Fate 22

16.4K 326 38
                                    

"They are twins, Rick. We have twins."

Para syang naitulos sa kanyang kinatatayuan. Dumagundong ang tibok ng kanyang puso. Hindi makapaniwalang napatingin sya kay Kendra. Pilit nyang inaalala ang nangyari dati. Hindi nya lubos akalain na ang gabing puno ng pagmamahal na pinagsaluhan nila ay nakabuo pala ng dalawang anghel.

"Ikaw po ba talaga ang tatay namin?" Doon naman sya naibalik sa realidad nong magsalita ang batang babae. Seryoso ang mukha nito ngunit nanabik ang mga mata nito. Hindi nya alam kung ano ang isasagot. Hindi nya alam kung saan magsisimula. Marahil ay napansin iyon ni Kendra kaya ito na muna ang kumausap dito.

"Anak, magpahinga ka muna kasi baka mabinat ka ok? mamaya kana namin kakausapin ha? Mag-uusap muna kami sa labas ng tatay nyo." Hininaan nito ang huli nitong sinabi subalit hindi iyon nakaiwas sa kanyang pandinig.

"Sige po inay. Kuya Daze, nasan na yong tubig ko?" Pareho naman silang tatlong napatingin dito. Seryoso ang mukha nito habang lumalapit kay Madison.

"Daze, bantayan mo muna ang kapatid mo. Babalik din kami." Tumango lang ito sabay abot ng mineral water kay Madison.

"Lets talk." Mahinang sabi ni Kendra sa kanya bago naglakad palabas. Tinignan nya muna ang kambal bago nya ito sinundan sa labas..

"Dito." Napatingin naman sya sa gawi ni Kendra. Nasa may kalakihang iskinita ito ng 3rd floor. Naglakad naman sya papunta doon.

Tahimik lang silang pareho kaya para siguro mabasag ang katahimikan ay ito na ang unang nagsalita..

"Naniniwala kabang anak mo sila?" Malungkot nitong tanong. Tinitigan nya muna ito ng ilang sandali bago tumango.

"They are beautiful." Medyo nakangiti nyang sabi.

"Kamukhang kamukha ka nila."

"I saw him.. Si Daze." Napansin nyang medyo naguluhan ito sa sinabi nya.

"I saw him earlier sa labas. Inaaway sya ng tatlong bata and I helped him. Pero nagulat ako nong makita ko ang mukha nya. Parang nakatingin lang ako sa sarili ko nong bata pa ako."

"I'm sorry Rick.. I'm sorry kung hindi ko sinabi. Kung inilayo ko sila sayo. Natakot lang ako Rick. Natakot ako na baka kamuhian mo na naman ako. Na baka isipin mong kay Drake sila." Unti unting umagos ang mga butil ng luha sa mga mata nito kaya hindi nya alam, kusa nalang naglakad ang mga paa nya dito na parang may sarili itong isip at ang mga kamay nya na yumakap dito. Napapikit sya ng mariin. Ito iyong pakiramdam na matagal na nyang hinahanap. Iyong pakiramdam na nakakapagpapagaan at nakakapagpapakalma ng kanyang pagkatao. He missed this. He missed her.

"Galit ka parin ba sa akin?" Halos pumiyok na nitong tanong sa kanya. Hindi nya sinagot iyon. Bagkus ay ninanamnam nya ang sandaling ito. Kahit ngayon lang, gusto nyang kalimutan ang sakit ng nakaraan.

Bigla itong humiwalay sa yakap at pinakatitigan sya.

"Hindi mo parin ako napapatawad hindi ba? Hindi mo parin ako pinaniniwalaan hindi ba? Kung magpapaliwanag ba ako ngayon, papakinggan mo na ba ako?" puno ng emosyong tanong nito.

"May mababago ba kung marinig ko ang lahat ng iyan?" Seryoso nyang tanong dito.

Nagpunas muna ito ng mga luha bago umiling.

"Hindi ako umaasang may mababago pagkatapos nito. Ang akin lang ay gusto kong malaman mo kung ano ang totoo."

Nag-isip muna sya ng bahagya bago tumango.

"Go on." May nag-uudlok kasi sa kanyang pakinggan ang side nito which is sana ay dapat dati nya pa ginawa. Nginitian sya nito ng malungkot bago isinalaysay ang lahat ng nangyari dati. Mula kay Drake hanggang sa pagkamatay ng kanyang mga magulang.

The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon