Fate 5

12.8K 302 21
                                    


Sinag ng araw na nagmumula sa dingding na yari sa diamond glass ang pumukaw kay Kendra.

"O-ouch." Napahawak sya sa kanyang ulo. Sumasakit iyon. Marahil dala iyon ng Hangover dahil sa walang pakundangan nyang pag inom ng alak kagabi.

Marahan syang tumayo at nagtungo sa cr na nasa kaliwang parte ng kwarto nya. At doon ay walang pigil na nagsuka sya habang hawak hawak ang tyan nya. Namimilipit rin iyon ng sakit.

"Teka.." agad syang umupo sa toilet bowl at umihi..

"Tsk. Akala ko next week pa." Nakasimangot na tinapos nya ang kanyang ginagawa sa loob ng cr at pagkatapos ay bumalik sya sa kama.

"Wait, bat ganito ang suot ko?" Nagtatakang napatingin sya sa sarili nya na naaninag mula sa glass wall nya.

"Don't tell me..."

"Kendra?" Tawag mula sa labas ng silid nya at alam nyang si Rick iyon.

"Kenz? Gising ka naba?" Pinihit nito ang siradura at binuksan ang pinto.

May dala dala itong pagkain na nakalagay sa tray. Kunyaring kinakalikot nya ang kamay nya. Ayaw nya kasing makita ang mukha ni Rick nahihiya sya. Marahil ito ang nagbihis sa kanya kagabi. Walanghiyang lalaking to! Baka kung ano na ang ginawa sa akin!

"Ito, kumain ka muna baka gutom kana. Iginawa rin kita ng soup baka makatulong yan mawala ang hangover mo. Kung may kailangan ka, nasa baba lang ako." Sabi nito pagkatapos ilapag ang tray sa table katabi ng kama nya.

"Hindi ako gutom!" Malamig na turan nya rito at pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot.

Napapikit nalang ng mata si Rick bago lumabas ng silid.

Nang marinig ni Kendra ang pagsarado ng pinto ay bumangon agad sya at tinignan ang dala ni Rick na pagkain.

"Not that bad if I will eat these." Then she started to eat..

-----

Dalawang oras na magmula nong dalhan ni Rick si Kendra ng pagkain sa silid nito at hanggang ngayon ay hindi parin ito lumalabas.

*kriiing*

Agad na dinampot ni Rick ang cellphone at sinagot ang tawag.

"Rick!" It's her mom..

"Mom? Bat po kayo napatawag?"

"Itatanong ko lang kong ready naba kayo sa flight nyo mamayang alas tres." Oh God! Ngayon lang nya naalala iyon. May 1 week vacation pala sila sa Italy ni Kendra for their honeymoon. Iyon ang gift ng parents nila sa kanila.

"Mom, can we cancel the flight?" Gusto man nyang pumunta doon ay alam nyang hindi papayag si Kendra.

"Ano?! Bakit naman? Nasan ba ang asawa mo?" Halatang naguguluhan ang kanyang ina.

"Nasa taas mom. Natutulog ata. Sige na po. Tatawag nalang po ako pag matutuloy ang flight namin. But mom can you move it at least tomorrow?"
He heard her mom sigh.

"Anak, wag mo masyadong i spoiled ang asawa mo sa lahat ng gusto nya ok? Mag-asawa na kayo kaya dapat lahat ng desisyon ay pag-uusapan nyo."

"Yes mom." Pagkatapos ay ibinaba na nito ang tawag.

Napaupo sya sa malaking sofa nila sa sala. Tanungin ko kaya sya tungkol doon?

Nagdadalawang isip na nagtungo sya sa taas at kumatok sa pinto ni Kendra...

"Kendra?" Walang sumagot...

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon