagot.
"Sige salamat. Ayos lang ba kung mag-uusap din muna kami sandali?"
"Ayos lang." Nginitian muna sya nito bago umalis. Muling napako ang mga mata nya kay Drake. Medyo nangayat ito ng konti. He also has a beard now. Mas inimature iyon ng mukha nya pero bumagay naman sa kanya. Halatang may halong banyaga ang dugo nito.
"So.."
"Papano mo nagawa sa akin yon?" Kusa nalang nagsalita ang kanyang bibig.
"I'm sorry Kenz." Bakas sa mga mata nito ang senseridad.
"Ang akala ko ay mahal mo ako. Pero halos babuyin mo ako sa mga ginawa mo dati." May diin subalit mahina nyang sambit. Nakita nyang huminga ito ng malalim.
"Mahal kita noon kaya ko nagawa iyon. Ang akala ko sa ganoong paraan ay makukuha kita sa kanya. Ang akala ko ay mahal mo parin ako pero pinipigilan mo lang." Gusto nyang hamparusin ito sa pagka assuming nito. Ilang ulit na nyang sinabi na mahal na nya si Rick subalit hindi pala sya nito pinaniwalaan.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
Ficção Geral(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...