Stressed sa mga exams kaya late update. Sarrey Faters~
"Hello Stef? Naayos mo na ba yong pinapagawa ko?" Tanong ni Rick sa sekretarya nya mula sa kabilang linya..
"Yes Sir. May ipapagawa pa po ba kayo?"
"Wala na. Just make sure na handa na lahat bago mag alas syete ng gabi, ok?"
"No problem Sir Rick." Pagkatapos ay ibinaba na nito ang telepono..
Di maalis sa mga labi ni Rick ang ngiti. Excited na kasi sya para sa sorpresa nya sa asawa mamaya. Today is their wedding anniversary. Isang taon na pala ang lumipas simula nong ikasal sila ni Kendra. At sa mga nagdaang mga buwan ay ganun parin ang pakikitungo sa kanya ng asawa. Subalit sya nalang ang nag-aadjust. Alam naman kasi nyang naninibago pa si Kendra...
"Ty?" Pukaw sa kanya ni Henry. Ang isa sa mga pinakamatalik nyang kaibigan at kasosyo sa negosyo.
"H? Teka, kailan ka pa dumating?" Gulat na napatayo sya mula sa kinauupuan nya at niyakap ang kaibigan. Dalawang taon na simula nong huli nya itong nakita. Busy kasi ito sa business branch nya sa California. Nagtatampo nga sya rito kasi nong araw ng kasal nya ay may importanteng business trip ito kaya hindi ito nakauwi ng pinas.
"Kahapon lang Ty. Kumusta na buhay may asawa?" Pang-aasar sa kanya ni Henry na ngayon ay prenteng nakaupo sa mini couch na nasa harapan nya. He called him 'Ty' at 'H' naman ang tawag nya rito. Ty for Timothy and H for Henry.
"Ayos lang.. Masaya." Parang may kumirot na naman sa parteng iyon nong pagbigkas nya ng salitang masaya. Kailan ba sya naging masaya sa mga treatments sakanya ni Kendra? Makita ko lang syang nakangiti, masaya na ako.
"Ikaw kailan ka pa ba magpapakasal?" Ganting pang-aasar nya rito. Natahimik naman ito na syang ipinagtaka nya. Usually kasi makikipagbangayan ito sa kanya pag kasalan na ang pinag-uusapan. Ayaw nya pa kasing magkaroon ng lifetime commitment.
"Buntis si Cassidy." Mahinang sagot nito sa kanya.
"What?! Yong babaeng nakilala mo sa Bar?" Hindi makapaniwalang tanong nya kay Henry. Madalas kasing pumupunta ng Bar ang kaibigan lalo na pag stressed ito sa trabaho. At doon nya nakilala yong si Cassidy na minsan na nitong naikwento sa kanya..
"Oo. At hindi ko alam kong nasan na sya ngayon. Shit pare!" At this moment, alam nyang natamaan na talaga ni Cassidy ang puso ng kaibigan nya. Hindi ito magkakaganito kung hindi nito mahal ang babae.
"Bakit? Ano na naman bang ginawa mo?" Diskompyadong tanong nya rito. Kilala niya si Henry at alam nya kung gaano ito kasama makapagsalita pag galit ito.
"Nah. Lets talk about it next time Ty, alam kong busy ka. May lakad kaba ngayon?" Pag-iiba nito ng topic. Alam ni Rick na hindi pa handa ang kaibigan na magkwento kaya hindi na nya muna ito pipilitin.
"Anniversary namin ng asawa ko. Nagpahanda ako ng dinner." Ngiting aso naman ang ipinukol ni Henry sa kanya.
"Iba talaga pag in love. Alright, see you around Ty. Pupunta muna akong Sorsogon bukas bibisitahin ko sina lola." Pagpapaalam nito sa kanya. Tinanguan nalang nya ito bago ito lumabas.
Napatingin sya sa wrist watch nya at agad nyang inayos ang mga papeles nya at lumabas na ng opisina. Dadaan muna sya sa ate Cassy nya bago nya susunduin si Kendra. Alas kwatro pa naman ng hapon. Maaga pa naman.
-----
Aba la sa pagtitipa sa computer nya si Kendra nang pumasok ang sekretarya nya.
"Ma'am? May naghahanap ho sa inyo sa labas." Napahinto sya sa ginagawa nya at hinarap ang sekretarya.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
Ficção Geral(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...