Pauwi na sana si Kendra pagkatapos ng trabaho nong araw ding iyon nang bigla nyang makasalubong si Charlotte sa lobby ng kompanya. Nginitian sya nito at nilapitan. Hindi nya maipagkakailang napakasopistikada subalit napakaamo din ng mukha nito. Mapapansing galing talaga ito sa mayamang angkan. Napakaganda rin nitong manamit. Walang wala kung ikukumpara sa mga damit na mayron sya ngayon. At bakas din sa mga mata nito ang kabaitan. Wala ka talagang maipipintas kung pisikal ang iyong pagbabasihan.
"Hi Kendra. Pauwi kana?" Nakangiti nitong tanong sa kanya.
Malamang, Hindi ba obvious? Pagtataray ng kanyang isipan..
"Opo ma'am." Formal nyang sagot na syang ikinasimangot ng maganda nitong mukha.
"Ano ba yan. Parang ang tanda tanda ko sa tuwing tinatawag mo akong ma'am. Charlotte nalang, please?" Sabay puppy eyes pa nito sa kanya na syang ikinatawa nya ng konti. Imagine, isang napakagandang babae nagmamaktol pero maganda parin. Tumaas tuloy ang insecurity nya sa kanyang sarili.
"Sorry na. Okey from now on I will call you Charlotte nalang." Nakangiti na nyang sabi. Hindi nya alam, pero imbes na magtanim sya ng galit dito dahil ito ang nagmamay-ari ngayon ng puso ng lalaking mahal nya at ama ng kanyang mga anak ay taliwas doon ang kanyang nararamdaman dahil magaan ang loob nya rito. Marahil dahil ang bait nito sa kanya.
"Thank you. Anyway, nandon pa ba sa taas si Rick?" Bigla namang bumilis ang tibok ng kanyang puso nong banggitin nito ang pangalang iyon.
"O-Oo." Ang tanging nasambit ng kanyang bibig.
"Okey. I have to go to his office first. I-reremind ko lang yon na 9:30am ang flight namin bukas baka nakalimutan na naman nya."
"Aalis kayo bukas?" Kunyaring hindi nya alam na babalik ang mga ito sa Maynila.
"Oo. Hindi ba sinabi ni Rick sayo? Maybe after 2 months pa ang balik na naman nya dito sa Cebu kaya I hope na magiging okey ka kahit wala sya dito."
Alam nyang tungkol sa trabaho ang ibig nitong sabihin kaya tinanguan nya nalang ito.
"And besides magaling ka naman kaya alam kong kaya mo kahit wala si Rick."
Pinipilit kong kayanin na wala sya sa buhay ko magmula noon pa man.
"I hope so. Iba parin po talaga pag nandiyan si Sir."
Iba parin talaga pagsana ay nandiyan sya para sa akin, sa amin.
"Sabagay. But don't worry, you can call him naman kung may abirya dito sa kompanya. But probably next week ay magiging busy sya. Birthday kasi ng anak namin." Halos nanigas naman sya sa kanyang kinatatayuan sa sinabi nito. Hindi parin sya makapaniwala na totoo pala iyong photo frame na nandon sa office ni Rick. Iyong kasama nya si Charlotte na may bitbit na bata. Sumakit bigla ang kanyang ulo. Ayaw parin magsink in sa kanyang utak ang huli nitong sinabi.
"M-may anak kayo? Kasal kayo?" Halos nauutal nyang tanong.
"Of course we---"
"Charlotte?"
Pareho naman silang napatingin sa pinanggalingan ng boses.
"Ohh, Hi baby." Pagkatapos ay lumapit ito kay Rick at humalik dito.
Ayan na naman, kumikirot na naman ang kanyang puso.
"I thought umuwi kana?" Nagulat naman sya nang sa kanya nakatingin si Rick. Sya ba ang tinatanong nito?

BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
Ficção Geral(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...