-----
"Kamusta pag uusap nyu ni Garry?"
Napalingon siya sa taong nag salita. Kuya Ias niya.
Kasalukuyan pa rin siyang nasa kwarto niya pero hindi na siya umiiyak. Nakatulala na lang.
Hindi pa rin talaga maka paniwala si Ansirk sa pinatunguhan nang pag uusap nila ni Garry kaninang hapon. Parang desidido na kase si Garry sa sinabe nito sa sa kanya, para bang hindi ito yung garry na hinahabol habol siya sa nag daang apat na taon. ibang tao na itto. at ibang tao na rin ang gusto.
Umiling na lang siya bilang sagot sa kanya kuya.
"Ha?" ani to tsaka hinatak ang isa sa upuan niya sa kwarto at umupo nang naka dikquatro kaharap siya.
"Anu ba talagang nangyare Krisna?" tanung ulit nito
"Wala. naghihinge lang siya nang closure para sa aming dalawa." mahinang sabi ko. Nalulungkot ako pag naiisip ko talaga yung kanina.
"Closure? Eh baket daw? akala ko kaya siya pumunta dito para magka ayos kayo?"
"Ewan. siguro kase may iba na siyang gusto." sabe ko na lang. Ganun naman talaga diba. Aayawan mu lang naman ang isang
bagay kung may nakita ka nang kapalit nito.
"Wala naman siya nababanggit e." wika nito.
"Tsaka alam mu Krisna, One Woman Man yun si garry. well siguro nga. Nag hanap nang iba, Ang panget mu kase."
Napa Angat naman ang ulo ni Ansirk dahil sa narinig niya at binigyan nang nakaka comatouse na tingin ang kuya niya.
"Chill ka lang sissy!" natatawang saad nito "Ang gawen mu na lang, kung gusto niya nang closure wag mung ibigay para hindi siya maka pang babae! ang siste ba e, ikaw lang masasaktan? hindi! dapat tie kayong dalawa."
Bigla namang napatingin si ansirk sa kuya niya. "Tss.. ang bitter ko naman tignan kung ganun."
"Hindi pagiging bitter ang tawag dun." Saad nito
"Ang Tawag dun pagiging praktikal. Let's Face it sissy ipokrito ang tawag sa mga taong nagsasabe na kung mahal mu at di ka mahal dapat pakawalan mu. Nak nang tokwa't baboy kaya ka nga nagmahal para sumaya ka, hindi para sumaya ang iba. tapos anu papakawalan mu lang?"
Nanatili Lang Si Ansirk Na Nakatangin Sa Kuya Niya Habang Nasasalita Ito.
"Hindi pagiging bitter ang tawag sa pagdadamot mu nang kalayaan sa taong mahal mo. Ang ibig sabihin lang nun, Mahal mo talaga ang taong yun kase hindi mo kayang makita na masaya siya kasama ang iba."
"Minsan Okay din naman magdamot para di ka masasaktan." dugtong pa nito.
Tumayo na sa si Ansirk at lumapit sa kuya niya tsaka niyakap ito nang mahigpit.
"Kuya may pinagdadaanan ka ba?" Tanung niya dito.
Natawa naman ang kuya niya dahil dun. Inalis nito ang pagkakayakap niya at inayos ang damet. "Siraulo wala noh! Advice lang yun. Been there Done that. At sobrang sakit nun kapatid." wika nito at bahagyang ngumiti na hindi umabot sa mata. May Sakit sa mga nito na nagpapakita na sa tingin nito ay may lungkot itong tinatago.
Nagpaalam na itong umalis. si Ansirk naman naiwang nakatingin pa rin sa pinto kung san lumabas ang kuya niya.
Anung nangyayare dun?" tanung ni ansirk
Mukang may nangyare sa kuya niya na hindi niya alam. mukang tungkol ito sa pag ibig at mukang nasasaktan din ito pareha niya.
---
Kinabukasan maagang pumasok si Ansirk sa skwelahan kasama ang barkadahan niya. Maaga siyang pumasok dahil gusto ni ansirk na makapag isip isip. Kahit kagabe ay nahirapan siyang maka tulog dahil sa sobrang pag iisip niya kay Garry. naalala niya may Channel pa nga pala si Garry tapos may ibang babae pa ito nung nakaraan. 'Aba't ang manloloko nga naman na iyon.' bulong ni ansirk sa kanyang isip
Napailing na lamang siya at winala ang iniisip.
"Tang'na mga brad, nakakaines talaga yung mga feeling pogee e no! Nanginginig talaga atay ko pag ganun."
Nanggagalaiting pahayag ni Matty sa kanila.
Nakita naman ni ansirk na napatigil sa mga ginagawa sila Kris, Karl at George.
"Baket? sinu bang pa pogee?" tanung ni Kris.
"Yung Lalakeng yun! leche sya!"
"Tangna, di mu naman sinagot yung tanung ni George e!" nakisaling wika ni Kris.
"Wala. Secret muna for now." saad nito. bago bumaling kay Ansirk "Nga pala Ansirk, baket mu kame inaya dito sa tambayan? Imbes na dun tayo tatambay sa bahay nila George e."
"Ayoko dun e." simpleng sabi ni ansirk.
Totoo naman ang sinabe ni ansirk. Ayaw pumunta sa bahay nila George dahil alam ni ansirk namang makikita lamang niya ang kuya ni George.
"Baket? dahil andun si Kuya Garry?" tanung ni karl sa kanya.
"Wag Mu nang itanung dahil alam naman nateng lahat na iyon naman talaga ang dahilan." wika naman ni matty.
"Eh Tol,wala naman dun si kuya ko. Si ate jas lang ang nandun yung pinsan namen." paalam ni george
" kahit pa." aniya
"May bagong girlfriend na ba yung kuya mo?" di matiis na tanung niya kay george.
Pag di pa niya ito itinanung ay bka mamataw na sa sobrang pag ka curious ang utak niya. Gusto malaman ni ansirk kung anung dahilan ni garry kung baket nanghihinye ito nang closure. Di niya maiwasang isipin na baka nga may babae ito kaya ganun.
"Wala naman ako nakikita. sa totoo niyan ikaw yung una at huli kong nakita na kasama ni kuya na babae." sabi ni george.
Napatango naman si ansirk dahil dito. naka hinga sya nang malalim pero hndi maiwasang malito. kung walang siyang ibang babae eh anu? anung rason niya para huminge nang closure sa akin?
Napailing naman si Ansirk habang nag iisip dahil nakita niya bigla nagsi ngisihan ang barkada niya
"Sige na. Una na nga ako sa inyo." wika niya tsaka tuluyang nang umalis.