Untitled Part 27

69 1 1
                                    

Eh baket nga bigla bigla na lang umaalis yung kuya mo?" tanung ni ansirk sa ka face time niyang si George.

Kasalukuyan ng nakahiga si Ansirk sa kama niya nang bigla namang tumawag si George at dahil din hindi pa siya dinadalaw ng antok ay isinagot niya ito, at ito'y nag uusap na sila tungkol sa nangyari kanina.

Naka tagilid siya at nakatapat ang cp niya sa muka niya.

"Aba'y ewan ko! dapat kase tinanung mo na kanina.." sagot naman ni george.

"Eh panu ko nga tatanungin bigla na lang akong iniwan dito.." aniya. "Ganun na lang yun pagkatapos niya akong halikan? anu yun kiss and run?"

Tumawa naman ang kausap niya. "Eh baliw ka pala e! baket ka naman nagpa halik?"

"Eh kase nga ang bilis ng nangyari!"

"Hindi mabilis ang nangyare tanga! ginusto mo lang talaga.."

Nag inet naman ang pisnge ni ansirk dahil sa sinabi ng kaibigan.

"Asus daw o! namumula sya, nagdadalaga na ang gaga!" pag aasar nito sa kanya.

  "Heh! tumigil ka jan myllok ah!"

Nakit naman ni ansirk na namula ang kaibigan, kaya lalo niya itong inasar. "Myllok love george love myllok.."

"Shut it ansirk." suway nito sa kanya pero hindi pa rin tumigil si ansirk sa pang aasar.

"Wow naman.. shut it? ang chuchal naman ni ateng? yung totoo? tinuro yan sayo ni Myllok no?!" natatawa niyang sabi ni ansirk magsasalita pa sana si ansirk ng bigla na lamang pinatay ni george ang accnt nito.  

   Natawa na lamang si ansirk dahil dun.

"Abno talaga.." napapailing pa nitong sabi.

Tsaka siya tumayo at bumaba sa kusina, nauuhaw kase ito. Pagka inom niya kumuha rin siya nang siopao sa ref tsaka ini-steam iyon, Pagkatapos nun umakyat na siya sa kwarto niya.

Umupo si Ansirk sa may tabi nang bintana tsaka sinimulang kainin ang siopao.

Nakatitig lamang siya sa maitim na ulap.

Ang dameng mga bagay ang pumapasok sa isip niya, isa na dun ang lovelife niya.

Natawa na lamang siya sa nasa isip niya.  

Lovelife? eh samantalang wala naman siya nun.. well siguro nga meron, pero matatawag niya iyong complicated.

Nung nasa kalagitnaan na siya nang pagkaen ay uminum na siya nang tubig, pagkatapos nun biglang nag ring ang kanyang cellphone.

Bumaba siya sa bintana tsaka kinuha ang cellphone sa lagayan ng lampshade.

Nang tignan niya iyon namula bigla si ansirk..

Asawa mine calling...

Naalala naman bigla ni ansirk ang ginawang pag halik sa kanya ni garry kanina.

"Baket naman kaya tumatawag to?" tanung niya sa sarili tsaka tinignan niya ang micky mouse niyang alarm clock. Alas dose singko na nang umaga.

Sinagot niya iyon..

"Hello?" panimula niya.

"Krisna.."

"Baket?" tanung niya tsaka umupo sa ibabaw ng kama.

"Ahm.. i- i just wanna know kung kayo na ba ni emman?" kinakabahang tanung nito sa kanya.

Napakunot naman ang noo ni ansirk.. Emman? panu nito nalaman ang tungkol dun? eh halos magdadalawang buwan na niyang hindi nakakasama at nakakausap si emman.

"Ano? Baket?" kapag kuway tanung niya

"Sagutin mo nalang.. kayo na ba?"

"P-paanu mo-"

Narinig kong nagmura siya tsa huminga nang malalim. "Sinabi sa akin ni george kanina.. "

Si George? anak talaga!? oww.. bigla niya naalala ang sinabi nito kanina habang nag uusap sila sa phone.. 'Ako nang bahala..'

Napailing na lamang siya.. mukang nag uumpisa na ngang kumilos ang mga kaibigan niya..

"Anu s-sabe?" tanung ko..

"Kayo na nga daw nung lalaking iyon tapos hindi mu na daw ako mahal, sabi niya pa nag uumpisa ka daw mag move on.. Ansirk talaga bang ayaw mo na sa akin?" malungkot nitong tanung.

Natatawa na lamang siya dahil sa mga sinabi nito.. Ang george na to!? Kung anu anu mga iniimbento nito..

Natatawa na lamang siya pero pinipigilan niya baka kase marinig nito.. "Ayaw mo naman sa akin e.. might as well sumubok na lang ako nang bago.. besides gwapo rin na-"

"TUMIGIL KA NGA ANSIRK!" sigaw nito sa kanya. halatang nanggagalaiti na ito sa galit.

"LQ lang tayo diba?! tapos naghahanap ka na ng iba ngayun?!"

"LQ??" mahabang tono na tanung niya. "Eh hindi naman tayo diba? tsaka sabi mo pa nga 'we need more time to grow' naalala mo?"

"Oo sinabe ko yun! pero wala akong sinabeng mag hanap ka nang iba! tsaka nagka linawan na naman tayo diba? mahal mo ko mahal kita-"

"Mahal din naman ako ni Emman e.." putol niya kay Garry
"tsaka, isa pa gusto niya akong maging girlfriend.."

Natatawa na lamang si Ansirk sa mga iniembento niyang mga salita..

"Anu ba ansirk?! gusto rin naman kitang maging girlfriend ah!?" bakas sa boses ni garry na naiirita na ito pero natatawa lang dun si ansirk

Na hindi mu ginawa." putol ulit niya kay garry. "So sorry ka na lang.. bye." aniya tsaka tinapos na ang tawag.

Napangiti si ansirk sa ginawa niya. Humiga na siya sa kama niya at ngumi ngiti ngiti. "Mabaliw ka ngayun sa kakaisip." wika niya ulit tsaka ipinikit ang mga mata na may ngiti pa rin sa labi.

-----------------------

sorry maikli.. 2 chapters na lang namn or maybe one.. :)  

That womanWhere stories live. Discover now