Its been a month simula nong ikasal si Rick at Kendra. At kagaya ng dati ay wala paring pagbabago. Kahit anong gawin ni Rick ay ganun parin ang pakikitungo ng asawa nya sa kanya. Palagi parin sya nitong tinatarayan at mas lumalamig narin ang pakikitungo nito sa kanya. At yong sana ay isang linggo nilang bakasyon sa Italy ay hindi natuloy dahil ayaw nya raw bumyahe na nireregla.His wife always gave him a hard time. Minsan nga nauubusan na sya ng pasensya rito subalit pinipilit nya paring intindihin ito.
"Sumabay kana sa akin." Sabi nya kay Kendra habang abala ito sa pag-aayos ng gamit nya na dadalhin sa opisina.
"Wag na. I can handle my self." Pagkatapos nilagpasan sya nito at lumabas na ng bahay.
Hanggang kailan ba sila ganito? Hanggang kailan ba sya magtitiis sa pakikitungo ng asawa nya sa kanya? Napapikit nalang si Rick bago lumabas ng bahay at sumakay sa sasakyan nya. Wala na si Kendra doon kaya alam nyang nakaalis na ito.
------
"Hoy bakla! Busy?" Napalingon si Kendra kay Rocky na ngayon ay nasa harapan ng desk nya.
"Slight. Kailangan ko kasing tapusin tong bagong project eh. Bakit?" Nakita naman nyang napaikot ng mata si Rocky. Ano na naman bang problema ng baklang to?
"Akala ko kasi masasamahan mo akong magpasalon ngayon. Anyways, Kumusta na ang asawa mo?" Kumunot naman ang noo ni Kendra.
"Seriously Rocks? Aba malay ko!" Binato naman sya ni Rocky ng isang rolyo ng tissue na nasa mesa nito.
"Aray ano ba!" Reklamo nya habang himas himas ang parteng natamaan ng tissue.
"Ikaw Kendra hanggang ngayon ang sama sama mo parin kay Rick. Pag yan napagod sa kaartehan mo.. naku!" She rolled her eyes bago nagsalita...
"Whatever. Mas mabuti nga iyon at nang makipaghiwalay sya sa akin."
"Isa nalang talaga at masasabunotan na kitang gaga ka! Susmaryusep Maria!" Nag-igting naman ang tenga ni Kendra sa pagtawag nito sa kanya ng 'Maria'.
"Don't call me that Rocky James! Kanino kaba kampi ha? Sa akin na kaibigan mo o don sa Rick na yon?!" Rocky crossed his arms at sumimangot.
"Wag mo rin akong tawagin sa pangalang iyan! Aba, don ako kakampi sa pogi mong asawa ano!" This time ay sya naman ang binato ni Kendra ng eraser.
"Walanghiya ka! Magsama kayo ng Rick na yon!" Ngumiti naman ng nakakaloko si Rocky...
"Yiiee, selos.." sabay sundot sundot sa kanya sa tagiliran.
"Che! Lumayas kana nga ditong bakla ka!" Kunyare ay galit galitan nya.
"Aysus! Ikaw Kendra ha, ang possessive mo na. Aminiiiin~"
"Isa Rocky kung hindi ka pa aalis di---"
"Oemgeee! Ang ganda ko talaga! Diba Kris? Tara libre kita ng ice cream." At mabilis pa sa alas kwatro ay hinila nya ito paalis sa office ni Kendra. Nagtataka man ay nagpatianod nalang sa kanya ang babae na sana ay may ipapapirma ito kay Kendra na papers.
Natatawa nalang si Kendra sa inasta ng kaibigan. Pati ang sekretarya nya ay nadamay pa sa kabaliwan nito. Kahit kailan talaga napaka ang-ang non!
------
Kanina pa tinatawagan ni Rick ang cellphone ni Kendra subalit walang sumasagot nito. Kinakabahan na sya. Pasado alas otso na ng gabi ay hindi parin ito nakakauwi. Alam nyang hindi iyon mag-oovertime kaya nagtataka sya bat hindi pa ito umuuwi.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
General Fiction(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...