######
Kinabukasan maagang maghintay ni garry sa harapan nang bahay ni ansirk dahil inaasahan niyang makakausap niya ito. Ala sais pa lang nang umaga ay nakatayo na siya sa harapan nang gate nito, ngunit alas diyes na nang umaga hindi pa din ito lumalabas, nagtataka sya dahil alas nuebe ang pasok nito ngunito alas diyes na hindi pa rin niya ito nakikitang lumabas.
Papasok kaya ito? tanung niya.
Gusto sana niya talagang makausap at makita si ansirk, dahil gusto niyang magpaliwanag tungkol sa nakita nito, pero parang ayaw talaga syang bigyan nang oras para man lang makausap sya.
Hindi naman talaga niya hinalikan si chanel, si chanel ang humalik mag kaiba yun. mahal na mahal niya si ansirk kahit pa alam niyang bata ito, ay wala syang pakealam.
Kung gusto nit0ng maging leagal at official na sila, ay gagawen nya na para lang hindi ito mawala.
Lahat gagawen nya para lang mapatawad sya nito
Samantala si Ansirk naman ay kanina pa nakatanaw sa isang lalake na natayo sa tapat nang bahay nila.
Alas kwatro na nang hapon ngunit hndi pa din ito umaalis sa pwesto,
nakapasok at naka uwe na sya pero nanduon pa rin si garry at hindi umalis.
Kaninang umaga ay alas singko nang umaga sya umalis at dumeretso sa bahay ni matty na ilang dura lang naman ang deperansya nang layo sa bahay nila. at inaasahan na rin niya na hihintayin sya ni garry, dahil anung oras na rin ito umalis kagabe.
Nasaktan siya sa nakita niya kahit pa mas maganda si channel sa kanya- ay hindi! mas maganda ako sa kanya. pero hndi pa din dapat ito nakipag halikan kay chanel, sbe niya sa sarili.
Nsaktan sya! Perslab niya si garry fisrt kiss niya pa. grabe naman kase, ang sarap humalik ni garry.
pero kaht pa, mag kaaway pa sila ngaun hndi niya pa din matiis ang gung gong na yun, dahil mahal niya ito.
she kn0ws na mahal na sya ni garry, pero ngaun nagdadalawang isip sya dahl sa nangyare, yung dahilan nito kung bket ayaw pa nit0ng maging official sila ay baka may dahilan syang baka ayaw talaga nito sa kanya.
kung anu pa man ang dahilan nito ay wala na syang paki!
" Uy!!"
" Ay Shutaness! " sigaw niya nang gulatin sya nang tao sa likod nya, nang tignan niya ito nakita niya si Matty.
Kasalukuyan silang nakaupo sa garden nila matty na di naman kalayuan para matanaw si garry.
Nakaupo Sila sa upuang na bakal na may bakal din na lamesa.
"baket kase ayaw mo pa din na kausapin si kuya garry?" tanung ni matty sa kanya
sumimangot naman ang muka ni ansirk.
"ayoko nga!" sigaw niya. "tsaka dun na sya sa chanel na yun halata naman na gusto niya pang lumun0k nang laway nang babaeng dikya na yun."
napausog naman nang balikat si matty "hmm? chura mu! obvious naman na gusto mu nang kausapin si kuya garry. kinakain ka lang nang prito."
"prito?" kumunot ang noo ni ansirk.
" Prito. Pried. Pried ba!" sabi nito tsaka uminom nang juice na nakahain sa lamesa.
"tss! pauso mu." sabi na lang ni ansirk tsaka binalik ulit ang tingin kay garry.
pero nagulat sya nang tignan niya ito ay wala na ito sa pwesto.
"asan na kaya yun?" bul0ng niya pero narinig iy0n ni matty.
"asus! pag nanjan dinidedma, pag wala hinahanap. alam mu ba ang tawag jan?" tanung nito na may ngiti sa labi.