Fate 14

13.3K 359 32
                                    


Ngayon ang eksaktong araw ng interview ni Kendra doon sa bago nyang inaplayang trabaho sa isang bagong kompanya sa kalapit nilang bayan. Nakapagsumiti na sya ng kanyang mga papers noong nakaraang araw at ang sinabi ay bumalik nalang sya for the interview. Kagabi palang ay kinakabahan na sya. Pano kong hindi na naman sya matanggap? Yan ang paulit ulit na tanong ng kanyang isipan.

"Kinakabahan ka po inay?" Tanong ni Madison.

"Konti anak." Pangiti nyang sagot dito. Lumapit naman ito sa kanya at kumandong.

"Alam po naming matatanggap ka inay. Mabait ka po tsaka maganda tsaka matalino." Natuwa naman sya sinabi nito kaya isang malutong na halik sa pisngi ang iginawad nya sa anak.

"Inay, andyan na po si tita Colline sa labas." Sabi ni Daze pagkapasok nito. Si Colline ang magbabantay sa kanila ngayon kasi baka gabihin sya ng uwi mamaya. 20 minutes ang layo ng kabilang bayan mula dito sa bayan nila. Matagal na nyang naging matalik na kaibigan si Colline pagdating nya sa lugar nato at ito ang palaging tumutulong sa kanila.

Tumayo si Kendra at sabay silang tatlo lumabas ng kwarto. Prenteng nakaupo sa kawayan nilang sofa si Colline at nang makita sila nito ay malapad itong ngumiti.

"Salamat talaga Colline ha?" Sabi nya nang makalapit sya dito.

"Ano ka ba Kenz! Para namang hindi tayo magkaibigan. Wag ka ng mag-alala, babantayan ko ng maayos yang dalawang bulilit nayan."

"Osige, aalis na ako. Oh Daze at Madison, wag nyong bibigyan ng sakit ng ulo ang tita Colline nyo ha?"

Sabay namang lumapit ang dalawa sa kanya.

"Opo nay. Goodluck po sa interview." Nakangiting sambit ni Daze. Lumuhod muna sya para maging kapantay nya sila. Niyakap nya ang kambal.

"Kaya mo po yan inay. I love you." Sabi naman ni Madison.

"Mahal na mahal ko rin kayong dalawa." At pagkatapos ay hinalikan nya ang dalawa sa pisngi bago muling tumayo.

"Sige Colline aalis na ako."

"Goodluck Kendra." Tumango nalang sya dito bago tuluyang lumabas ng bahay.

Habang nasa daan ay hindi nya alam kung bakit mas lalong bumibilis ang tibok ng puso nya. Kinakabahan talaga sya. Ang bali-balita kasi ay napakaistrikto ng CEO ng kompanyang inaplayan nya at may nakapagsabi ding napakashort-tempered nito kaya mas lalo syang kinakabahan.

Nang makarating sya sa mismong tapat ng kompanya ay kinakabahan syang bumaba sa tricycle na sinakyan nya. I can do it.. Bulong nya sa sarili.

Inayos nya muna ang sarili bago pumasok sa MTV's Sanctuary. Iyon ang pangalan ng kompanyang inaplayan nya. Para sa kanya ay napakaweird naman ata ng pangalan ng kompanyang ito. Subalit hindi na nya iyon proproblemahin, ang importante ay matanggap sya sa trabaho. Balita din kasi nya ay sikat ang kompanyang ito maging sa ibang bansa kaya mas kinakabahan sya para sa interview.

Nang makapasok sya sa kompanya ay nagtungo agad sya sa office ni Mrs. Garcia. Ang naghahandle sa mga applicants.

"Good morning po." Nahihiya nyang bati rito. Ngumiti naman ito sa kanya.

"Come in, mabuti't dumating kana. Ms. Sandoval right?" Tanong nito.

"Yes ma'am." Sagot nya.

"Alright, alam mo naman sigurong sampu kayong nag-apply at dalawa lang ang pipiliin namin para sa posisyong ito." Kinakabahan syang tumango.

"Lima nalang din kayong hindi pa na iinterview. Tapos na kanina yong lima at nandiyan narin sa labas yong apat pa." Pagpapatuloy nito.

"I'm expecting you to get the position kaya galingan mo sa interview." Nagulat naman sya sa sinabi nito. Ang buong akala nya ay ito ang mag-iinterview sa kanila.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon