Untitled Part 9

75 1 0
                                    


Nagwanan naman sila karl sa sinabe ni ansirk pero iba yung kinalabasan kay garry dahil mas lalo itong nagalit.

Hinila ni garry patayo si ansirk sabay hinalikan ito sa labi. Lahat nang tao sa paligid nila ay nagulangtang maging si George.

"Woah!! tungunu live show!" natatawang sigaw ni karl

Nanlalake man ang mga mata ni ansirk dahil na ginawa ni garry ay di na nya ito alintana dahil ang focus nya ay na kay Garry na ngayon ay hinahalikan sya. Shet! bango nang hininga! ang lambot ng labi at ang lamig nang laway nya.. ganto ba talaga pag nakikipag hali-

"Kuya!" pag anu'y sigaw ni george, si Ansirk naman ay nanlalake pa rin ang mga mata at naka bukas ang bibig 'shet! nawala laseng ko dun ah' sigaw nya sa kanyang sarili

Ngingiti ngiti si Garry dahil sa kapilyuhang ginawa sobrang saya nang puso nya dahil na rin sa ginawa nyang pag halik kay ansirk "Anu kilala mu na ba ko?" pilyong tanong nya dito.. pero hindi pa din ito nagsasalita nakatulala lang ito 'nasobrahan ata ang paggamet nya nang mouthwast mint flavor'

"Hoy Ansirk!!" malakas na sigaw ni matty na siyang nagpagising sa nakatulalang si ansirk

"Ay Tipaklong na nakaheels!" gulat na sigaw ni ansirk

"tang'na Nilaplap ka lang nawala ka na sa wisyo!" biro ni kris kay ansirk na nagyun ay masama na ang tingin kay garry

"hmp!" humakbang na sya paalis pero bago yun nahawakan na sya ni garry sa braso bago pa sya makalayo "san ka pupunta?" tanung ni garry kay ansirk

"Bitawan mu nga ko! uuwe na ko!" sigaw ni ansirk at pinipilit bawiin ang kamay na hawak ni garry

"Baket? lasing kana! sa tingin mu ba kaya mo pang mag bike! masesemplang ka lang krisna!" balik sigaw ni garry dito

"Ansirk! hindi krisna! at ou kaya kong mag bike hustler kaya ako!"

"Oo Na Ansirk Na! ang dame mung alam bata ka!" napipikong sagot ni garry dito " di mu na kayang mag bike!"

"kaya ko nga! paulit ulit?" nagpapajak na sigaw ni ansirk

"George, umuwi ka na lang ah! kayong lahat." ma otworidad na wika ni garry sa magkakaibigan tsaka hinila palabas ni Ansirk

Habang naglalakad sila palabas dun hiyaw naman nang hiyaw si ansirk kay garry para lang pakawalan nito sya pero parang hindi sya naririnig ni Garry dahil tuloy tuloy lang ito sa paglalakad nang mapunta sila sa may gate nang bahay tsaka lang ito tumigil "bitawan mu na nga ako, nasasaktan na ko ah sasapakin na kita!" pagbabanta nya dito pero hindi ito ininda ni garry

"Talagang masasaktan ka! ang kulit mu, kailan ka ba makikinig sa ken. sabi ko diba wag kang mag bisyo!" galit na sigaw ni garry matagal na nya itong issue kay ansirk ang pag inum nito kasama ang mga kaibigan, hindi naman masama ang paminsan minsan pero kase madalas itong mag cutting pag hindi nila type yung topic sa skwelahan nila at uminum kapag may problema ito.

"Alam mu, hindi pa nga tayo pero sinasakal mu na ko, panu pa kaya pag naging tayo na?!" naiiratang sigaw ni ansirk kay garry dahil sa maikling panahon na nagkakamabutihan sila napapansin nya dito ang pagka possessive nito super!

Nakita nyang ngumiti si Garry kaya mas lalo syang naines.

"Pag naging tayo? hindi kana masasakal, alam mu kung baket?"

naguguluhan man ay sumagot sya "Baket?"

"Kase Pag Naging tayo na hindi ka na umiinom." seryoso ang muka na sabi ni garry pero hindi alam ni ansirk kung bakit sya napapangiti

"Baliw ka ba? baket ka ngumingiti?" naguguluhang tanung ni garry dahil kanina lang nagsisigawan sila tapos ngayun ay ngumingiti na ang dalaga.

umiling iling si ansirk bago nagsalita "love mu talaga ko noh?"

"ou naman sa tingin mu ba, pupunta ko dito na naka boxer lang para lang sunduin ka?" ngumingiting ngiti na sa be ni garry

kahit naiihe sa sobrang kilig si ansirk at parang dinaig nya pa si joker kung makangiti nakuha nya pang magsalita "MahaL mo ba sarili mo?"

nagtataka man ay sumagot na lang si garry "kalahati nang pagmamahal ko sayo!"

"uhmm.." tumatango tango na sabi na "pwede favor?"

"Anything!" mabilis na sagot ni garry

"pwede wag mu mo masyadong mahalin ang sarili mu?"

"huh? baket?"

"kase responsibilidam ko na yun." nahihiyang banat ni ansirk

Npangiti na lang si garry sa ka cheesyhan ni ni Ansirk.

Unti unting ibinaba ni garry ang muka katapat nang muka ni Ansirk, at dahan dahan na hinalikan ito.

Kapwa silang nakangiti habang ginagawa iyon, masaya silang pareho dahil sa nangyare ngayon. Nang mag hiwalay ang mga labi nila kapwa sila natawa..

"Mahal talaga kita Ansirk.." bulong na sabi ni garry tama lang para marinig ni Ansirk. Napangiti naman si Ansirk at nakangiti ring sinagot ito "Iloveyou Too Garry."

---

"So ibig sabihin ba neto tayo na?"

Nakangiting Tanung Ni Ansirk Kay Garry Nang makarating sila sa tapat ng bahay nila Garry.

"Pero bata ka pa.." kapag kwan ay sagot ni garry gamet ang kalmadong boses.

Nalukot naman ang muka ni ansirk dahil sa sgagot ni garry sa kanya "pero age doesn't matter in love diba?"

"i know pero kase Ansirk mahal kita.. at gusto ko munang mag aral ka nang mabuti"

"huh? nu un?" naguguluhang tanung ni ansirk

"meaning hindi muna tayo pero alam na natin sa isa't isa na tayo." paliwanag naman ni garry dito

"huh?" tanung ulit ni ansirk na kunot noo.


hinawakan ni garry sa magkabilang pisnge si ansirk tsaka nagpaliwanag ulit "meaning mahal naten ang isa't isa pero mag hihintay muna tayo nang tamang panahon kapag ready ka na."

"huh? ready na ko anu ka ba? nag hahalikan na nga tayo eh! hindi man ako marunong humalik pero tuturuan mu naman ako diba? tulad nang pagtuuro mu sa puso ko na mahalin ka.." paliwanag naman nang bata ay este! ansirk.

napailing na lang si garry dahil sa sinabi ni ansirk.. pasalamat sya at mejo madilim dito kung san sila nakatayo ni ansirk kung hindi nakita nito ang pangingitim ay! pamumula pala nang mukha nya.. nagagawa talaga ni ansirk palabasin ang puso nya kahit minsan wala nang kwenta ang mga sinasabi nito.

"Ahh!! so pwede akong mag syota nang iba? kase hindi naman tayo diba?" nakangiting pagbabakasakali na tanung ni ansirk

nakita naman nya agad ang pag kunot nang noo nito kaya mas lalo syang napangiti. "May sinabi ba ko?! baka Gusto mung mapatay ko kayo ng future lalake mu?" halos maputol na ang pangatlong ugat ni garry sa sa leeg sa pag sigaw na ginawa nya

humalakhak naman si ansirk dahil dun " to naman joke lang yun hon!"

"hmm.. maganda yung hon, pero common na kase yun! iba na lang.." at parehas silang nag isip nang magiging tawagan nila..

"ayun! Mister At Misis Na Lang Pwede?!" biglang sigaw ni ansirk

tumango tango naman si garry bilang pag sang ayon at inulit ang sinabe ni ansirk..

"Mister moko at Misis kita.. Pwede!!"


That womanWhere stories live. Discover now