"Tama! eh kung lahat na lang ng magjojowa dito sa mundo eh, nadadaan sa patext tex lang eh sana wala nang naghihiwalay kase may communication naman eh diba? pero kase nga hindi lang naman yun ung kailangan. kailangan din ng personal communication at marami pang iba, nakipag commit kana eh, lubos lubosin muna!" tuloy tuloy na sabi ni ķarl,
Kahit na tinignan nanaman sya nang mga baliw nyang kaibigan dahil nagsalita sya ay hindi na lang nya pinansin ito. nasanay na rin sya dahilnaghahalikan palang ang mga parents nila magkakaibigan na sila"Tama! kase alam mu, oo nga at nagtetex kayo, nagtatawagan pero sa tingin mu effort yun? Hindi. dahil napakadali lang maghanap nang time! pag kumakaen pag naliligo, tumatae pwede ka nyang tawagan! kapag mahal ka gagawa at gagawa yan ng paraan makita ka lang. Hindi ka mahal nyan, maniwala ka sa akin.. walang forever eh, maghihiwalay lang din kayo nyan." nang aasar na payo ni Matty
"Namu. bitter ka lang eh." sisinghot Na sabe ni Karl
"Oh anu ok kana ba?" tanung ni Ansirk
"Mejo ok na ko, salamat sa inyo mga kumags!" sabi pa nya "Oh tagay na mga kumags!"
Habang Nag iinuman sila may isang gwapo sa kabilang dako nang mundo na papunta na pinagtatambayan nila.
Nakaka limang ikot palang ang chaser nila nang biglang may humila sa braso ni Ansirk, nang lingunin nya ito Nagulat To nang makita si Garry. pero mas ikinalaki nang mga mata nya ang pagkakita kay Garry na naka boxer lang ito at nakasapotos pa.
Lahat sila nagulat at unang naka bawi sa kanila ay si George.
"Oh tol, anung ginagawa mu dito?"
"Nandito Ko para pigilan kayo sa pananakit nyu sa baga nyu, at nandito rin ako para sunduin ka!" patukoy nito kay Ansirk na hanggang ngaun ay nakatulala pa rin sa katawan ni Garry na nakaladlad sa muka nya. nang batukan sya ni Karl tsaka lamang sya nagising sa imahinasyon nya "Anu ba bitawan mu nga ko!" sigaw nya dito at pinipilit bawain ang braso nya na hawak nang lakake.
"Wag Ka ngang uminom!" balik sigaw ni Garry dito
At dahil nga kanina pa sila nag iinuman mejo maypaka tipsy na si Ansirk. "Baket mu ba ko pinipigilan? hindi naman kita ka anu anu! George Uwi Muna nga yang kuya mo. "