"Kendra kanina ka pa! Pati ba naman dito?"
"You cannot blame me mom!"
Napabuntong hininga nalang si Mrs. Sandoval sa inaasta ng kanyang anak. Simula pa kasi kanina sa seremonya ng kasal nila ni Rick sa simbahan at ngayon sa reception ay nakasimangot parin ito. At kagabi ay nakipagsagutan na naman ito sa kanyang ama dahil gusto nyang ipacancel ang kasal. At sino ba namang baliw ang magpapakansela ng kasal na bukas na ito gaganapin? Kaya isang maawtoridad na "Ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo Kendra Marie! Wag mo kaming ipahiya!" ang natanggap nya rito. And at that very moment, alam nyang wala na talaga syang pag-asa.
She contacted Drake, his ex-boyfriend, yesterday at hindi nito sinasagot ang mga tawag nya. She wanted to hear his voice before she will get married. Alam nya kasing baka iyon na ang huli. At iisipin nya palang ay nasasaktan na sya. She loves Drake and so He is. Kaya ang pagpapakasal sa taong hindi nya gusto ay parang isang napakalaking bangungot na gusto nalang nyang kalimutan.
"Nandyan na ang asawa mo kaya ayusin mo yang ekspresyon ng mukha mo." Paalala sa kanya ng ina nang papalapit na si Rick. Magtatapos na ang reception kaya nagpaalam na si Rick sa mga magulang niya na gusto na nilang umuwi. Baka kasi pagod na si Kendra. Pumayag naman sila at inannounce nila sa mga bisita na mauuna na raw umuwi ang bagong kasal kasi pagod na raw sila. May iba pang nagsabing "Honeymoon na yan!" Kaya napuno ng hiyawan ang buong paligid na syang mas ikinainis ni Kendra. Honeymoon my ass!
"Lets go?" Nakalahad ang kanang kamay na offer ni Rick kay Kendra subalit sinimangutan lang nya ito at marahas na tumayo. Napabuntong hininga nalang si Rick habang sinusundan palabas ng Hall ang kanyang asawa. Asawa, napakagandang pakinggan para sa kanya subalit may kalakip iyong pait at lungkot. Alam at ramdam nyang mas lalong lumala ang pagkadisgusto ni Kendra sa kanya at nalulungkot syang isipin iyon.
Kanina nga sa simbahan ay nakasimangot ito habang naglalakad sa altar at pinupukulan sya nito ng masasamang tingin habang nagsasalita ang pare. Ang imbes sanang masayang kasal kasama ang pinakamamahal nya na pangarap nya noon ay biglang naglaho dahil sa ipinapakita ni Kendra. Sana man lang kahit nagpanggap nalang syang masaya kanina ay ayos na.
"Daan tayong convenient store may bibilhin ako." Malamig na sabi ni Kendra nang makapasok sila ng sasakyan. Tumango nalang si Rick at pinaandar ang sasakyan.
Kalahating minuto na nilang tinatahak ang daan patungong Forbes Park sa Makati ay wala parin silang imikang dalawa. Manaka nakang tinitignan ni Rick si Kendra subalit seryoso parin ang mukha nito na parang may malalim na iniisip.
"Ihinto mo jan. May bibilhin ako." Malamig paring sabi nito. Napatingin naman si Rick sa itinuro ni Kendra at may nakapaskil na '24/7 Convenient Store' doon.
"Anong gusto mong bilhin? Ako na ang bibili. Mahihirapan ka nyan dahil sa gown mo." Puno ng pagmamalasakit na sabi ni Rick na syang ikinataas ng kilay ni Kendra.
"Fine. Then buy me 1 dozen of hard drinks." Di makapaniwalang napatingin si Rick sa seryosong mukha ng asawa.
"Are you serious Kendra?" May halong galit na tanong ni Rick. Really? Magpapakalasing ito gayong katatapos lang nilang ikasal?
"Mukha ba akong payaso na nagpapatawa? Kung ayaw mo Rick, ako nalang ang bibili sa loob. I can handle it." Hindi na napigilan ni Rick ang asawa nang agad itong lumabas at nagtungo sa loob ng convenient store. May ibang napapatingin rito dahil sa suot nito. Nagtataka marahil sila. Kaya lumabas si Rick dala ang jacket nya at pumasok doon. Nakita nyang nasa may mga istante ng mga alcoholic drinks si Kendra at namimili roon kaya nilapitan niya ito ibinalot nya ang jacket na dala nya rito.
Agad namang napatingin si Kendra sa naglagay ng jacket sa likod nya. Maamong mukha ni Rick ang bumungad sa kanya.
"Come on, ihahatid na muna kita sa kotse. Ako na ang bibili nyan para sayo." Mahinahong sabi nito sa kanya pero bakas parin sa mga mata nito ang lungkot at tutol sa gusto nya.
Di nalang sya nagsalita. Tumango nalang sya at sumunod kay Rick. Ramdam nyang lahat ng nadadaanan nila ay napapatingin sa kanila. Pero hindi nalang nya ito pinansin. Nang makarating sila sa sasakyan ay agad syang pumasok at si Rick naman ay bumalik sa loob ng convenient store.
-----
"Kendra, that's enough." Agaw ni Rick sa bagong bote ng alak na hawak hawak ni Kendra. Nakakalimang bote na ito simula nong dumating sila dito sa bahay nila. At lasing na lasing na ito. Ni hindi nga nya nagawang magpalit ng damit dahil pagkarating nila ay nagtungo agad ito sa sala at sinimulang mag-inom. Kanina pa nya ito pinipigilan pero ayaw magpa awat.
"Isha pa! Isha pa. Gushto ko pa!" Wala na sa sariling sabi nito. Mapupungay na ang mga mata nito at ang pula pula na ng mukha nya. Kung ano ano narin ang mga pinagsasabi nito.
"No. That's enough." Then Rick grab the bottle of alcoholic drink she is holding. At pinulot nya rin lahat ng nakakalat na bote sa sala at dinala ito sa sink. Matapos ay binalikan nya ang asawa na ngayon ay prenteng nakahiga sa couch. She really looks wasted at hindi mapigilan ni Rick na maawa rito. Alam nyang dahil sa kasal nila ang dahilan kung bakit ito nagpapakalasing ng ganito. Pareho lang naman tayong nasasaktan.
Kinarga nya si Kendra at dinala ito sa kwarto nito. Alam nyang ayaw ni Kendra sa kanya kaya malamang sa malamang ay hindi ito papayag na magtabi silang matulog kaya tig-isa sila ng kwarto.
Maingat na inilapag nya ito sa kama at bumaba ulit para kumuha ng basahan at tubig. Nang matapos nyang ihanda ang maligamgam na tubig ay bumalik ito sa kwarto ng asawa. Kagaya ng iwan nya ito ay ganun parin ang pwesto nito.
He has no choice. Ayaw naman nyang matulog ng nakagown ang asawa at may make up pa sa mukha kaya kailangan nya itong bihisan at punasan. Maingat na ini unzip nya ang zipper ng gown nito at dahan dahan nyang tinanggal ito. Strapless naman ang gown nito kaya hindi sya mahihirapan. He was half to it ng mapukol ang mga mata nya sa dibdib ng asawa. Wala kasi itong bra kasi meron na don sa gown nito at likas naman na gifted ito. Napalunok ng laway si Rick. At nanginginig na ipinagpatuloy ang ginagawa. Malaki ang respeto nya sa asawa nya kaya hindi nya magagawang pagsamantalahan ito. At alam nyang hindi sya ganong klase ng tao.
Nang matanggal na nya ang gown ay naghanap sya ng damit sa closet nito. Nailipat na kasi lahat ng gamit nila rito kahapon kaya wala na silang proproblemahin pa.
Binihisan nya ito ng isang loose Tshirt at isang pajama. Ayaw nya itong lamigin kaya hindi yong short ang kinuha nya. Matapos ay umupo sya sa silyang katabi ng kama nito at sinimula nya itong punasan ng maligamgam na tubig.
He heard her wife moan when the warm water conquered her face down to her neck. At alam ng diyos kung gaano kahirap ang pagpipigil na ginagawa ni Rick.
Nang matapos ay kinumutan nya ito. Nagulat naman sya ng bigla itong magsalita. Marahil ay nananaginip ito.
"Drake, mahal na mahal kita." He was stopped, may kumirot na naman sa parteng iyon. Nagsimula na namang bumalot sa puso nya ang lungkot at sakit. Mas masakit pa ata to sa lahat ng pang iinsultong natamo nya rito.
Huminga sya ng malalim at matapos ay pinunasan nya ang butil ng luha na hindi nya namalayang umagos na pala sa mga mata nya. Kailan ba sya huling napaiyak ng dahil sa babae? Matagal talagal narin pala. Pero ito na ata ang pinakamasakit sa lahat.
He bent down a bit at hinalikan nya sa noo ang asawa.
"Goodnight wife." At pagkatapos ay pinatay nya ang ilaw at lumabas ng kwarto nito tsaka dahan dahang isinirado ang pintuan.
Bumaba sya at pumunta sa kitchen sink at dinampot nya ang mga alak na may laman pa at bumalik sya sa sala.
Mahal kita Kendra kaya hindi ako susuko sayo.
BINABASA MO ANG
The Twisted Fate: His Revenge, Her Heartbreaks (COMPLETED)
General Fiction(C O M P L E T E D) Pano kung ang mga bagay na nakasanayan mo ay biglang magbago sa isang iglap? Makakaya mo kayang tanggapin ito? Pero pano kung ang taong palagi mong ipinagtatabuyan ay mawalan na ng interes sayo? Huli na ba para pagsisihan mo ang...