###
"Ang gwapo ni Garry no?" gitgit na sabi ni karla kay ansirk.
Napatango na lamang si Ansirk sa sinabe ni Karla.
Nandito pa rin sila sa sala nang bahay nila Ansirk nanunuod ng pelikula. Dumating ang iba pang kaibigan ni Ansirk kaya't labing isa sila sa sala na iyon.
Tama naman si karla sa sinabi nito, mas lalo ngang gumawapo si Garry sa hitsura nito ngayun. Sa tingin ni ansirk ay nag pagupit lang naman ito ngunit biglang lumakas ang dating nito sa kanya.
Naenhance kase ang mga features nito, yung kilay na mejo makakapal, at yung mga matang bilugan ngunit maliliet, ilong na matangos at ang labi nito na pang baby sa pagiging pink.Napahinga na lamang ng malalim si Ansirk dahil dun.
"Ang deep.." biglang wika ni francis sa kawalan.
Napalingon naman ang lahat kay francis.
"Pinag sasasabi mo?" tanung naman ni Myllok.
"Wala. sabi ko kako hinahanap ka ni George." nakangising sabi ulit ni Francis.At dahil dun nakatanggap sya nang batok at myllok. "Tang'na mo francis! mabaog ka sana!" sigaw naman ni george
"Tss.. kung mangyayari yun kawawa naman yung mga babae, hindi man lang sila mababahagian ng magandang kong lahi." mayabang naman na sagot nito kay george habang inilagay naman ang isang kamay at hinugis check at inilagay sa baba.
"Tara mag mall na lang tayo." Aya naman ni Matty kina ansirk. "Baka maging kriminal pa ako at makapatay ng mayabang dito."
Tumayo na ito tsaka nagmartsa papalapi sa pinto. "Tara na boring naman dito." ulit pa nito sa sinabi.
"Ayoko. uwi na lang ako." wika naman ni Kris tsaka naglakad papalabas ng pinto.
Wala sa sariling tinignan ni Ansirk ang kuya ias niya na ngayon ay tahimik lang na nakatanaw sa lumabas na si kris.
Kapag kuwan ay kinalikot naman nito ang cellphone nito. Napangisi naman si ansirk. isip isip niya may something nga yung dalawa.
"Tara uwe na lang tayo." segunda naman ni karl sa sinabi ni kris.
"Anu magwo walk ka rin?" tanung naman ni diether.
Pero hindi naman siya pinansin ni karl at nag patuloy sa paglalakad ito kasama ni matty na kasamang umalis.
"oh ikaw gagaya ka rin?" kapag kuwa'y tanung ni Myllok kay George.
"Baket ayaw mu na ba akong makita?" nakataas na kilay na tanung ni George dito. Natahimik naman ang lahat dahil sa sinabi ni George.
Syempre maliban kay francis.
"Pegebeg ne keye.." mapang asar na wika ni francis.
"Aray!" daing nito. binato kase siya ni myllok ng remote nang t.v."Baket ka ba namamato?" tanung nito.
"Try mo tumahimik, baka matuwa pa ako sayo." saad naman ni Myllok sa seryosong tinig.
May binubulong pa si francis pero hindi na nila marinig iyon.
Samantala tumayo naman si Ansirk at umakyat na papunta sa kwarto niya.
SINUNDAN naman ng tingin ni Garry ang paakyat na si ansirk.
Gusto niya itong sundan gustong gusto ni garry na makausap si ansirk, ngunit parang iniiwasan naman siya nito. Nahihirapan naman sya dahil dito. Parang ang hirap hirap naman lapitan ni ansirk, So near yet so far.Napadako naman ang tingin niya sa nakatinging si ias sa kanya.
"Sundan mo na. Nahiya ka pa e." wika nito tsaka nginitian sya ng marahan "Talaga tol?!" gulantang na bulalas niya. Hindi makapaniwala si Garry sa sinabe ni Ias.
"Oo nga! pero brad, hanggang base one lang ha! pag lumampas dun baka mapatay kita. Di ako nag bibiro." sabi nito tsaka itinulak ang hindi makapaniwalang si Garry..
"Gagstu! Pabebe pa tung hayop na to!" sigaw naman sa kanya ni Diether "akyat na! Tanga!"
Natataranta namang umakyat si garry. Madapa dapa pa ito habang paakyat ng hagdan.
Masaya siya, maging ang puso ni garry ay masaya rin, sa isiping magkakausap na sila nang babaeng mahal niya at may tsansa pa na mag kaayos sila.
Ang tagal na rin ng mis understanding nila, mga apat na buwan na rin siguro. Pero wala namang dapat sisihin si garry dahil parehas silang may mali.
Isang di nakinig, at isa ring pinatagal pa ang away.
Ngayun nandito na siya sa harap ng kwarto ni ansirk, ay abot abot langit ang nararamdamang kaba ni Garry.
Pinag Halo halong kaba at excitement ang nadarama niya.
Ambang kakatok na sana si garry sa pinto nang kwarto, nang bigla itong bumukas.
At nasa likod nun si ansirk.
"Oh? ginagawa mo dito?" nanlalaking mata na tanung nito kay garry.
Ngayun naman na nakita ni garry na nakatayo itong si ansirk ay tsaka lamang niya natitigang mabuti ang dalaga.
Ang maikling damet na suot nito ay nakakadagdag lamang ng pag ka ka kaba niya. Ang damet balat ang kita kay ansirk.
Tinitigan niya ito mula paa hanggang ulo.
Ang mga binti nitong maiikli ngunit makinis.. Ang.. ang.. ok lagpas tayo sa base two.
Pati ang muka nito na para sa kanya ay mas maganda pa kay kathryn bernardo, kahit may pagka pango ito ay maganda pa rin.
Nabalik lamang ang diwa niya nang mag salita ulit si ansirk
"Hoy! Anu kakong ginagawa mu dito?" ulit nito.
Tintigan muna ni garry ang dalaga tsaka walang pasubaling hinila papasok sa sa kwarto nito.
Nagulat Naman si ansirk sa inakto ni garry.
"Garry!" hiyaw niya.
"Mag uusap tayo sa ayaw at sa gusto mu." balik hiyaw ni garry sa kanya.
"Baket pa?! eh hindi ba nanghihinye ka na nga nang closure?! tsa--" natigil si ansirk sa pagsasalita
nang bigla na lamang siyang hagkan ni garry. nanlalaki ang mga matang tinignan niya ito.
Anu bang nangyayare? baket bigla bigla na lamang nagiging agresibo si garry?
Tinapos ni garry ang halik at tinitigan si ansirk.
"First base." wika pa nito.
napakunot noo naman si ansirk. anu bang pinagsasabi nito?
"A.. Anung first b-ase?" naguguluhang tanung niya.
Nagulat naman si ansirk nang mag mura si garry at walang walang pasabi na lumabas ng kwarto niya.
Si Ansirk naman ay naiwang nakatulala duon.
Anung Nangyare?!